Chapter 3

10.8K 175 0
                                    

"Sa mansion na ba tayo tutuloy?" Napilitan na niyang itanong.

After the call he became silent. Nakatuon na lang ang tingin nito sa labas ng bintana ng kotse. Hindi naman din niya maiwasang hindi kausapin ang lalaki. She wanted to go home quickly and see her dad and know what really happens.

"Why, you want to stay in my place bago tayo pumunta sa inyo? Pwede ko naman gawan ng paraan" he smirk at her.

"Very funny Mr. Montalvez." Pag-uuyam niyang sagot. Umiwas siya ng tingin.

"Nagtatanong ka di ba? Sinasagot ko lang."

Mas mabuti pa yata siguro na tumahimik na lang siya at hayaan na lang ang lalaking ito. It is safer to look outside rather than talk to him or just simply look at him.

His presence alone are very disturbing, paano pa kaya yung attitude nito. Masyadong malakas ang presence ni Brett para hindi mapansin ng kahit sinuman. At ayaw na din niyang magpaapekto sa pang-iinis nito.

She promise hindi na lang niya kakausapin muli si Brett. Baka kung saan pa mauwi uli ang usapan nila.

Pero mukhang matatagalan pa ang pagtitiis niya dahil sobrang bagal ng traffic. Napatingin siya sa kanyang relo. Kaya naman pala dahil rush hour.

"Try to get some sleep." Aniya ng lalaki.

Tumaas ang kilay niya. Ang hirap basahin ng lalaking ito. Kanina lang ay iniinis siya ngayon naman concern sa kanya.

Pero mas maganda nga siguro na umidlip muna siya kahit kaunti lang. Nakakapagod din kasi ang naging biyahe niya at ang kasama niya sa kotse.

Mayamaya lang ay nagising siya ng may maramdaman na may marahang humahaplos sa kanyang mukha.

Pagmulat niya ng mata ay nagulat siya na halos magkadikit na ang mga mukha nila ni Brett. Because he was leaning over her, she almost feels his hot breath.

Bigla siyang umayos ng upo dahilan upang magkauntugan pa sila.

"Ouch! Ano ba!" Sabay hawak ni Andrea ang nasaktang ulo. Shit ang sakit nun ah!

Tumikhim muna ang nasa harapan niya. Mukhang hindi naman nito ininda ang sakit. "Malapit na tayo sa inyo. Better fix yourself." Tumingin ito sa kanyang labi at pababa sa kanyang leeg.

Umirap siya dito. Pero sumunod na lang din siya dahil nakita niyang malapit na rin naman silang makarating sa bahay nila.

Excited niyang hinalungkat ang gamit niya sa kanyang handbag. Pagkatingin niya sa hand mirror ay agad naman siyang nagulat ng mapansin ang nasa leeg.

Nanlaki ang mata niya "what the he--!..

She launched herself towards Brett while cursing him. "How dare you, Walanghiya ka! Bastos ka talaga! Pervert!'

Masasaktan talaga niya ang lalaking ito.

"How dare you to put two freaking kissmark!"
Pinaghahampas niya si Brett at wala siyang pakialam kung saan man niya matamaan ang lalaki.

Brett just chuckles and ignore her attacks on him. Pilit nitong hinuhuli ang mga kamay niya. Pero hindi pa rin niya tinitigilan ang pag-atake kay Brett.

"Don't you dare touch me! You maniac!" Galit na sigaw ni Andrea.

"Ang kapal ng mukha mo! Manyak ka!"

"Enough" he just laughed.

"Walang hiya ka!" Inis na paghahampas niya.

"I said enough."

"No way!"

Brett grabbed her arms and pinned her toward his body. Gusto pa rin niyang saktan ito but he is so strong and hard. Medyo napagod na rin siya. It is useless to fight this man, hindi niya kaya ang lakas lalaki.

Bigla siyang napahinto dahil sa nakatingin na lang sa kanya ang lalaki. He was intently looking at her eyes, her nose and her lips. Naiilang siya sa ginagawa ni Brett. Tumagal ang paglalakbay ng mga mata nito sa kanyang labi.

Bigla na naman rumigudon ang tibok ng kanyang puso.

Hindi niya mabasa ang nasa ekspresyon ng mata ni Brett. Lust, desire, anger and emotions she can't define.

Noong nasa amerlika naman siya, maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya and she knows how to handle them all. Pero kay Brett, ngayon niya lang ito nakita and yet she easily lost her control.

"Will you please let go of my hand." Andrea whispers.

"No." Malamig na tugon ni Brett.

Napapikit siya. Parang mauubusan siya ng energy sa lalaki. At mawawalan na din yata siya ng bait. Hindi naman siya madaling magalit. In fact she is always patience, prim and proper sa lahat ng nakakakilala sa kanya.

But in just a span of a day, hindi pa nga pala lumilipas ang isang araw parang lumalabas ang ibang pagkatao niya dahil sa lalaking ito. Definitely hindi niya kayang i-handle ang isang Brett Montalvez.

Then when she open her eyes, everything turns into slow motion. He was looking at her eyes and lips. And she was also doing the same thing on him. Maybe his lips is soft, dahil naramdaman niya iyon kanina sa kanyang leeg.

Napakagat labi siya ng maisip niya iyong nangyari kanina. Narinig niya ang mahinang ungol ni Brett sa ginawa niya.

Parang noon lang sila natauhan ng tumikhim ang driver at sabihin na nasa tapat na sila ng mansion. Nakabukas na pala uli ang privacy glass ng kotse. Hindi man lang niya napansin.

She easily turns red. Gosh!

Napahiya siya ng maisip na may nakakita na ibang tao sa kanilang dalawa ni Brett sa mga oras na iyon. Napansin niya sa view mirrow na pinipigilan lang ng driver ang mapangiti. Ano na lang ang iisipin sa kanya.

She wanted to disappear in this instant!

Pasimple niyang inirapan si Brett. Sa mga oras na iyon ay gusto niya talagang manapak.

"Ano ba? Let me go."

He loosen her grip. "We need to talk after you had your rest."

And he slowly let her go.

Napansin niyang nakahinto na rin naman sila sa tapat ng kanilang bahay. Kaya naman agad niyang sinamantala iyon at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse. Wala siyang pakialam kahit pa nga tinatawag siya ni Brett.

All she wanted is to get away from him as far as possible. Ayaw niya sa nararamdaman niya.Lumabas siya at tumakbo papunta sa kanilang bahay.

My so called HusbandWhere stories live. Discover now