Unknown World

127 5 4
                                    

Ano kaya 'to???

Tinanggal ko yung nakabalot sa bagay na 'yun at pagbukas ko...

I-i-isang... isang TIME MACHINE BA "TO???

Hindi ako sigurado kung time machine???

Para siyang rocket pero may upuan sa loob.

Kung sasakay ako nito, may magbabago kaya?

Puupunta ba ako sa nakaraan ko???

Gusto ko talagang galawin...

Pero... pano kung hindi na pala ako makakabalik...

Pano na sila mama at papa?

Kaya naman pinag-isapan ko muna!

Pumunta ako pabalik sa kwarto nang may narinig akong 2 taong nag-aaway...

" Laurence, bakit mo ba laging kinokonsinte ang anak mo?"

" Mia, isang chord lang naman ang minali niya e! At tsaka malay mo kinabahan siya, tao rin naman siya kaya siya natetense!"

" Kahit na! Our family is known for being a perfectionist, ilalagay tayo ng anak mo sa kahihiyan 'pag kumalat ang balitang nagkamali siya dahil lang sa isang chord! HOW STUPID!"

" Teka lang Mia! Anak mo din siya! Tinatry niya naman ang best niya e! Hindi mo ba alam na gabi gabi siyang nagpupuyat sa pag-aaral para lang maipakita sayo na nagsisikap siya! Bata pa si Jessica, wag mong piliting maging perpekto ang isang tao dahil imposible yun!"

"Pwes, KULANG ANG EFFORTS NIYA! Bakit ako?! Iniiwasan kong magkamali at nasanay na akong hindi nagkakamali! Tell your daughter to stop acting STUPID!"

Ouch!!!

Ang sakit naman!!!

Pag sinabihan kang stupid ng nanay mo, syempre iiyak diba!

Pero ako tinatagan ko ang loob ko!

Nagtago ulit ako sa Secret Room ko at tinititigan ang Time Machine...

*BOOGSH*

Biglang bumukas ang pinto

"PAPA!"

"Jessica, bakit ka andito?"

"Ito po ang tinatawag kong Secret Room ko, pero dahil nakita ako ni papa di na tuloy secret!"

"Ito yung sinasabi kong Secret Room na pinaglalagyan ko ng mga experements ko e!"

" Kung ganun, ikaw po ang may gawa sa time machine na 'to?!"

"Binuksan mo na ba?!"

"Opo, papasok na nga dapat ako e."

"Hindi yan Time Machine, ang totoo, tinatawag ko yang Imaginatic."

" Bakit Imaginatic?!"

" Kapag nasa loob ka ng imaginatic, try mong iimagine ang mundong gusto mong matirhan at ipupunta ka nito doon."

"Na itry niyo na po ba?"

" Oo naman! Minsan nga nakikita ko yung mga taong madalas kong makasalubong sa isang mundo. Siguro parehas kami ng mundong gusto tirahan"

" Gusto ko po sanang itry"

" Pag pumasok kana sa mundong gusto mong tirahan, mag stastay ka doon for two months."

" Sagabal po pala ako kay mama, siguro ko hindi niya ako makikita magiging masaya siya."

" Paano naman ang papa mo?"

"Papa, alam mo ba minsan naawa ako sayo kasi for 16 years lagi mo akong pinagtatanggol kay mama. Kaya naman gusto kong magpahinga ka ng konti."

"Ok sige! Pumasok kana!"

"Opo"

Pumasok nga ako...

At inimagine kong nakatira ako sa isang MUNDO NG MGA PERFECTIONISTS...

Kaya naman after 5 minutes

*Whoosh*

" Ok ka lang ba?"

Paunti-unti kong binuksan ang mga mata ko

" Nasaan ako?"

"Nasa Perfect Academy ka Jessica!"

Teka kilala ba ako nito?

Kilala ko ba siya?!

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?!"

"SABI KO NA NGA BA EH! TAMA HULA KO!

" Pagdating talaga sa hulaan perfect si Ms. Carlie"

"Perfectionista ata ako!"

TEKA?! Nasa Mundo na ba ako ng mga Perfectionists?! 

" Sabihin niyo nga ASAN NA AKO?!"

I♥PerfectionistsWhere stories live. Discover now