9 Ruel's Charm

107K 1.1K 35
                                    

Heto pala ang sablay ko na chapter dati…..sana di na sablay ngayon.

 

Nasaan ba siya ngayon? Ayun, nasa isang mall, naglalakad, actually naghahanap ng mabibiling bagong gadget. Palitan na kaya niya ang ipod niya? Pwde pa naman yun, bagong kotse kaya? May budget naman talaga siya para sa bagong sasakyan, kaya lang, ayaw pa niyang bumili, okay pa naman ang ginagamit niyang kotse.

Di naman sa nagyayabang pero mayaman sila, di nga niya kailangang magtrabaho, actually, pinapatigil na siya ng Kuya niya at ng Papa niya, siya lang itong matigas ang ulo, mahal na mahal lang talaga siya ng mga ito kaya di nila ipinipilit ang gusto nila. Speaking of those two, bigla niyang namiss ang mga ito.

Omorder siya ng paborito niyang pizza and while waiting ay tinawagan niya ang Papa niya.

“Pa, kumusta na po?”

“Candice, malakas pa sa kalabaw ang Papa mo, hinihintay ko pa ang magiging apo ko sa inyo ni Kuya mo.” Heto na naman ang Papa niya, mangungulit na naman.

“Pa, ayan ka na naman.”

“Kailan mo kasi ipapakilala ang boyfriend mo Candice, pagkatapos nung kay Tanako Biko bay un ay wala na akong alam na naging boyfriend mo.”

Napangiti siya, naalala niya yung kanyang Japanese boyfriend, naghiwalay na lang sila ay di pa rin matandaan ng Papa niya ang pangalan nito. Well, hindi naman ganun kasseryoso ang naging relasyon nila, but they end up ass friends bago ito umuwi ng Japan, in fact may communication pa rin sila through internet.

“pa, kinukumusta lang kita. Kayo ni Kuya…Yes pa, I’ll take care, you take care too ha, I love you pa.”

Nakunot noo siya ng bigla siyang nginitian ng lalaking nasa harap niya, mukhang customer din ito na naghihintay ng order. Hmmm, gwapo, pero hindi ito ang tipo niya, and wala siya sa mood makipag flirt ngayon…kaya deadma.  Bakit ba matagal dumating ang order niya hgayon? Sabagay, maraming tao eh. She took her iphone and decided to play when she heard someone talking to her.

“Hi! Can you still remember me?” Nakangiting tanong nito sa kanya. Well, yes, he looks familiar pero hindi niya alam saan sila nagkakilala.

Ruel was waiting for Candice to say that they had met in the bar, he’s with Aron Miguel that time, she’s her PA. PEro kumunot lamang ang noo ng dalaga at halata niyang hindi siya nito natatandaan! Wow, for the very first time, may isang babae na hindi siya natatandaan pagkatapos niyang magpakilala. Mapagtripan nga.

“Maegan,long time no see, how are you?”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon