Subukan Mo

11 0 0
                                    

Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Kung hindi pa, bakit hindi mo subukan? Magmasid ka, makiramdam, magtanong kung may kulang ba..

Nagmahal ka na ba? Kung hindi pa, hayaan mong lukubin ka ng damdamin na hindi mo pa nadarama. Huwag kang mangamba, hindi ka nag-iisa..

Ang pag-ibig, hindi yan pinipilit ngunit hindi rin sinusupil.. Nariyan lang, madarama mo kahit di mo nakikita.. May sakit, ngunit mayroon ding saya..

Huwag kang mangamba, sapagkat sa iyong pagkahulog ay mayroong mga bisig na handang sumalo. Hindi man siya, mayroon pang iba..

Hayaan mong lumandas ang mga luha sa iyong mata. Darating ang mga palad na papawi ng iyong luha. Hindi man ngayon, baka bukas o sa makalawa..

Kung ikaw man ay madapa, bumangon ka at huwag mahiya. Dahil ang mga pilat na iyong baon ang magsisilbing gabay sa pagsuong sa buhay na kasama siya..

WORDS UNSPOKENWhere stories live. Discover now