CHAPTER 4 ** TO THE RESCUE **

Start from the beginning
                                    

Nilapitan nya ako at biglang niyakap. Sa ginawa nyang pagyakap sakin mas lalo pa akong napaiyak.. Feeling ko nakahanap ako ng kakampi sa ganitong sitwasyon..

" Ssshhh.. Tahan na! Di ko sinasadyang sigawan ka. Nainis lang ako kasi hinayaan mo lang na apihin ka ni Tricia.. "  pakiramdam ko gumaan bigla ang loob ko sakanya. Mabait naman pala sya at hindi naman sya suplado kagaya ng sinasabi ng iba. Siguro my reasons naman sya kung bakit parang ang cold nya sa ibang tao..

Kanina nya pa ako yakap yakap pero ayos lang sakin crush ko naman sya.. Bigla akong kinilig sa iniisip ko..

Krriiiinnnngggg...

Nag bell na pero di ko na nagawang gawin ang assignment ko.. Panu ba to?! Bumitaw na ako sa pagkayakap ky Peter.. Nakakahiya nabasa pa yata ng luha ko ang uniform nya..

" Thanks kanina ha? Kung hindi mo ako hinila malamang hindi lang yun ang aabutin ko ky Tricia.. Sige mauna na ako sayo, baka malate ako sa next subject ko.. Thanks ulit.. "  ngumiti ako sakanya at ngumiti nalang din sya sakin sabay tango.. Paglabas ko ng music room dumiretso na ako sa room ko..

Pero bago ako makarating sa room ko nakasalubong ko si Celine at halata ang pag aalala nya sa mukha.. Gosh! Baka namumula parin ang mukha ko sa sampal ni Tricia..

" Okay ka lang ba Shane? Nakita ko yung pagsampal sayo ng witch na yun.. Lalapitan na sana kita kaso sakto naman na hinila ka ni Peter kaya di na ako humabol.. "  so nakita nya pala ang pagsampal ni Tricia? Pati na ang pag hila sakin ni Peter?! Pero ayoko na muna pag usapan to kasi baka malate na ako..

" Bez, i'll tell you everything later.. Pasok na tayo baka mapagalitan pa tayo ng mga prof natin pag nalate tayo ng matagal.. " hindi na sya kumibo pero halata parin sa mukha nya na naiinis parin sya.. Ang swerte ko na sya ang bestfriend ko..

" Okay, sige pero mag uusap parin tayo later.. "  tumango na lang ako bilang sagot sakanya at sabay na kaming pumasok sakanya kanya naming room..

[ HARLEY'S POV ]

Nandito kaming apat sa canteen, my table kasing nakareserved para sa aming mga GFORCE.. As usual wala si Peter dito at malamang nasa music room nanaman yun nagpiplay ng piyano..

Hilig nya kasing mag piyano kaya pag hindi namin sya kasama dun lang sya matatagpuan sa music room..

Si Tristan busyng busy sa pag lalaro ng gameboy samantalang si Kelvin at JL panay ang pakikipag harutan sa mga girls dito sa canteen.. Tssss..

Makakain na nga lang at gutom na ako.. Nadako ang tingin ko sa hallway malapit sa library. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod sa akin at ang grupo ni Tricia. My sinasabi si Tricia dun sa girl  pero nilagpasan lang sya nung girl. Biglang hinila ni Tricia ang kamay ng babae at biglang sinampal ito. Di pa nakuntento at sinampal pa nya ulit ang kabilang side.

Kawawang babae, di man lang lumaban. Kunsabagay, walang ibang babae ang bumabangga sa grupo ng maarteng Tricia na yan..

Teka, si Peter yun ah? At hila hila nya yung babae papuntang music room.. Sino kaya ang babaeng yun at pinagtanggol pa ni Peter.?! Masundan nga sila sa music room.. I want to know who's that girl..

Nandito na ako sa labas ng music room.. Narinig kong nagsalita si Peter kaya sumilip ako sa loob pero nakakubli ang katawan ko sa pinto.

Napatda ako kasi ang babaeng hila hila ni Peter kanina ay walang iba kundi si...

.

.

.

.

.

.

.

.

Joshane!!

  Pero bakit nya hinila palayo si Joshane? Nagtataka na ako sakanya, nung last time muntik na nyang halikan si Joshane pero di nya tinuloy.. Ngayon naman nakayakap sya ky Joshane habang umiiyak naman si Joshane sa kanya.. Hindi kaya my gusto si Peter ky Joshane? Kasi di naman ugali ni Peter na iinvolved ang sarili sa ibang tao specifically sa mga babae..

Pero bakit ba ako nakikialam?! Wala naman akong pakialam kung magka gusto man sya dun kaso friend ko si Peter at ayoko lang na malink sya sa megaphone lady na yun.. Tama, yun lang talaga ang dahilan kung bakit ayaw ko na malink sya dun kasi di sya bagay ky Peter..

Eh kanino sya bagay? Sayo? Ang sabihin mo you like that girl. Ayaw mo lang aminin kasi ma pride ka..   Langyah, kelan pa sumasagot ang isip ko? She's not my type and she's flat chested..

Amin amin din pag my time.. Wag puro deny..

Sige Harley kausapin mo sarili mo.. Para ka ng baliw jan..

Krrriiinnnnggggg...

Shit! Time na, palabas narin ng music room ang dalawa.. Kelangan di nila ako makita.. Kaya nagtago ako sa likod ng pinto. Di naman kasi sinasara ang music room kaya di na nila ako makikita sa pinagtataguan ko..

Nakaalis na silang dalawa.. Matanong nga mamaya si Peter kung my gusto ba talaga sya sa Joshane na yun.. Natingin ako sa relo ko at late na ako ng 5mins.. Pero wala akong pakialam, takot lang ng prof ko na pagalitan ako..

Pero sana mali ang kutob ko na my gusto si Peter ky Joshane dahil ayoko na magkagusto si Peter sakanya.. Basta ayoko lang talaga.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now