AN: Minadali. Grammatical errors, typos, and incoherent thoughts ahead.. Please bare with me :)
It was half past seven, and Kiefer was already running late. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan papuntang Ateneo para sunduin si Alyssa. Hinuha niya umuusok na ang ilong nun sa kakahintay.
Malapit na siya ng marinig niyang tumutunog ang cellphone niya. He picked it up real quick upon seeing the caller id.
Kief: Babe..
Ly: Kiefer, san ka na? Usapan natin seven. Mag aalas otso na wala ka pa rin. Gutom na gutom nako.
Kief: Eto na, eto na. Malapit na, babe. 100 meters.
Binaba niya ang tawag nang makita ang sexy na pigura ng kanyang pinakamamahal na naghihintay sa labas ng gym. Naka tshirt lang ito at maikling shorts, and he couldn't help but smile. Alam niya kung gaano siya ka swerte sa babae. Doon siya huminto sa harapan nito at agad na lumabas para alalayan ito.
Ly: Ravena, ang tagal mo. Hindi ko alam kung bat nagtitiyaga ako sa pagsundo mo sakin kahit na lagi ka nalang late. Wala ka talagang sense of ---
Napansin ni Alyssa ang mapanuyang ngiti sa labi ng lalake kaya napatigil siya sa pagtalak.
Ly: What the heck is that smile on your face?
Hindi namalayan ni Kiefer na hindi na pala natanggal sa kanyang mukha ang ngiti niya kanikanina lamang. Ngumiti siya ng napakalawak, giving her a once over.
Kief: Ang sexy mo, babe.
Alyssa's eyes narrowed on him, and he can't help but laugh at how adorable she looked. Kinabig niya ito palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
Kief: Swerte ko talaga.
Hinampas siya ni Aly sa braso.
Aly: Ang harot mo noh? Pwes, di mo ko madadaan sa ganyan. Late ka pa rin. Bitawan mo nga ko.
Bumitaw si Kiefer sa yakap na natatawa pa ng konti. Kung may isang bagay siyang gustong gusto sa babae, iyon ay ang pagiging pikon nito. He opened the shotgun door for her and when she was comfortable snuggled inside, he closed it. Nilagay niya ang mga gamit ni Alyssa sa likuran saka sumakay na rin siya para makakain na sila.
Dinner was quite uneventful. Dinala ni Kiefer si Alyssa sa Sambokojin to her delight. He knew she was famished. Bago matapos sa pagkain si Alyssa, nagpaalam si Kiefer.
Kief: Babe, may pinapabili si Mommy.
Ly: Hala, sige wait lang babe. Tapusin ko lang tong food ko.
Kief: Di na, babe. Ako na. Sandali lang naman ako.
Kiefer left while she was left to finish off her plate. Thirty minutes has passed, hindi pa rin ito bumabalik kaya bahagya siyang nag-alala. Tinawagan niya ito. Thankfully, he answered right away.
Ly: Ravena san ka na naman nagsusuot? Bat ang tagal mo?
Kiefer: Babe, ayan ka na naman sa pagtawag sakin ng Ravena. Tawagin mo naman ako ng babe paminsan minsan.
Ly: Nag-iinarte ka? Ha? Kung wala ka pa dito in one minute, bahala ka, magtataxi ako pauwi, at wag mo ng aasahang may babe ka pang babalikan.
Kief: Wag naman ganyan, babe. Eto na, eto na o. Papasok na nga kong Sambo di ba? Nakikita ko na nga ang sexy mong lik---
Pinatay niya ang tawag bago matapos magsalita ang kasintahan saka dinampot ang bag at naglakad palabas. Wala pa rin si Kiefer kaya nagpasya siyang maunang umuwi. Sinasagad ni Kiefer ang pasensya niya.
YOU ARE READING
Snippets (One shots)
FanfictionA snippet is a bit, fragment, piece, particle. For most, a black flower symbolizes the negative. But for a few, it is cool, bold and elegant in all its minimalism.
