Dangeline's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha panibagong araw na naman ang kailangang harapin kailangan ko na namang harapin ang buhay kong may asawa na.
Bumangon na ako at naligo dahil mukhang malelate na ako sa aking first subject ilang minuto lang akong naligo at ng makaalis na ako agad.
Nadatnan ko naman si Gino na kumakain sa baba tiningnan naman niya ako ngunit sandali lamang naisip ko tsk napakasungit talaga ng walanghiyang ito hindi man lamang marunong mag Good morning.
Binati ko na lang si Manang ng magandang umaga at binati din naman niya ko di katulad ni Gino na walang pakialam sungit .
Pagdating ko sa university nagkakagulo na naman sila sa Room ng section one. Hayys ano bang bago?
Nagdirediretso nalang ako sa Room ko ganon naman araw araw ee bakit ba naman kasi napagkagwapo ng napangasawa kong lalaki eh? Sabagay hindi naman namin pinili ang isa't isa eh.
Napilitan? Oo napilitan nga bakit kasi nauso pa yang arrange arrange marriage na yan eh ayan nadamay damay pa eh.
Flashback
Kinakausap ni Mama si Papa hindi ko naman sinasadya na marinig sila pero alam niyo na curiousity kills the cat mamaya mamatay ako sa kyuryosidad diba? At mukhang seryoso sila eh narinig ko ang sinasabi ni papa nalulugi na daw ang company namin. Dammit! Paanong nangyaring nalulugi ang company eh ang ganda ganda ng pagpapatakbo ni papa doon? Pero ang mas nakapagpabagabag sa akin ay ang sinabi ni mama
"Pero hindi pa rin sagot na ipakasal ang anak mo sa anak ng mga Cedeño hindi mo pwedeng ipakasal si Dangeline kay Gino alam mo namang hindi mahal ni Dangeline ang anak ni Ronaldo Hindi ba?"
Yun ang pinaka tumatak sa isipan ko ipakakasal ako ni papa kay Gino? Ni hindi ko nga kilala ang taong nagngangalang Gino? Tapos papakasalan ko pa? Nahihibang na si papa!
Ngunit kung kailangan talaga at wala ng magagawa papayag na lamang siguro ako dahil alam kong wala naman akong gawa kay papa. And then the rest is history nalaman ko na lang na kasal na kami ni Gino at nakatira na kami sa iisang bahay, nasa iisang School pa kami at ang pinaka matindi sobrang sikat pa pala ng lalaking ito sa School namin at pinagkakaguluhan pala sila ng babae lahat ng barkadahan nila oo sikat pala barkadahan nila.
End of Flashback
Pero hindi naman kami sa iisang kwarto natutulog. Nagising ang diwa ko ng biglang dumating ang teacher namin at nagturo na.
YOU ARE READING
Irreplaceable
RandomHave you been inlove with the person who trully hates you? Masakit? Oo di ba masakit? Mahal mo siya? Pero ang tingin niya sa iyo ay isang patapong basura lang. Titigil ka ba kasi nasasaktan ka na o ipagpapatuloy mo pa dahil alam mong konti na lang a...
