Chapter 3: Overprotective

3.2K 140 4
                                    

KERDIE'S POV

"Ibaba mo na lang ako diyan sa front gate, aantayin ko pa kasi sila kuya"

Ang gulo tuloy ng wavy kong hair. Kasi naman eh open yung car niya! convertible kasi!

"K" tipid ng sagot niya. Binaba niya ako sa tabi ng front gate.

"Thanks ah" nag-effort pa akong magsmile sa kanya.

Aba ang loko di lang ako pinansin at nagdrive na papunta sa loob ng Olympus University!? Kahit kelan talaga bastusin yun! Ako na nga nagthank you eh! tapos buti nga nag-effort pa ako magsmile! Tss!

"Oh Kerdz bat anjan ka? asan si Manong Cool?" ay anjan na pala sila kuya. Isa pa itong mga 'to! mga convertible din sasakyan! mga walang bubong! Paexpose masyado ng mukha eh =______=

"Pinasunod na daw ni lolo sa Spain so that means magcocomute na lang ako" no way highway niyo akong mapapasabay diyan sa mga kapatid at pinsan ko! never in my crazy dreams!

"Grabe ka naman Kerdz, ganun mo ba talaga kaayaw na makasabay kami?" tanong ni Kuya Jazper. Nagpout pa! kung di ko lang kilala 'tong si kuya Jazper malamang napagkamalan ko na itong bakla -_______-

Ngayon ko lang napansin na dalawang sasakyan lang gamit nila. Anu yan katamaran magdrive? Pssh.

"Ay tayo na nga sumabay ka na muna sa amin Kerdie, doon mo na sa loob ibigay sa amin yung schedules" sabi ni Kuya Kiefer.

Dahil andami na nila kuya sa isang sasakyan ay doon na ako kila Kuya Jazper sumakay.

Marami nang student at halata namang nagbubulungan at pinag-uusapan nila kami--este sila kuya lang pala -_______-

Pinark na nila kuya yung sasakyan. Iniabot ko na sa kanila yung mga schedule nila.

"Nga pala Kuya dito rin pala pinasok ni lolo si Darren"

Napatigil sila bigla. "Tss. Yaan mo siya" sagot ni Kuya Kiel. Teka? bakit parang ayaw nila kay Darren?

"Kyahhh! Bat ang daming gwapo ngayon na transferees sa school natin!?" tili nung mga babae. Partida nasa parking lot palang 'yan ah..

Mga haliparot much! Nakahigh pitch pa yung tili! sakit sa ears!

"Teka tingnan mo girl oh may kasama silang babae, ang pangit naman nun, di kaya P.A. nila?" aba! how dare those higad na pagsabihan akong P.A.!? sa ganda kong ito!? P.A. ng mga kapre kong kuya!? No way Manila bay!

"Pabayaan mo na lang Kerdz" sabi ni Kervin. Nasabi ko bang itong kambal ko na 'to ang pinakamabait kila kuya?

"Oo nga Kerdz masanay kana, ganito rin nararanasan namin sa dati naming school" sabi ni Jared.

Kawawa naman pala 'tong mga kapatid at pinsan ko..

buti nga sa kanila! :D

Oy joke lang! wag niyo ko sumbong kila kuya!

Naglakad na kami papunta sa building ng Business Ad Department. At kung kanina sa parking lot may mga higad, dito mas dumami pa...parang silang allergies! sobrang makakati! makabasag eardrums ang tili!

Narinig ko pang bumulong si Kenzo "Yan ang hirap paggwapo eh.." yabang talaga nitong bunso namin..mana kila kuya -____- Ano yan pogi problems?

Buti naman at nandito na kami sa Business Ad Dept.

Mga tingin sa akin ng mga babae kanina parang alien ako na nasama sa mga gwapong nilalang. Pssh.

Humiwalay na sila Kuya Kiefer, Kuya Kiel, Kuya Jazper at si Kenzo. Sa ibang part kasi sila ng building.

Life With The BoysWhere stories live. Discover now