Chaper 20

410 13 5
                                    

"Lyra pansinin mo na ako" parang batang may sira sa tuktok na sabi ni Calvin

Kasalukuyan akong nandito sa kompanya, nakatutok ang mga mata sa computer at gumagawa ng letter para kay Mr. Chua habang ang kumag slash walking penis ay nandito sa harap ko at nag wawagayway ng kanyang etits

Syempre biro lang! Andito siya sa harap ko na para bang wala siyang tambak na papeles na dapat basahin sa lamesa niya

"Tigilan mo ako Calvin at baka masaksak ko tong keyboard jan sa lalamunan mo"

Seryosong Sabi ko sakanya at ang mga mata ay nananatiling nakatutok sa aking ginagawa habang siya naman ay nasa harap ng table at nag papa-cute na parang aso

Hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa isipan ko ang napag usapan namin ni elevator guy a.k.a saka na

Nararamdaman kong may alam siya sa mga nangyayari at naiirita ako dahil Hindi ko maintindihan ang sarili ko, gusto kong malaman ang mga nalalaman niya ngunit may takot na namumuo sa dibdib ko sa posibleng aking malaman.

At kung nag tataka kayo kung anong drama namin ni Walking Penis ay simple lang, dahil sa pang iiwan niya sakin kagabi ay ayaw ko siyang pansinin. Gusto kong makapag isip.

"Sorry"

Bulalas niya kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin siya dahil sa sinseridad ng pag kakasabi niya, wala na ang pagiging pabebe sa kanyang boses, at ng mag tama ang aming mga mata ay nabanaag ko ang kalungkutan sa mga ito

"I'm sorry if I left you last night without explanation"

"Bakit mo nga ba ako nagawang iwan nalang basta basta?"

"I'm sorry"

At para namang may sumuntok sa dibdib ko dahil sa pag s-sorry niya sa pangalawang pag kakataon

Siguro dahil alam ko sa sarili ko ang limitasyon ko at dapat manatili ako don

"I can't tell you right now"

"Naiintindihan ko" Sabi ko sabay baba ng paningin mula sa mata niya patungo sa monitor ng computer

"Cancel all my appointments today, we are going somewhere"

Muling napaangat ang mga mata ko patungo sa kanyang mukha at nakita ko ang ngiting sumilay dito

"P-pero madami ka pang kailangan tapusin t-"

"Sino bang boss dito Lyra?"

"Ikaw"

"Don't mind those papers in my table. Mas mahalaga ka kesa sa mga yon"

The Dominant BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon