" Student's are you still with me, we have two members to go" muling anunsyo ng aming principal at ang mga estudyante ay muling nag ingay ang iba kanya kanya na ng hula meron din namang mga tulad ko kung saan nanonood lamang ng tahimik.
"For the next member we have again another representative from the sophomores." at dahil doon muling nabuhay ang grupo nila Stacy at ng kanyang mga alipores. Mag proprotesta talaga ako pag napili yang babaing yan. Napaka plastik kase and halatang social climber gagawin lahat mapalawak lng ang kanyang inner circle, at ano pa bang magandang paraan kundi mabansagang isa elite member ng prodigies.
Sa kakaisip ko kay Stacy nagulat nalng ako ng tumahimik ang karamihan sa mga estudyante lahat sila nakatingin sa stage at duon ko nalaman kumbakit. Dahil tumambad sakin ang isang babaeng matangakd nakasalamin at brown na medyo wavy na buhok. Walang iba kundi si Ms. Fuerza
Name: Alexandra Marilyn S. Fuerza
Age: 18
Year and Section : 2nd year Bachelor of Science in Architecture
Sino si Alexandra?, siya lang naman ang dati kong bestfriend at kapitbahay. Sinong magaakalang mapapasama din siya. Baby pa lng kami magkakilala na kami dahil nasa isang subdivisyon lng kami pero matapos ang isang malagim na aksidente sa kanilang pamilya napilitan sila mag migrate sa Canada.
At pag balik ni bruhilda parang hindi na ako kilala, at siyempre dahil sa natapakan kong pride hindi ko nalamng din siya pinansin. Pero ang mas pinagtataka ko ay ang kanyang istura, pananamit at kilos dahil ang Alexandra kong kakilala ay astang lalaki, kanundin kung manamit hindi tulad ngayon na parang mataimtimang birhen kung manamit at maglakad.
Siguro yan ang epekto ng kultura sa ibang bansa. Maliban kay Veronica masasabi kong siya na ang pangalawa sa pinaka kakilala ko sa kanila. Kung may bagay na hindi nag bago kay Alexa ay yun yong hilig niya sa extreme sports and mga martial arts astig no.
Elementary siya ng nagsimula siyang mag aral ng taekwando, Arnis, Judo pati kendo pinatulan. Kaya pag dating palamang ng high school ilang beses na siya naging kampyon sa ibat ibang kompetisyon.
Wala din nag tatangkan mambully sa kanya at sa mga kaibigan niya. Minsan nga para yang si wonder woman lahat ng mga naapi hangat kaya tinutulungan yuon nga ang dahil kung pano kami nagkakilala nung minsan akong pinagdiskitahan ng mga kaklase namin.
Ang kaso sa pag kakaalala ko ayaw na ayaw niya nakukulong sa apat na sulok ng classroom para mag aral eh bkit ngayon mukyang siyang nerd na napaka ganda. Sobra talga ang nagagawa ng panahon sa mga pagbabago sating sarile.
kung hindi ninyo naitatanong si Alexa ay anak ng isang Mall Tycoon. Ito yung mga pamilyang nagaari ng mga leading malls sa bansa kung saan hindi lang isa o dalawa ang kanilang branch at sa kaso ng pamilya ni mukhang naging hobby na ng pamilya nya ang magpatayo ng ibat ibang mall sa pilipinas at Asya.
umaabot ng bente ang kanilang sangay dito sa pilipinas at liman naman sa mga karatig bansa at patuloy parin sa pagdami karamihan ng mga customer ng kanilang mall ay mga bigating tao pili lamang ang kanilang mga branches kung saan masasabi mong pangmasa.
Kahit na mukhang meron kaming hindi pagkakaunawaan, masaya ako para sa kanya alam ko diserve niya ma recognize bilang isang member ng prodigies.
Mukha namang tanggap siya ng mga estudyante dahil nagsimula narin magpalakpakan ang lahat at ang grupo nila Stacy ay nag walk out na.
Ngayon ko lamang soya nakitang ngumiti ng napakatamis sa harap ng tao para talagang hindi siya, ilang beses nga pumasok sa aking isipan na baka ang kakambal niya na si Alexis ang nasa harapan namin.
Kaso para namang napaka imposible ang balita ko kase nasa ibang bansa na siya tumira, ng napatingin sa gawi ko si Alexandra agad kaming nagkatitigan pero sa huli siya rin ang unang bumawi at umiwas ng tingin. Simula noon nawala na ang matamis niyang ngiti. Isa lang ang ibig sabihin noon siya talaga si Alexandra ang dati kong bestfriend.
To Be Continued
A/N: hello people, bka po naguguluhan kayo hindi po ako gagamit ng POV ang nag nanarate po ay si mystery girsl sya po yung nakakalam sa buhay ng ating prodigies part po siya ng kwento pero hindi siya ang ating main character. salamat
pls comment and vote
YOU ARE READING
The Life of Senoritas
Teen FictionNaniniwala ka bang may mga paboritong anak ang Diyos? pwes ako naniniwala bakit kamo dahil lamang iyon sa grupong Prodigies. Ito ay isang grupo kung saan pinagsama sama ata ng diyos ang pinaka sa lahat talino, talento, ganda at yaman san ka pa. Yung...
