What?!

50 2 1
                                    

A/N: Grabe sorry hindi nakaupdate :((( Pinatayan ako ni papa ng net:(( Nakalimutan niya pantayin so I grab my opportunity :))) Please do support this story :)))

Thank you po sa lahat ng mga sumuporta:))) Dedicated to her:) Hi couz as I've promised a long time ago ewan ko kung naalala mo pa :))) Magdededicate ako sayo ng isang chapter dito :)) Sana magustuhan mo :)) Misss u and your singkit as ever eyes!!! :))

Vote.Comment.Read.Be a Fan. it would mean a lot to mee :))) Enjoy the update!!!

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Brian’s POV█

Pagkaalis ko ng Chem room agad akong pumunta ng gym. Niyaya ako ng kada ko sa basketball. Kahit ganito ugali ko may mga kaibigan rin ako noh!! Pero  magkakaparehas lang ng ugali ^___^. Tch~ pake niyo ba?! Anyways, nasa gym na ako ng biglang may kumapit sa braso ko. At si dikya(Carlie) lang naman yun.

“ Sinundan mo ba ako?! “ tanong nito sa akin. EEEWWW~ as if?! Mangarap siya ng utot!!

“ Never kitang susundan!! TABI!! “ sabay taboy sa kanya. Ang harsh ba?! D naman. Bagay nga sa kanya yung tinataboy siya e. Ewan ko ba kung bakit ko nagustuhan ‘to dati?!

“ Ang cold mo talaga!!! Kaya kita nagustuhan ee. Threadmill lang ako ha. Sige bihis kana. “  tumakbo siya papalapit…nagtip-toe at…. kiniss ako sa cheeks. Tapos tumakbo siya. Nung nakita kong wala na siya agad ko namang pinunasan yung cheeks ko. KADIRI!!! She’s spreading her own germs.

Pumasok na ako sa boy’s C.R para magpalit ng pang gym. Nung matapos na ako….bigla

“ MS. CARLIE!!!” narinig kong sumigaw si Jessica. Andito pala siya?! Naggygym din?! Anyways… Di ko alam kung ba’t bigla ko na lang binalak tumakbo.

Nakita kong nakaupo si Carlie sa sahig. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Kahit na minsan naiinis ako sa kanya, syempre minahal ko rin ang taong yan. Kaya andun pa rin ang concern ko para sa kanya.

“ CARLIE!!! “ kumaripas ako ng takbo. Binuhat ko siya (princess carry) papuntang clinic. T*KTE!! Ang bait ko ata!!!

“ Brian *sob*. Ang sakiiit!!! *sob* Ba’t mo nagawa yun?!”  bigla akong tumingin sa kanya nanakakunot ang mata. TEKA?! Pwede bang mangyari yun?! Try niyo nga?!

“ Pwede ba!!! Huwag ka munang maingay. Mamamatay ka!!! “ Uto-uto pag sumunod!!!

Hindi na siya nagsalita pero umiiyak pa rin siya. Agad niyang binaon ulo niya sa braso ko at nakatulog. Hindi ko alam kung nananaginip siya pero may sinasabi siya

“ Ba’t mo nagawa yun?! “ Paulit-ulit niyang sinasabi.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Jessica’s POV█

Sumunod na ako sa clinic dahil dun papunta ngayon sila Brian. Nag-aalala ako para kay Ms. Carlie. Pero bakit ganun kanina kasi nung nag-alala si Brian sa kanya…. natinik ang puso ko. Gusto ko na ngang umiyak pero napaisip ako bakit ako iiyak e hindi ako yung nahulog sa threadmill?! There’s something wrong about me!!!!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Clinic

Hiniga na ni Brian si Ms. Carlie sa higaan habang chinecheck siya ng school nurse.

