Chapter4

98 3 2
                                    

Mabilis lumipas ang panahon. Marami ang nangyari, nakasal na din si Monique at Canor. Alam kong dinamdam iyon ng binata, dahil minsan ay nakita ko itong umiiyak sa likod ng bahay ng mga ito matapos malaman na ikakasal si Monique kay Canor at buntis si Monique.

Tapos na ang aming graduation at nasa ikalawang taon na din kami ni Arturo sa college. Tinupad ko naman ang promise ko sa nanay ni Arturo na aalagaan ko ang binata. Pero binigyan ko din ng distansiya ang sarili ko kay Arturo. Maraming nagkakagusto sa binata. Lalo na sa Artemis University na halos mayayaman ang mga kaeskwela nito. At kumukuha din si Arturo ng kursong Business Administration. Sinuwerte kasi ang binata na matanggap bilang iskolar sa unibesidad, bukod sa kung ikukumpara sa amingang pamilya ay may kaya nga ang pamilya nila Arturo bukod pa sa lumalago ang mga negosyo ng mga ito na nageexport ng mga prutas at gulay na tanim sa ng mga ito sa kanilang probinsiya.

Ang aming pamilya naman ay sinuwerte rin na lumaki ang lupang sinasaka ng mga magulang ko. Iskolar din ako sa pampublikong unibersidad sa Maynila. Sikat din ang kanilang unibersidad. Ang South East Asia University. Pinili kong dito mag-aral para na rin dito para makalayo kay Arturo kahit na magkalapit lang ang aming tunutuluyang Apartment. At least nagwagwardiyahan ko ng mabuti ang aking puso mula sa manhid na binata. Mayroon din naman akong ilang manliligaw. Pero ang pinaka gusto ko dito ay si Lander. Bukod sa mabait at matalino, gwapo at mayaman din ito. Classmate ko ito sa ilang subject sa course ko na Architecture. 

Naglalakad ako palabas ng school ground namin ng tumigil ang isang Honda Civic sa aking tabi.

"Hi Vannie! Uuwi ka na ba?"tanong ni Lander pag-kababa ng bintana ng driver seat nito at nakangiti sa akin.

"Uy! Lander, ikaw pala. Oo pauwi nako." Sagot ko naman sa binata at saka ngumiti dito.

"Tara, ihahatid na kita." Sabi ni Lander saka bumaba sa sasakyan.

"Sigurado ka? Baka naman nakakaabala ako sayo?"sagot ko sa binata. Sa lahat naman ng man-liligaw ko ay ito lang ang binibigyan ko ng chance. Kahit hindi ko pa siya ganoon kagusto, dahil mahal ko pa rin talaga si Arturo. Binibigyan ko lang ang sarili ko ng chance na sumaya at makakita ng iba. 

"OK lang, ano kaba? Tara na." Sabay akay nito sa akin papuntang passenger seat.

"Salamat Lander ha." sabi ko na lamang dito saka kiming ngumiti dito.

"Sa apartment ka na ba didiretso? Gusto mo bang kumain muna tayo." tanong naman nito bago inistart ang sasakyan.

"Wala akong budget pang-kain at pang-gala, apartment na lang." Wala sa isip na sagot ko kay Lander at ng marealize ko ang sagot ko sa binata ay di ko naiwasan tumingin at mamula.

"Ikaw talaga, ako bahala sayo. Kain muna tayo." he said then he chuckled.

"Haha. Wag na no, Ihatid mo na lang ako please. Busog pa naman ako." Sagot ko na lang sa binata.

"Oh Vannie. Please just let me treat you, OK? I think Mc Do will do? Drive thru to avoid the hassle. Sa apartment mo na lang natin kainin para makasama pa kita." Sabi nito at lumingon sa dalaga para lang kumindat.

"Salamat Lander ha." nahihiyang sabi na lamang ni Vanessa sa binata.

Matapos bumili ng snack sa Mc Do, dumiretso na din sila sa kanyang apartment. Katapat lang ng kanyang pinto ay ang pinto ng apartment ni Arturo. At mukhang hindi pa ito nakakauwi. Pinapasok na lamang niya si Lander sa loob.

"Upo ka muna Lander."sabi ko dito, saka binuksan ang ilaw at ang ceiling fan. Simple lang ang apartment ko at nasa maayos naman na lugar. May isang kwarto, may kaliitan din ang space ng kusina, CR at living room, sapat lamang para dalawa oh tatlong tao. Konti lang din ang gamit ko sa apartment. Isang single stove, rice cooker. Sa mga kabinet sa kusina ko na lang nilagay ang mga gamit pang kusina. Mayroon din siyang lamesa sa kusina na may apat na upuan. Sa living room naman ay Isang sofa lang naman at maliit na lamesa. Maarte siya pag-dating sa loob ng bahay gusto niya, malinis na malinis ito. Pinilit siya ng mga magulang na mag-apartment kahit gusto sana niya ay boarding house lang. Nahanapan na daw kasi sila ng nanay ni Arturo ng apartment na malapit sa kani-kanilang university at mura ang presyo. Tutal naman daw ay wala silang binabayaran matrikula, kaya kayang-kaya daw ng magulang niya na bigyan siya ng kaunting luho.

Si Arturo (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now