Inirapan niya ang nagkukunwaring mayabang at mahangin na binata. Kung hindi pa rin niya sana alam na uma-acting lang ito ay baka nairita na naman siya rito.

"Para hindi ka na mahirapan? Ganito ako kabait, Hesu. 'Di ba, girls?" pero pagpapatuloy ni Hardy. Naghanap pa ng kakampi sa mga estudyanteng naroon pa rin at nakikiusyuso.

"Halika na!" Kaya naman siya na ang humila rito palabas ng library. Baka ang malakas na hangin nito ay maging delubyo pa.

"Miss, are you sure you're okay?" pahabol na tanong sa kanya ng librarian.

"Yes po, Ma'am. Thank you," nakangiting tugon niya, sunod ang bahagyang pagyukod bilang paggalang. Tapos ay hinila na niya ulit si Hardy.

Walang nagawa sina Lius, Jaem, at Jelad kundi ang itikom lamang ang bibig nila na sunod-tingin sa dalaga. Kahit naman kasi magsalita sila ay alam nilang hindi rin sila papansinin ni Hesusa dahil madaming tao.

"I think hindi natin magagawa na naman ngayon ang plano dahil kasama na naman niya si Hardy," ani Lius nang tuluyang makaalis sina Hesusa at Hardy sa library.

Subalit ay parang walang narinig ang mga katabi nitong binata na nakatayo. Nagtataka si Lius na tumingin sa kanan para tingnan si Jaem, tapos sa kaliwa para tingnan naman si Jelad.

"Hey! Nahipan ba kayo ng masamang hangin?" at salubong ang mga kilay na tanong niya sa dalawa sapagkat, tulala lang naman kasi ang dalawa. Parang wala sa kanilang mga sarili. Parang mga nasa alapaap.

•••

"What are you doing there this early in the morning? Mamaya pa ang klase mo, 'di ba?" seryosong mga tanong ni Hardy nang dalawa na lang sila ni Hesu. Naroon sila sa staircase paakyat sa next floor ng building school.

Napamaang si Hesu sa binata. Ang galing, eh. Aakalaing dalawang tao talaga si Hardy na papalit-palit lang ang katauhan.

"Alam mo bilib na ako sa 'yo, hah? Para kang may split personality na biglang nag-iiba," hindi niya natiis na sabi.

"Huwag mong iwala ang usapan, Hesu. Bakit 'andon ka?" Ngunit ang kaseryosohan ni Hardy ay hindi natinag.

"Relax. Nagre-research lang ako... ay hindi... Nag-nag-aano lang pala ako nagbabasa-basa."

"You're not a good liar, Hesu, so tell me the truth."

"Huh?!" maang-mangan pa rin siya.

"Nando'n ka kasi nagre-research ka about sa 'The Badboys,' tama ba?"

"Oy, huwag kang imbinto. Bakit ko naman ire-research ang mga multong 'yon?"

"Dahil gusto mong malaman kung ano'ng nangyari sa kanila. At gusto mo mag-isa mo lang aalamin. You disappointed me, Hesu."

Napaiwas na ng tingin si Hesu at hahaba-haba ang nguso niyang napakamot sa batok niya. Natumbok siya ni Hardy, eh.

Well, wala naman siyang mas malalim na dahilan. Biglang trip lang niya kanina na maaga siyang magising at alamin ang tungkol sa mga 'The Badboys'. Saka naisip niya baka wala pa kasi si Hardy sa school ng ganoong kaaga kaya nagpasya na lang siyang sa library mag-research research. Sinubukan nga niyang makita ang 'The Badboys' para tanungin na lang pero sa sobrang aga niya yata kanina kaya pati mga multo ay late nagsidatingan sa school.

"I told you—" May sasabihin pa sana si Hardy pero kasi ay biglang nag-ring ang cellphone nito at sinagot.

"Hello?... Sige po..." Dalawang salita lang ni Hardy sa nasa kabilang linya tapos ay ibinaba rin agad ang cellphone.

Napabuntong-hininga ito ng malalim bago hinarap ulit siya. "We will talk again later. Kailangan ko lang sunduin ang lola ko ngayon kaya aalis na ako. I'll text you later. Magkita tayo sa clubroom."

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon