NETHOPIA
Ang lugar na mapaya na may limang kaharian
Ang kaharian na nangangalaga sa tubig
Ang kaharian na nangangalaga sa apoy
Ang kahariang nangangalaga sa hangin
Ang kahariang nangangalaga sa lupa
At
Ang kahariang pinagmumulan ng lahat kung saan ang nagmula ang tunay na kapangyarihan
Ang kahariang NETHOPIA kung saan sila ang nagbibigay ng payapang buhay at ang pinaka iingatan nilang the heart of nethopia
Ang limang kaharian ay nagdiriwang dahil sa isang selebrasyon at iyon ay ang bagong mga taga pangalaga na pinanganak
Ang pamilya ng apat na kaharian ng tubig,apoy,hangin,at lupa ay binasbasan ang kanilang mga anak bilang maging bagong tagapangalaga
At ang pinakahuli ang taga pag ingat ng the heart of nethopia ay pinasa na rin
Masaya ang lahat dahil sa mga bagong silang na mga sanggol
Hindi nila na alintana ang panganib na nagbabadya sa kanilang kaharian
Ang inakala nilang wala na ay Hindi pa pala ang kapatid ng mga reyna na syang naging tagapangalaga din ngunit dahil sa kasakiman nya ay mas ginusto nyang mag isa
Gusto nyang makuha ang lahat ang kaharian,kapangyarihan lalong lalo na ang the heart of nethopia
Kaya sya ay nagpasya na lusubin ang kahariang nethopia kung saan sila ay masayang nagsasalo salo
"Hindi ko kayo hahayaan maging masaya HA HA HA!" Sabi nya sa kanyang sarili at tumawa nang mala demonyo
"Lusubin ang kahariang nethopia!" Utos nito sa kanyang mga kawal
Habang masayang nagtitipon ang lahat nagulat na lamang sila sa balitang nakarating sa kanila
"Reyna't hari nilulusob po ang ating kaharian ngayon!" Sabi ng kanilang kawal
Lahat ng nasa loob ng palasyo ay naging balisa lalo na ang mga reyna dahil sila ay nag aalala para sa kanilang mga anak
"Maghanda ang mga kawal!" Utos ng general
Mga kawal na naglalabanan walang gustong magpatalo kaya ang dugo ay dumanak sa buong palasyo
"Kamusta aking mga kapatid?!" Isang Boses na syang nagmula sa dulo ng palasyo
"Nerinna!" Tugon ng kanyang mga kapatid
"Ako nga mga kapatid!" Lumakad sya papunta sa kinaroroonan ng mga sanggol ngunit bago nya marating ito ay humarang ang kanyang mga kapatid
"Hanggang dyan ka na lamang nerinna!" At dahil sa sinabi ng reyna ng nethopia ay tila tumigil si nerinna kasunod nito ay ang pagtawa nya
"Masusunod mahal Kong acassia na aking kapatid "
"Tigilan mo na ito nerinna!" Ang taga pangalaga ng tubig
"Bakit mirneya?!"
"Hayaan mo na kami"taga pangalaga ng apoy
"Hindi maaari porscha!"
"Umalis ka na lamang nerinna"taga pangalaga ng hangin
" Hindi hanieya!"
"Ayaw ka naming saktan nerinna!" Tagapangalaga ng lupa
"Mabuti kung ganon lourmeya!"
"Sugurin sila!" Utos ni nerinna sa mga kawal nya
"Kunin Nyo na ang mga sanggol at dalhin nyo sila sa lugar kung saan Hindi kayo matutunton ni nerinna!" Utos ni acassia sa mga hari
"Ngunit paano kayo?!"
"Kaming ng bahala sa aming mga sarili!umalis na kayo!" Ani hanieya
Walang magawa ang mga hari kayat sinunod nila ang mga reyna
Itinakas nila ang mga sanggol at dinala ito sa mga mundo ng tao at doon na lamang nila na isipang manirahan
Natalo ni nerinna ang kanyang mga kapatid at pinatapon ito sa selda na walang sino man ang nakaka alam
"Kamusta mga kapatid ko masaya ba?!" At tumawa ito ng malakas
"Magpakasaya ka na ngayon nerinna dahil Hindi magtatagal ay babalik ka din kung saan ka mismong nang galing!" Atas ni acassia sa kanya kayat umalis na lamang sya na tumatawa at pumunta sa kanyang trono
"Hanapin nyo ang anak ng aking mga kapatid !"
Utos nito na agad namang sinunod ng mga kawal nya
************
Annyeong! Thank you po sa mga bumabasa nitong book ko thank you po ng marami sana po hanggang dulo suportahan nyo po yung story
Please
Vote
Comment
Follow
Thank you again!
KAMU SEDANG MEMBACA
The Guardians
FantasiA five girl who has a power to protect the world in the world of nethopia where magics and powers exist the holder of water the holder of fire the holder of air the holder of earth and the keeper of the heart of nethopia A five girl who has the abil...