“ Na-sprain lang naman siya. Hindi naman ganun kalala. Pero mukhang natrauma siya sa pagkahulog sa threadmill..dahil nilalagnat siya. Nasa 38 degrees celcius ang body temperature niya. Kailangan niya munang umabsent for 2-3 days. Depende sa paggaling niya. “

“ Kawawa naman si Ms. Carlie. “ sabi ko. Kasalanan ko’to e. Kung hindi sana ako nagsabi ng bad news sa kanya hindi ito mangyayari. Nakokonsensiya tuloy akooo T_____T

“ Anong kawawa?! Buti nga sa kanya yan e!!! “ AYAN!!! NAGSALITA ANG ENGKANTO NG MT. EVEREST!!!

“ HOY PINYA!!! MAG-USAP TAYO!!! “ Hinila ko siya papuntang rooftop.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Rooftop

Binitawan ko ang wrist ni Brian. Ang dami kong gustong itanong at sabihin sa kanya.

“ Brian…. galit ka ba sa akin? Ayaw mo ba sa akin? Ano bang mali sa akin? Bakit ba lagi mo na lang ako pinaparusahan? Bakit minsan ang bait bait mo sa akin? May mood swings or split of personality ka ba?! Ano yung sinabi mo sa akin dito nung na lock tayo? Tsaka ano rin yung ibig mong gusto mo akong protektah----- “

Hindi ko na naituloy lahat ng sasabihin ko kasi….

dinampi na niya ang labi niya sa akin. Patuloy niya akong hinahalikan. Ako naman feeling ko kung ivivideo ko ang mukha ko ngayon sobrang epic. Nakabukas lang naman yung mata ko at shock na shock!! 0______0. Buti na lang at tumigil na siya.

Nilagpasan lang niya ako. LANGYA!!! Matapos niya akong ichuchup AALIS NA LANG BIGLA!!!  Hindi ako makagalaw dahil sobrang nabigla ako. Bago niya buksan ang pinto may sinabi siya..

“ Lahat ginagawa ko dahil may rason. Lahat ng ginagawa ko ay para sayo lang. “

Then he shut the door slowly. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Is he angry or not? Ba’t ba ang labo labo labo       (INFINITE!) niya!!!

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

After 8 minutes:

Lalabas na sana ako ng biglang bumukas yung pinto ng marahas.

Gulat na gulat lang talaga ako!!!

“ HOY!! “

“ AHY TILAPIA!!! “ siya lang pala ang nagbukas ng pinto!!!

“ Bilisan mo may iuutos ako sayo. “

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Shemay!!! Nakalimutan kong SLAVE niya ako!!! Kawawang bata >_________<. Sinundan ko siya. Nagpunta lang naman kami ng clinic. Nung nasa labas kami ng clinic, bigla niya hinawakan ang dalawa kong balikat. Biglang umamamo ang mabangis niyang mukha kanina.

“ Jessica. I want you to take care of Carlie…. “ pati yung mukha ko umaamo. Para kasing mamatay na si Ms. Carlie. Pag namatay talaga si Ms. Carlie…. matatapos na ang storyang ‘to!!! Hehehe joke lang pangunahan ba naman ang author ^_^.

bigla siyang lumapit sa tenga ko at may binulong. Jusmeee nakikiliti ako!!~

“ you may talk to her…. but never believe her words. “

“ Bakit naman? “ bulong ko rin sa kanya. Aanhin ko ang kausapin siya kung hindi rin naman ako maniniwala. Edi sana sinabi na lang niya na don’t talk to her!! DIBA!! Edi nagkakaintindihan kami!!!

“ You want me to give you a hint? “

“ Saan naman?!” grabe nalalabuan na talaga ako!!!

“ Gusto kitang protektahan… “ at umalis na siya. GOSH!! Guys!! Alam niyo naman sa simula’t sapul e slow na ako diba!!! Siguro naman alam na rin ni Brian yun!!! Paano yan WALA NA AKO MAITINDIHAN.

Ang naitindihan ko lang is… alagaan si Ms. Carlie and never believe in her. Pero bakit??

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

I♥PerfectionistsWhere stories live. Discover now