“Ano ba naman yang naisip mo, Loise, ang weird.” Protesta niya. Di naman siya nito pinansin. Ang sabi pa nga ng supporter nito na si Kathryn at Owa ay ang dare ay dare, bawal ang atrasan.

Isa pa uling ikot. Sila na naman? Sino ba sa kanila ang may balat sa puwet at inaalat sila ngayon? Obviously hindi siya. Sigguro si Aron Miguel, pero saan sa puwet nito? Ay ano ba ang pumapasok sa isip niya! Nagbigay na ng consequence ang kaibigan…

At ang consequence, magtatagal siya sa loob ng cottage ni Aron Miguel, mga 1 hour.

“A-yo-ko!” Niloloko na siya ng dalawa.

“Oi, wala namang ganyanan, laro lang naman to ah! Unless na lang…” Ibinitin nito ang sasabihin.

“Natatakot k aba Candice?”  Hamon ni Aron Miguel.

“Kanino?” Pagtataray niya, iyon na lang kasi ang kayang niyang gawin ngayon.

“Sa sarili mo, na baka mahal mo pa rin ako.” Bulong nito sa kanya. Nakakakilabot naman ito, ang lakas mag assume!

“No way! Sige game!”  Naiinis na sabi niya, pero kung alam lamang nito na sobrang kinakabahan siya.

Nakakailang inum pa sila bago natapos ang game. Medyo hilo na siya. Nauna nang umalis ang mag-asawa. Si Kathryn naman, may aasikasuhin pa raw, yung ibang bisita nagsibalikan na rin sa mga cottages nila. Siya na lang at si Aron Miguel ang natira.

“Are you alright?” anong ni Aron Miguel sa kanya.

“Oo naman! Akala mo sa akin, lasing?”

“Oo, nakailan ka rin, sinabi naman kasi sayo na ako nang iinum eh.” Inalalayan niya ang dalaga.

“Kaya ko, akala mo, di ko kaya? Ikaw nga kinaya ko.”

Seryoso itong nakatingin sa kanya. “Akon g maghahatid sayo, lasing ka na oh.”

“Oi, alam ko pa ang ginagawa ko no, at saka ako kaya ang maghahatid sayo, consequence ko yun. Saan ba ang cottage mo?”

“Malayu-layo pa rito. Pwde namang wag sundin ang consequence, wala na sila.” Napailing siya, mukhang nalasing sa ininum ang Irog niya. Di na kasi nito namalayan na nakakapit na siya sa mga braso niya. Kung di ito lasing, malamang ang layo ng distansiya nila ngayon.

“May isang salita ako, ikaw ang walang isang salita. Halika na.” Sabay hawak sa knang kamay ni Aron Miguel.

“Wala ka pa ring pinagbago, ang tigas pa rin ng ulo mo.”  

“Nagbago ako. Bakit ba umiikot yang mga cottages?” Tila wala sa sariling sabi nito sa binata.

Walang sabi-sabing binuhat siya ni Aron Miguel. “Ibaba mo ako!”

“Easy! Wag kang malikot at mahuhulog ka. Kumapit ka sa leeg ko.” Utos niya rito.

“Ibaba mo ako!” Protesta ulit niya, sa tahimik na gabi, malamang makakakuha sila ng atensiyon.

Nagulat ito ng bigla siyang halikan ni Aron Miguel habang buhat-buha nito. Although it was just a smack, pero natulala siya at napatigil sa pagpalag. “Pag di ka tumigil hahalikan kita ulit.” Oh my god! Ano ang nagyayari?

Tumigil nga siya hangang sa nakarating sila ng cottage ng binata. Ibinaba lang siya nito nung bubuksan na niya ang pinto. Medyo hilo lang si Candice pero alam niya kung ano ang nangyayari.

“An hour of stay here, right?” Paalala ni Aron Miguel.

“Pwde bang 10 minutes lang?” She bargained. Nagsisisi tuloy siya ngayon, kanina ayaw na ni Aron Miguel na ituloy ang consequence, siya na ang nag inarte, nagyon na nandito an sila sa harap ng cottage ito, biglang nabahag ang buntot niya.

Ito naman ang tumawa,”Akala ko ba may isang salita ka? O baka naman?” Ibinitin pa nito ang sasabihin na tila tinutukso siya.

“O sige na, one hour na kung one hour.” Umupo siya sa sofa. “Inaantok ako.”

“Sa room ka na magpahinga, Irog. Gigisingin lang kita after an hour.”

Sumunod naman si Candice. Humiga siya sa kama at agad na nakatulog.

******************

Salamat, kahit busy pinakaabalahan kong mag edit ng konti para sa inyo na nagbabasa, naks! Pero bukas until Wednesday this week, hectic ang schedule ko, sobrang daming trabaho!

----Xian----

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon