Chapter 7

618 14 4
                                    


Jia's Pov

Ngayon ko tutulungan si Jho para sa portfolio niya. But the problem is wala kaming idea kung ano yung subject. Jusko naman. Kung di ko lang to kaibigan eh. Sobrang hirap ng pinapagawa niya sakin, siya naman tung sobrang demanding.

Wala na naman kaming training this afternoon dahil pinacancel ulit ni coach Tai.

"Pano yan, Ji?" tanong niya.

"Aba malay ko, tumutulong lang naman ako sa photography eh. Ikaw nang bahala sa subject".

"Ano ba? Send help Lord" gaga talaga dinamay pa si Lord.

"Eh kung volleyball nalang kaya" suggestion ko.

"Volleyball? Indoor yun eh" ay di pa ako tapos tinapos niya na.

"What I mean is beach volleyball, ngayon yung tournament ng BVR diba? Naisip ko lang naman"

"Yes Ji, omyghad yan maganda yan"

So, parang ako na pala ang mag-iisip at gagawa nitong portfolio niya. Ang galing din ni Jhow.

Before kami lumabas may sinabi muna ako sakanya.

"Jho, wala akong car na dala. Hiniram kasi ni Mich eh"

Nag-smile lang siya. "Yung akin na lang gamitin natin"

Naglakad na kami palabas ng Eliazo. Final na kasi yung subject, ayaw na namin mag-isip ng iba pa. Baka matagalan pa kami.

"Ji" napahinto siya sa paglalakad.

"Oh? Anyare?"

Para may naalala siya. Bigla nalang siyang nag fake smile at nag peace.

"Nakalimutan kong sira pala yung sasakyan ko"

Halaaaaaaa! Pano na yan? Maglalakad na lang kami papunta sa beach? Ganun?

"What? Anong gagamitin natin?" sobrang laking stress na itong binibigay ni Jhoana sa buhay ko.

"Teka lang, ayun oh" pinoint niya yung car na papalapit sa amin.

"Wag mo sabihing--" loka loka ang babaeng to.

"Mag-iinarte pa ba tayo? Jusko kailangan ko nang matapos yan ngayon"

Hanggang sa huminto na yung car sa harapan talaga namin ni Jho. May bibisitahin siguro tuh.

Ang unfamiliar kasi. Ngayon ko lang ito nakita ever dito sa Eliazo. Pero infairness ah, ganda ng car niya. Mercedes Benz. Dream car huhu.

Pagbaba ng nagmamaneho ay para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig. Sobrang stiff ko sa kinatatayuan ko ngayon.

At bakit hindi? Si Bea lang naman ang may ari ng sasakyang pinangarap kong maging akin noon pa lang.

"Perfect timing ka talaga palagi sa buhay ko Bea" ay ba't parang may other meaning yun?

"Hahaha, hi Jho" then she suddenly turned to me. "Hi Jia" tas nag-smile siya.

Ayan ka na naman sa mga pa smile² mo. Baka mahulog na akong tuluyan sayo. Sige ka.

"Hi Bea" I smiled back.

Ang tahimik ko lang all the time. After what happened sa Twitter yesterday. Yung Jibea² na sinasabi ng mga tao. Mas lumala pa nung umeksena ang mga epal kong teammates.

"Ah Bea may sasabihin si Jia sayo" napatingin ako kay Jho nang dahil sa sinabi niya.

0_0

Anong sasabihin ko?!! Siniko ko siya. She just wink at parang may sinasabi. Na-gets ko naman agad. Kahit nag aalangan ay ginawa ko pa rin.

"Ah Bea kasi ano, ahm ano kasi" huy Melissa umayos ka.

Nakatingin lang siya sakin habang nagpipigil ng tawa. Bahala na.

"Pwede ba kaming makisakay?"

"San ba kayo pupunta?" tanong niya.

"Sa BVR tournament, baka pwede mo kaming ihatid dun. Wala kasi kaming sasakyan eh" hay nasabi ko na rin ng diresto.

"Sure, anything for you" anything for me daw? Tama ba narinig ko?

"Thanks, Bei" pasalamat ni Jho at hinalikan pa si Bea sa cheeks.

Parang nagulat naman si Bea sa ginawa ni Jho pero mabilis naman siyang naka-recover.

"Wait for me here ah, may ibibigay lang ako kay ate Ly"

Nag-nod nalang kaming dalawa ni Jho.

After some minutes dumating na rin siya.

"Ah beh, ano ba yung binigay mo kay ate Ly?" chismosa talaga. And beh?

"Basta samin nalang yun"

"Ehh sige na, pleaseee" with pleading eyes pa yan.

"Next time nalang" pag iinsist niya.

"Promise yan ah" nag pinky swear pa siya.

Natawa na lang si Bea si childish gesture ni Jho at nag pinky swear din.

Nakatayo lang ako habang pinapanood sila.

Papasok na sana ako sa car ng biglang.

"Sakay na" she opened the door of the passengers seat. Di ko lang alam kung ako ba talaga ang kinakausap niya.

"Ah thanks ulit bhe" sumakay na siya sa car ni Bea.

"Jho sa likod na ako" tumango lang siya.

"Okay lang ba sa iyo na sa likod ka sasakay?" may pag aalalang tanong niya.

"Okay lang, bakit may mangyayari bang masama kung dun ako uupo?"
Ang lame ng joke ko pero tumawa siya.

"Funny ka rin pala. I like it" shockssss.

Sumakay na nga ako at siya naman ay pinagsaraduan ako ng pinto. What a gentlewomen.

While we are in the car, sobrang daldal ni Jho. Sinasabayan naman siya ni Bea, halata sige, ako na itong OP.

"Bea, do you mind if I ask? Are you into girls?" ang straight to the point talaga nitong si Marguinot.

"Not at all, and oo I'm kinda into girls" woah, akala ko ruler siya hahaha.

Nagulat naman si Jho, ngumiti ng napakalaki ang gaga.

"So do you think may pag-asa ako? Sayo?"

Bea didn't expect the question kaya hindi siya nakasagot agad.

"I was just kidding, ito naman parang timang sineryoso agad" sabi niya.

Loka-loka, dinamay pa si Bea sa kagagahan niya.

After some minutes dumating na kami.

"Thank you, beh ah. Next time ulit" at patakbong umalis si Jho papunta dun sa tournament.

Iniwan niya ako with Bea. This is so awkward.

"Salamat pala at hinatid mo kami dito, nakakahiya naabala ka pa namin" yumuko ako, feeling ko kasi namumula ang mukha ko.

"You're welcome, sabi ko nga kanina diba 'anything for you'" and she smirked.

Bakit pakiramdam ko, double meaning yung sinabi niya. Ano ba yan! assumera lang siguro ako.

"Sige na Bea, baka may importante ka pang pupuntahan" sabi ko.

"Ah oo nga pala may bonding kami ng HS friends ko, see you tomorrow, Ji"

Shettttt after that line she kissed me sa forehead at umalis na. What just happened?

I watched her drove her car until nawala na sa paningin ko. Now, I can say my feelings towards her is like more than a friend or a teammate.

A/N: I think it's been a year? I'm so sorry. Next week, I will try to update. Thank you to all the readers of this story. Game day, good luck AMBT💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

faded // jibea Where stories live. Discover now