Ang hirap pala pag nakita mo yung mahal mo na umiiyak.
Worst of it all, pinaiyak pa siya ng mahal niya.
Sana nga ako nalang ang minahal niya. Siguro hindi siya nasasaktan ng ganito ngayon.
Ang sarap lang sapakin ng gagong yun. Pinaubaya ko na nga sa kanya ang bestfriend ko. Kapal pa ng mukha niyang saktan. Sus kung di lang mabait tong si Alyssa, pina firing squad ko na yung ex boyfriend niya.
Yes, ex na. Kakabreak lang nila kanina. Brineak siya ng walangya kasi may iba na raw itong mahal. Or should I say, mahal na ulit niya yung iniwan niya dati. The nerve!
Kapal ng mukha ng taong yun. Lakas pa niyang lumuhod sa harap ng bestfriend ko nun pero ngayon para na rin niyang tinapakan si Ly bago binasura.
As of now, ayoko munang isipin kung pano ko siya mapapatay. Kelangan ako ni Alyssa kaya andito ako. Kelangan ako ng mahal ko kaya andito ako.
Nung tumawag siya sakin na umiiyak, dumiretso agad ako rito sa secret garden namin. Kahit na may klase pa ako, agad agaran akong lumabas ng walang paalam. Magpapaliwanag nalang ako sa professor pagkabalik ko sa classroom next meeting. Sana nga lang di ako mapagalitan ng bongga. But who cares? Pag siya siguro nasa posisyon ko, ganto rin gagawin niya.
Anyway, may dala akong isang tera fries from Potato Corner. Comfort food niya, eh.
Unti-unti na akong lumapit sa kinaroroonan niya. Careful not to cause alarm. Technically, hindi naman talaga secret ang place nato. It's like a sacred garden na madalas puntahan ng mga tao. Kaya lang, it's not open for the public when night falls. Gawain lang talaga namin na pumuslit dito, climb over the fences, just to sit on our favorite bench. Mahirap na, baka pag gumawa ako ng unnecessary ingay, marinig ng mga night guards.
"Psssst. Ly..."
Tawag ko ng mahina sa kanya. Parang alam naman na niya na ako yun just from the voice. She immediately stood up, ran towards me and hugged me tight. Muntik ko na ngang mabitawan ang dala kong food.
Kief: O hinay hinay lang. Sige ka pag nabitawan ko tong fries...
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko when she let go and looked at me with a big smile on her face.
Ly: May dala kang fries?!
When I nodded, she immediately grabbed the paper bag from my hand and went back to the bench to sit. Grabe lang how patay gutom this girl is. Pero wala e, mahal ko e. And it's actually very adorable.
Nagsimula na siya kumain when I sat beside her. I stared at her as she munched. Basa pa rin yung mukha niya from the tears she desperately tried to dry earlier. Napansin ko rin na nawala na ang malaking ngiti niya kanina when she knew I brought food. Napalitan na naman yun ng mga matang malulungkot.
Hay Alyssa, bakit nalang kasi hindi ako.
Hinayaan ko nalang siyang kumain. Although I was quite hungry, I didnt mind not having a share of the fries. Pinanood ko nalang siya to keep myself busy.
Ly: Lam mo best, sabi niya sakin I am not enough for him. Sabi niya may hinahanap siya na wala sakin. He told me na I cant give him what he wants.
Kief: Kung di ka ba naman kasi tanga, edi wala ka sa posisyon na yan ngayon.
She glared at me.
Ly: Do you really have to be that blunt?
Kief: What do you want me to say? I can't just sugarcoat the situation, Ly. You knew from the start it's going to be complicated.
And you knew from the start how I feel for you. Pero yun, pinili mo pa rin siya. The guy who you thought could give you the world.
Ly: Oo na, alam ko nang tanga ako. Noon pa naman e. Pero pwede ba wag mong ipamukha sakin?
YOU ARE READING
Snippets (One shots)
FanfictionA snippet is a bit, fragment, piece, particle. For most, a black flower symbolizes the negative. But for a few, it is cool, bold and elegant in all its minimalism.
