#1: Crush

198 2 0
                                    

Dear Wattpad,

Ako si Zena Manalo.

May crush ako sa kaibigan ko.

Masasabing perfect guy sa pananaw ko pero wala din e.

May girlfriend na siya.

Na-late ako. Sobrang late ko. Dahil torpe ako noon. Ewan.

Parang isang daang taon ang nakalipas sa pagiging late ko sa pag-ibig.

Kahit sabi niya sa akin na hindi siya handa sa pag-ibig, after ko mag-confess sa kaniya. WALA.

Parang bang isang napakatulis at malaking kutsilyo ang tumama sa puso ko. Ang drama ano?

Kung kailan nalaman na niya naramdaman ko para sa kaniya, ganito ang mangyayare.

Pero ganyan talaga hindi ba?

May masasaktan.

May hindi.

May masaya.

Mayroon hindi.

Sadyang hindi lahat makukuha mo.

Hindi lahat mapapasayo.

Pero ngayon, masasabi ko sa sarili ko na ang kapal ng mukha ko.

Pa-emotera ako dito e wala naman kami.

At mas wala akong karapatan naman dahil nga, ayun, masaya na siya.

Pero sana hindi malumanay ang pagsasabi niya sa akin noon. Nagulat ang puso ko.

Gayunpaman, masaklap man ang buhay. Mawala man ang isang tao sa buhay niya, it makes no difference because life will go on with or without you.

Ang pwede mo lang talagang gawin ngayon ay ang magpa-MARTYR.

WAKAS.

Author's note: May susunod pa po dito. Isa po itong pagsasalaysay sa mga pangyayare na paraan ng isang taong may CRUSH.

CRUSHED, Ang Buhay Martyr {On going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon