"Tumigil kayo at may nanalo na!!" Biglang sigaw ng isang babae na tingin ko ay transferee din. Hawak niya ang kamay ni Luther na tila ba lutang na lutang sa nangyari. What the hell happened?

Sa itsura ni Luther may mali eh. Sa panahon ganyan dapat ay nagsasaya na siya at pinagkakaguluhan siya. Looking at him now? It's like he's having discomfort at pag kailang. Weird.

Nagtama ang mata namin. Napatingin siya sa katabi ko which is Eros sabay igting ng panga.

"Matagal kana sa school na'to?" Nawala ang atensyon ko kay Luther ng biglang nagsalita si Eros. May narinig pa nga akong nagsisigawan pero pinagwalang bahala ko nalang. Kaya na ni Luther yan. I bet nanginginig pa ang itlog niyan.

"Hmmm.. nope, this is my second year here.." sagot ko.

Tumango tango si Eros. "Where did you studied the other past years?" Seryosong tanong niya. Is he what? Pakiramdam ko sumasagot ako ng isang ambush interview. Medyo natatawa pa nga ako. Hindi naman siya mukhang bakla but he's very nosy.

"Seriously?" Natatawang sagot ko. Ramdam ko ang bahagyang pagkailang ni Eros kaya nawala ang ngiti ko. I was mean. And what I answered him was rude.

"Sorry, I was just trying to prolong the conversation.. you know-- I just want to know you more." Nagkibit balikat siya na ikinapikit ng mata ko. Why do I have to be judgy?

"My apology, I was mean.." nahihiyang sagot ko.

Umiling si Eros pero may maliit na ngiti. " No, if you don't want to talk then it's fine."

Huminga ako ng malalim. Ala naman masama kung magkwento ako diba? Getting to know stage ba.. tutal, mukhang siya naman ang magiging partner ko. Ano ba naman ang masama kung makilala namin ang isa't isa diba? "I was born and raised here.. but because of my father's job we're able to migrate in US. That's why we left the country."

Tumango tango si Eros. "Eh ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"I was born here but raised in Cali," he stopped na tila ba nag- iisip ng susunod na sasabihin. "And then?" Tanong ko. Mayroon sa kanya na hindi ko din mapaliwanag para maging tutok na tutok ako.

"I am looking for my long lost sister."

Huh? Ano daw?

He chuckled. " Ang gulo ba?"

Ngumiti ako sabay kamot ng ulo ko sabay tango. Medyo nahilo talaga ako.

"Forget about it.." ngumiti siya. Nag-iwas ako ng tingin mayroon kasi akong nararamdaman sa lalaki na ito na hindi ko mapaliwanag. Don't get me wrong. Basta.

"So.. are we partners now?" Salita niya. Tinuro ko pa ang sarili ko sabay lingon sa kaliwa't kanan. Ayoko lang maging assuming noh! Baka mamaya may tao pala sa likod tas tumango ako.. eh diba, kakahiya kaya yon'.

"Are you asking me?" Kunot noong tanong ko. Bahagya siyang naoahalakhak kaya lalong kumunot ang noo ko.

"May nakikita kaba na hindi ko nakikita?" Natatawang sabi niya kaya napairap ako. "Duh! Malay ko ba? Ayokong maging assuming noh.."

We both laugh at sa huli kaming dalawa ang naging mapartner.

"Good afternoon.." umayos ako ng upo ng pumasok ang prof namin sa sumunod na klase. Si Luther sa gilid ko ay panay ang pang aalaska kay Darton na naki-seat in samin. Malapit na kasi ang dance night ng university and Joyce Co declined Darton for don't know reason. Ilang buwan nalang ay malapit na kaming makatapos. I'm so excited pa nga kung saan ako papasok para magtrabaho. Daddy has his own company which is I never wanted to enter.  Besides, he never ask me nor Kristele about entering his company.

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon