Chapter Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

"Clock Tower 7pm sharp. Pagna-late ka papatayin kita tandaan mo yan."

"Clock Tower 7pm sharp. Pagna-late ka papatayin kita tandaan mo yan."

"Clock Tower 7pm sharp. Pagna-late ka papatayin kita tandaan mo yan."

"Clock Tower 7pm sharp. Pagna-late ka papatayin kita tandaan mo yan."

Ano daw? Di makapaniwala si Noneen sa narinig  niya. Si Ralph sinabihan siya ng lugar at oras. Anong ibig sabihin nun? Magda-date ba kami? Isip niya. Napangiti sya sa naisipi niya.

"Niyaya nya akong mag..magdate?" Bulong ni Noneen sa sarili habang abot tenga ang ngiti. Masaya sya malamang. Ikaw ba naman ayain ng long time crush mo sa isang date hindi ka matutuwa?

"Charotera kang froggietuties ka! Haba ng kahair ng lola nyo. 20 ft di ko makerry!" Asar ni Rhian sa kaibigan nito. Kinuwento na kasi ni Noneen yung tungkol sa sinabi ni Ralph at ayan inaasar na sya ngayon. Sabagay, ano bang bago. 

"Gaga, wala lang yun siguro." Depensa ni Noneen habang kumakain. Recess nila ngayon.

"Aruuy, iyon wala lang? I highly doubt it gerlalu. Di ka ayain nun kung walang dahilan. Charot!"

"Sus wag tayong mag expect. Tandaan mo diba expectation is the root of all--"

"Churvalulung brokeng laslas na pusong blah blah blah... Hay nako gerlalu ang sabihin mo kinilig ka no? Yiee!" sabi ni Rhian habang kumakain ng fries pero ngumiti si Noneen.

"Pero maiba tayo gerlalu, may hindi ka sinasabi sa akin eh." Sabi ni Rhian habang tumataas ang kilay. Tiningnan lang siya ni Noneen. Eh?

"Ano?" Inosenteng tanong ni Noneen. Ngumiti si Rhian.

"Sabay kayong pumasok kanina ni Papa Lawrence tapos pareho pa kayong late. Charot! Pagod kayo kagabi no?"

"Huh?" Di niya kasi maintindihan ang sinasabi ng kaibigan. Slow nga kung baga.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon