Chapter 1

1.2K 31 2
                                    


Jia's Pov

Ang hirap tanggapin na kailangan ko na namang gumising ng maaga thinking na sobrang hirap ng training. But well, who am I to make excuses diba? Choice kong parusahan ang sarili ko just for volleyball.

Ako ang pinaka-naunang nagising sa mga roommates ko. What's new? Tiningnan ko si Jho and Mich. Yup, silang dalawa ang ka room ko. And as usual tulog mantika na naman ang dalawa.

Jusko, kahit sa pag-tulog ang kalat pa rin nila. Alam niyo kung bakit? Yung mga unan at kumot nila nandun na sa floor! Curios lang ako kung papaano napunta ito sa floor? Ang lilikot lang siguro nila kaya nagkaganun.

Iniwan ko na sila at dumeretso ng CR. While I'm in the CR, ginawa ko na mga morning rituals ko. Pag-labas ko, tulog pa rin yung dalawa. Hindi ko na lang sila gigisingin kasi kahit itulak ko pa yan sa mga bed nila hihingi at hihingi pa yan ng ilang minuto. Bahala silang mapagalitan.

Kinuha ko muna phone ko at tuluyan ng bababa to see if may nagising na ba sa mga teammates ko.

I'm now going down the stairs nang bigla kong nakita na hinahabol ni ate Ly si ate Ella also known as Donya Ella. Napaka donya naman kasi ni ate ella eh. Hahahahaha

"Hoy bansot, pag-ako nakahabol sayo lagot ka talaga sa akin!" pag-sigaw ni ate Ly

"Mas okay na yung bansot kesa sa negra na kahit kailan hindi namin makikita" tumatawa pa siya niyan habang tumatakbo. Si ate Ly naman mas nainis.

Seriously? Ang aga-aga ang ingay nila. Andami pa kayang natutulog.

Grabe lang talaga ang mga trip ni ate Ella. Ano naman kaya nagawa nito? I'm sure sobrang lala. Hindi naman madaling mainis si ate Ly eh. The powers of JORELLA DE JESUS. Hahahahaha

Iniwan ko na lang sila sa sala at dumeretso sa kitchen kung saan nandun si ate Den and ate Amy.

"Good morning Ju" bati sakin ni ate Den. Kasalukuyan silang nagluluto ng agahan habang yung dalawa ay patuloy paring naghahabulan.

"Good morning rin mga ate"

Tinulungan ko na lang sila sa paghahanda ng mga pagkain. Nakakahiya naman kung tutunganga na lang ako dito diba?

"Btw mga ate, anyare dun sa dalawa?" tinanung ko na lang sila tungkol dun sa dalawa na naghahabulan.

Bigla nalang tumawa si ate Den "Eh kasi naman yang si Ella drinawingan ang mukha ni Alyssa kaya pagkagising niya bigla nalang niyang sinugod si Ella"

Nagtaka naman ako kung papaano nalaman ni ate Ly na si ate Ella ang nag-draw sa mukha niya.

"Ate, how sure is ate Ly na si ate Ella talaga yun?"

"Ju, si Ella lang naman ang malakas ang loob na pag-tripan si Alyssa and knowing Ella palaging nang bibiktima yan sa mga trip niya. In short, walang magawa sa buhay"

At dahil dun tumawa kaming tatlo. Kaloka talaga tung si ate Ella.

Tumatawa kami while talking about ate Ella nang bigla siyang magsalita.

"Hey your back stabbing me"

"Wow, english yun besh ah natuto ka na pala" dahil sa hirit ni ate Den mas lumakas pa lalo ang tawanan.

faded // jibea Where stories live. Discover now