First True Kiss

25 1 0
                                    

█Jessica's POV█

Teka?! Tama nga b 'to?! Ibibigay ko na ba sa kanya?! Lumabas kasi siya e. Pero kasi... SHWAAAAAAAAAA!!!! Naman!!! Nakakabanas!!! Please.. ayokong mapahiya...

Sabi niya short message niya ito sa akin. Nung trinanslate ko... yun yung lumabas. Ang MALAKING TANONG... tama naman ba kaya yun?!

Uy, si Hero. Buti na lang at nakita ko siya. 

" Uyyy, Hero!!!! "

" Oh!!! Jessica!!! "

" Hero, check mo nga! Tama ba?! " inabot ko sa kanya yung papel.

" Hmmmm..."

" Ano? Tama ba?! "

" WOW!!! Jessica. Di ko akalaing magaling ka mag- Greek. Sige sasabihin ko bukas kay Ms. Carlie na magdagdag pa ng mga languages. Sayang talent mo dito oh!! " HERO!!!! Nahawa ka na ba sa pagiging slow ko?! Literal na nga na nagkanose bleed yung tao during class na yan, e pahihirapan mo ako. Baka naman gusto mong sumabog yung ulo ko ng LITERAL din?!

" So..tama nga... "

" Hmmmm. Tama naman e!!! "

Nagconfess nga ba siya...o biro nanaman 'to? *long sigh* Mabuti pa hanapin ko siya. Hinablot ko ng mabilis yung papel, buti at di na punit. Takbo ako ng takbo. SIOPAO di ko nga pala alam kung asan si Brian. Asan nga ba siya?! Madalas ko siyang makita....sa may park. Baka nga andun yun!!!

Pumunta ako... pero... wala siyaT________T Sheeze Brian asan ka?! Where are thou?! Pagnakita kita ipapabagsak ko yan buhok mo para di na pinya ang tawag ko sayo, waterfalls na!! Swear... gusto kitang makita...

" BRRRRIIIIIIIIIAAAANNNN!!!! >/////< " ayan, ginamit ko na ang golden voice ko, kaya magpakita kana MONSTER!!!! 

" Tapos ka na?! "

" HOY!!! Brian.... message... "

" OO! MAY PROBLEMA?! "

" WALA, PERO AKO MERON!!! " nagulat siya dahil hindi niya alam kung anong ibig kong sabihin. Actually, ako rin e... slow nga ako diba!!! Basta bigla na lang akong tumakbo sa kanya. Nagtiptoe at sa huli ay

Kiniss ko siya:"> LANGYA!!! Bakit ako ang nauna. Natanggal ko tuloy biglaan yung lips ko sa kanya.

" Kung magcoconfess ka, sana sa madaling paraan. Ang hirap kaya magtranslate!!! "

" K...kasi... na...nahihiya ako!!! TSAKA SINABI KO NA RIN NAMANG GUSTO KITA AH!!! "

" Ha?! Kailan?! "

" Dun sa..rooftop!!! F.U DI MO MAALALA?! "

" Kala ko kasi nagjojoke ka lang e... "

" Kasi nga gusto kitang protektahan. BAKIT BA ANG SLOW MO!!! "

" Pwede ba wag mo nga akong sigawan!!! Parang kang kabayo diyan e. Ipapalit ko yang mukha mo sa poster ni Vice Ganda!! "

Pero imbes na patulan ulit ako, kinuha niya ang batok ko at hinalikan ulit ako. 

Nararamdaman kong iba tong halik na 'to. It was full of love hindi gaya ng dati na para lang siya isang mischievous kiss. Ngayon... ito ang first true kiss namin ni Brian.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Whooop~ cut muna!!! Abangan ang next chapter!!!

Sorry kung short lang :((( Pasukan na e :(( 

I♥PerfectionistsWhere stories live. Discover now