Kumabog sa kaba na may halong excitement ang puso ko dahil sa naiisip ko. Sana lang 'wag akong ma-hopia.

Paano 'to ngayon? Anong gagawin ko? Paano ko nga ba malalaman na buntis ako? Bumili kaya ako ng P.T? Pero anong ipapaalam ko kay Damon kung bakit ako aalis? Siya kaya pabilihin ko? Hindi! Mas maganda kung surprise niyang malaman.

Urgh! Bakit ba hindi 'to pumasok sa isip noong mag kaaway pa kami? Edi sana madali lang akong makakabili ng P.T nang hindi na kailangang magpaalam sa kanya na aalis ako.

Isip Amber! Isip!!

Napa tingin ako sa direksyon ng refrigerator tsaka tila may bumbilya na nag pakita sa taas ng ulo ko dahil sa na isip kong idea.

"Baby, mag go-grocery pala ako ngayon!"

"Kaka-grocery ko lang baby."

"Bakit ka nag grocery agad?!!!"

"Uh kasi wala ng makain dito?" Pagtataka niyang sagot.

Haay! Paano na 'to? Bahala na!

Tumayo na lang ako. "Aalis pala ako, may bibilihin lang ako."

"Ano naman?"

"Pang uh regalo sa'yo."

"I don't need that, ma-upo ka nalang. Monthsary natin kaya dapat magkasama lang tayo ngayon."

"Hayaan mo na 'ko, babalik din agad ako promise!" Tinaas ko pa 'yung kanang kamay ko para convincing.

"Samahan na lang kaya kita."

"'Wag na! Kaya ko na 'yun!" Nag lakad na lang ako papuntang kwarto para kunin ang wallet ko. Nag dala na rin ako ng pouch para dun itago ang mabibili kong Pregnancy Test.

Lumabas ulit ako ng kwarto bitbit ang pouch at susi ng kotse ko. Nakita ko lang ang asawa ko sa sala na nakaupo sa couch.

"Sama na 'ko." Sabi niya habang bahagyang naka pout para mag paawa.

"Dito ka na lang muna, baby. Hindi na surprise ang gift kapag kasama ka."

"I still want to go!"

I put my hands on my waist. "Damon, makinig ka na nga lang muna! Babalik din agad ako!"

"Fine. Thirty minutes ka lang, i still want to enjoy our day with you."

"Okay!" Thirty minutes is enough para makabili nun. May malapit naman ditong pharmacy eh.

Lumapit lang ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisnge niya.

"Mabilis lang 'to, okay? I love you."

Nag simula na 'kong mag lakad pero bigla naman niya akong hinawakan sa kamay kaya napa hinto ako. "I love you too."

Nag patuloy na 'ko sa pag lakad palabas ng Unit hanggang sa makarating ako ng parking. Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at ini-start ang makina ng kotse.

Sinimulan ko ang byahe sa pinaka malapit na pharmacy. Sa pag dating ko naman dun, bumaba agad ako ng kotse at bumili agad ng PT. Dinalawa ko na para sigurado.

Nang makabili ako, bumalik na agad ako sa kotse ko tsaka ko binasa muna kung paano gagamitin 'to. First time kong gagamitin kaya wala akong idea.

So, dapat daw first pee in the morning ang gamitin ko para sa test. Napa buntong hininga ako dahil mag hihintay pa pala ako hanggang bukas. Shemay!

Paano 'to ngayon? Anong ipapakita kong gift sa asawa ko?

Bahala na!

Nag simula nalang ulit ako sa pagmamaneho ko pauwi naman ng Unit. Nang makarating ako, bumaba agad ako ng kotse pagkapatay ko ng makina.

Dumiretso na 'ko sa pag punta sa Unit. Sa pag pasok ko naman, narinig ko na nag papatugtog ang asawa ko. Siguro sa cellphone lang 'yun dahil mahina lang naman.

Dumiretso ako sa sala at dun ko siya nakita na natutulog sa couch habang 'yung cellphone na pinapatugtog niya ay nasa chest niya lang.

Lumapit ako sa kanya, kinuha ko 'yung cellphone niya at nilapag lang 'to sa lamiseta. Pinagmasdan ko lang muna siya.

Napapaisip ako kung anong magiging reaksyon 'pag buntis nga ako.

Ini-imagine ko palang napapangiti na 'ko.

Masaya akong after ng mga away namin may mga positive na balita na. Sana nga lang buntis ako. Ayokong ma-disappoint na naman.

Hinalikan ko siya sa labi niya para gisingin siya. Minulat niya ang mga mata niya at ngumiti nang makita ako.

"Ang bilis mo namang nakatulog." Kumento ko.

Umupo siya mula sa pagkakahiga niya. "Nasaan na regalo ko?"

Patay!

"Uhm uh ano uh b-bukas ko pa ibibigay."

"Bakit bukas pa? Eh ngayon ang Monthsary natin."

"Dahil uh gusto kong bukas pa siya ibigay!"

He pouts. "Sige na nga."

"Kain tayo ulit?" Tanong ko.

"Gutom ka pa?"

"Oo." Nahihiya kong pag amin. "Umalis kasi ako kaya nagutom ulit ako, palibhasa kasi ikaw natulog lang." Pagpapaliwanag ko.

He laughed. "Bakit ka nag papaliwanag?"

Hindi ko din alam kung bakit ako nag papaliwanag. 'Pag na confirm na buntis ako may explanation na kung bakit matakaw ako at ipapamukha ko sa kanya 'yun dahil kasalanan niya kung bakit ako tumatakaw.

--

Keep voting. ☆

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now