Chapter 4

1.8K 70 54
                                    

Love Star

(Chapter 4 – Andrew Brown Eyes)

 

 

It’s Andrew’s big day. Ngayon ang araw na kinatatakutan niya – his first press conference.

He is supposed to clear the issue between him and Donna. Kailangan kasi talaga niyang panindigan ang fake relationship nila ni Anne.

And speaking of the witch, este, of Anne, katabi siya ni Andrew sa isang white table na may dalawang microphones, bottled waters at isang bowl ng potato chips. Kabadong-kabado ang binata dahil ngayon lang siya haharap nang may ganito karaming press people.

Pinagpapawisan na ang mga kamay ni Andrew and he is currently having butterflies on his stomach. Meanwhile, si Anne naman ay confident na confident habang binabati-bati pa ang ilang tao sa function room.  Nasa isang tabi naman si Mama Belle for guidance.

Pinakain muna nila ang press people and after 30 minutes ay nagsimula na din ang press conference. Yung ibang parts ay live na mapapanood sa isang showbiz talk show.

Hindi rin nagtagal at may tumayo na din at nagsimulang magtanong kay Andrew.

“Good morning. I’m Mel from People This Day. Gusto ko lang malaman kay Drew kung may something ba sa kanila ni Ms. Donna Tolentino? Based lang ito sa nakunan ng paparazzi nung isang araw.” nakangiting tanong ng isang reporter.

Tiningnan muna ni Andrew si Mama Belle as he was not yet sure on how to answer the question. Pinandilatan lang siya ng mata ng manager at dali-dali nang kinuha ng binata ang mikropono.

“Ahh… ahh… Hello, I’m Drew Garcia.” panimulang bati ng binata sa press people. Nakatingin sa kanya ang lahat ng tao sa function room.

“To answer the question of Ms. Mel, Donna and I are just friends. Nagkataon po na nasiraan siya ng kotse that afternoon at tinulungan ko po siya. Nung naka-andar na siya, believe it or not, ako naman ang nasiraan, kaya she offered na ihatid ako, since may groceries pa akong dala.” Andrew answered with a smile.

“Taray! Pero base sa photo, mukhang sweet kayo sa isa’t-isa. Does that mean na may namumuong connection? At paano naman ang girlfriend mong si Anne?” nakangiting pahabol ng reporter.

“Wala po talaga. Nagkataon din lang na Donna and I have the same interests, kaya ayun, napasarap ang kwentuhan namin sa kotse.” sagot ni Andrew.

Andrew paused for a while, and looked at Anne, na katabi lang niya.

“And of course… hindi ko naman ipagpapalit si Anne.” nakangiting sabi ni Andrew.

“She’s my one and only.” pahabol ng binata sabay tingin ulit kay Anne habang nakangiti.

Hindi inaasahang kiligin ang press people sa sinabi ni Andrew.

Love StarWhere stories live. Discover now