“So, if ever po na makita niyo ulit kami ni Donna, wala lang po ‘yun.” sabi ni Andrew. Madali namang na-convince ang mga tao.

“Nga pala, curious lang kami. Paano nga ba kayo nag-meet ni Anne? I mean, napaka unusual kasi kay Anne ang magkaroon ng non-showbiz boyfriend. Halos lahat puro mga leading men niya.” tanong ng isang reporter.

Kinabahan ulit si Andrew. Wala ito sa napag-aralan nila ni Mama Belle. Very unexpected ang tanong na ito sa kanya. He looked at Mama Belle once again and made facial expressions telling na hindi niya alam ang gagawin.

“Sige na, kaya mo na ‘yan. Go!” bulong ni Mama Belle sa binata.

“Ahh… Anne and I first met sa… sa… sa isang shoot ng short film.” nauutal na sagot ni Andrew.

“Si Anne, magsh-short film? Hahahaha! Really?!” nagdududang sabi ng isang reporter.

“Opo. Nagulat din nga po kami eh. She was interested sa story na prinisent namin, tapos ayun, we fell in love during our 1-week shoot.” nakangiting sabi ni Andrew.

“Eh ba’t parang wala naman kaming nabalitaan na ganyang event?!” tanong ng isang reporter.

“For campaign purposes lang po kasi ‘yun, eh unfortunately, hindi na naipalabas or nai-release man lang. Nawala din yung master copy.” kwento ni Andrew na parang nalulungkot. Natututo na siya kung papaano makipaglaro sa mga reporters.

Out of the blue ay bigla na lang sumabat si Anne sa usapan.

“Buti na lang talaga at hindi yun naipalabas. Maganda nga ang story, pero pangit yung pagkaka-direct at edit. Pasalamat na lang talaga si Drew at gwapo siya. Hahahaha!” biglang sabat ni Anne.

Nagtawanan ang mga tao, at mixed feelings naman ang nararamdaman ni Andrew.  Hindi niya alam kung maiinsulto siya dahil minaliit ni Anne ang directing capabilities niya, o matutuwa dahil narinig niyang sinabi nito na gwapo siya.

“Pasalamat ka din at maganda ka.” sagot naman ni Andrew sabay ngisi sa dalaga.

Lalong lumakas ang tawanan sa buong function room. Pakiramdam nila ay naglalambingan lang ang dalawa, when in fact, nagsisimula na silang mag-asaran.

“In fairness, ang sweet niyong dalawa ah.” sabi ng isang reporter.

“No offense Drew ah. Pero turuan mo din dapat ng Good Manners and Right Conduct yang girlfriend mo, para hindi nagmumukhang palengkera!” sagot naman ng isang reporter.

“Excuse me!” biglang sabat ni Anne.

Naging maingay na naman ang press con dahil umeksena na naman si Anne. Sa loob loob ni Andrew ay natatawa siya sa inaasal ng dalaga.

“Okay naman po si Anne eh. Ganyan lang po talaga siya, but I love her.” nakangiting sabi ni Andrew na naghatid na naman ng kilig sa buong paligid.

Love StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon