Chapter 1

53 4 0
                                    

"Come on let's party!!" Wala nakong nagawa kundi sumama sa Walwal nights ng mga kaibigan ko. Kahit ayoko ng bar, ayoko ng maraming ilaw na masasakit sa mata, ayoko ng alak, ayoko ng kahit ano pang related sa mga ganitong parties.

"Adi, ang Kj mo palagi tara na!" Keisha Ventura ang bestfriend ko slash, ang pinaka malalang mag Walwal sa amin. Jusko. Di ko nga alam bakit nag click pa kami neto bilang mag bestfriend opposite na opposite kami!
Umupo kami sa nireserve nyang upuan sa amin. Nandito kami sa taas at sa baba makikita mo ang dance floor at isang part na may mga alak at waiters.

"Adi, this is Josh tapos girlfriend nya si Diane. Guys si Adi, best friend ko." Ngumiti ako sa couple na pinakilala sa akin ni Keish. Ang cute nila infairness parehas chinits ang mata.
Umupo sa tabi ko ang girlfriend ni Josh at tsaka kami nag-usap. Maya maya lang ay may dumating sa table namin,

"Ininvite ni Josh ang mga team mates nya, nanalo sila sa laro kaya ayan. Celebration daw." Napatango nalang ako at tumingin sa mga players na nandidito, "Nga pala guys, that is Carl" turo ni Josh sa lalaking chinito na kausap ni Keisha "Tapos eto si Matt, Andrei at Kib." Turo nya sa tatlong nasa harapan namin. Kumaway yung tatlo sa akim tsaka nakipag shake hands. "Adi nalang." Bati ko sa kanila at ngumiti, "Pre si Gab?"tanong nung Andrei ata? Shet. Di ako magaling mag memorize ng pangalan sorry. "Dadating na din 'yon wait mo lang."

Maya maya lang ay may dumating nang dalawa pang lalaki. "Guys si Gab at Jolo."pagpapakilala ni Josh sa kanila. Nagsmile ako at nagpakilala din. At dahil nga hindi ako ma party, sila ay nag punta na sa baba sa dance floor para sumayaw. Umorder ako ng sandamakmak na nachos at nilantakan iyon. Napansin kong may isang player na nandidito at hindi nakisali dun sa baba.

"Adi, right? Pahingi pwede?"tumawa ako at tumango sa kaniya. Kumuha sya ng nachos at tumawag pa ng waiter para umorder ng Iced Tea. "You know i prefer movie marathon than this one." pag oopen nya ng topic samin. Agad akong napangiti sa kanya "Woah. I think we're on the same boat."

Sa mga oras na nag paparty sila Keish ay wala kaming ginawa ni Gab kundi kumain ng nachos, uminom ng Iced Tea at magkwentuhan tungkol sa buhay namin. Nag wowork nako, nakatapos ako sa kursong BSPT kaya nasa isang Hospital ako, while Gab is still studying Nursing at tinatapos ang Doctoral's Degree.

"How did you met Keisha pala?" nag isip sya kunwari kaya natawa ako. He looked at me at biglang nag cross arms na parang interisado sa tanong ko, "Well Keisha is my blockmate way back in College ata? Diba nag take din sya ng Med?" Tumango ako, "Tapos ayon. We became friends kasama ng mga ka team mates ko. Si Diane naman kaklase ko since elemntary with his boyfriend Josh. Nako, palagi akong third wheel sa dalawa na iyon." Namangha ako bigla sa mga nalalaman ko. Wow. "Ikaw? You were the bestfriend right?" Natawa ako sa kanya, "Yup. Since elementary." Natigilan sya, "Wait. Saan ka nag elementary?" "Beda why?" "What? Bakit hindi kita nakikita duon? Duon kami nila Josh ever since." Nagulat ako sa inasta nya at agad na natawa. "Di ako tumagal dun eh. Bumalik akong U.S. at ngayon bumalik ako ulit dito because of Keisha. Syempre magtatampo yun at ipinasok kasi nya ko sa Hospital ng tito nya kaya ayun magkasama kami ngayon sa condo nila."napatango nalang sya. "Ilang years kapa ba bago mo matapos ang Doctorals?" "Two years nalang. Nag duduty na rin ako, malapit ata sa Hospital niyo." Napatango ako at nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano.

"You two! Ang daya nyo ha." Tipsy Keish is here now na pagewang gewang. Hawak sya ni Drei na medyo nakainom pero may ulirat pa. "Nako we need to go home now, look at that Girl." Natatawang saad ko kay Keisha.

"Go home? Omg! No! Ako? I'm not lasing ha. I'm okay kaya!" tumawa ako na naramdaman ang pagkalabit sakin ni Gab, "Silly best friend. Pinagtatawanan mo pa. Saan ba kayo? Ihahatid na namin kayo."tanong nya sakin at tumango nalang ako.

Nagpaalam kami kila Josh at Diane, pauwi na rin daw sila maya maya. Nakasakay na kaming apat sa kotse ni Gab. Nasa likod ang dalawang may tama habang kami ni Gab ay tawa ng tawa sa kanila.

"Hoy Andrei Corpuz! Wag mokong sukahan ha!" Lasing na talaga tong loka lokang to. "Hoy Keisha Ventura hindi kita susukahan noh!" Natawa nalang ako sa kanila tsaka kinausap si Gab na nasa driver's seat.

"Sa may Taft lang kami. Dun sa may building."tumango sya at nag drive. Maya maya lang nandidito na kami, Hinatid kami ni Gab at Andrei sa taas ng condo dahil sa 6th floor pa kami. Nag paalam ako at nag thank you sa kanila. Inalalayan ko si Keisha papasok ng kwarto nya, buti hindi ito sumusuka kahit ganitong ang lakas ng tama nya. Nahiga na sya don at ako ay pumunta na ng kwarto ko, nagpalit ng damit at nagcheck ng phone.

Nag notify sa twitter kong may nag follow sa akin,

@_gabmntvd followed you.

Nag followback nako at wala pang minuto ay nag dm sya sa kin,

Thanks for tonight Adi, Good night. Sleep well, hang out again soon. :)

Goodnight Gab, thank you din. Yup, lets hang out soon! :)

Naramdam nako ng antok at nakatulog na. Monday bukas, may pasok na at back to reality na kami.

-end of Chapter 1.

----

Hope you guys enjoyed it, lovelots.❤

Stupid DestinyWhere stories live. Discover now