Chapter3

105 2 0
                                    

Habang lumilipas ang araw at palapit na ang Christmas Break, nasasanay na rin ako na lumayo kay Arturo. Ang binata na lamang ang parating lumalapit sa akin. Nasasaktan man ako ay wala siyang magawa. Para sa akin, mas mabuti na siguro ang ganon, dahil alam niyang kahit kailanman hindi kayang tugunan ni Arturo ang aking nararamdaman. Saka paano ako makakalimot kung parati akong makikiapag-lapit sa kanya.

Wala kaming pasok ngayon dahil Holiday, Araw ng mga Patay. Nakapirmi lang ako sa bahay dahil wala naman kaming dadalawin sa sementeryo sa aming maliit na bayan, ang aking abuelo't abuela sa mga magulang ay kapwa buhay pa, at naninirahan sa kapatid ng mga magulang.

Hindi ko inaasahang bibisitahin ako ni Arturo bandang alas dies ng umaga. 

"Hoy Vanessa!" tawag sa akin ni Arturo mula sa labas ng kanilang bahay.

Kabastusan man kung hindi niya papansinin ang binata lalo na kitang kita siya nito mula sa labas.

"Oh Arturo? Anong kailangan mo?" tanong niya habang palapit sa binata.

"Ang sungit mo yata? Punta tayo sa bahay may handa kami eh" Balik naman ni Arturo sa akin.

"Ganon ba? Wala kasing tao dito sa bahay, saka sabi ko kanila Tatay dito lang ako." medyo paiwas na sagot ko naman kay Arturo.

"Eh di magpaalam tayo sa kanila. Nandoon lang naman sila sa bukid saka pinadalhan naman sila ni Mama ng pagkain, sabi kasi ni Mama papuntahin daw kita." Nakasimangot na balik ng binata sa akin. 

"Sumama ka na."Sabi ulit ni Arturo. 

"Sige, magbibihis lang ako, pasok ka muna."Sagot naman ko naman sa binata.

Sandali na lang akong nagbihis, nakaligo naman kasi ako bago pa dumating si Arturo.

She promised herself na iiwasan na niya ang binata, pero hindi pa din mawawala sa kanya na umasa sa mga saglit na pagkakataong makakasama niya si Arturo, She've known him all her life, at dahil lang sa batang pag-ibig nasisira unti-unti ang kanilang pinagsamahan.

Nakalabas na sila sa kanilang bahay at tinungo ang daan papunta sa sakahan, naisip ni Vanessa magkakababata sila pero nagkakahiwalay sila ng landas dahil lang sa selos, kung siya ang tatanungin, parang hindi naman sapat na dahilan yun para kalimutan ang friendship nila, But to her friends parang wala silang pakilalam. Siguro si Arturo lang, kasi naiintindihan niya sila Monique at Canor. Sa mga kabatch nila maraming dalaga ang medyo lumalayo sa mga kaibigan sa kadahilanang meron silang kasintahan. Ginagawa nila yon para mabigyan ng panahon ang kanilang mga kasintahan.

Hindi napansin ni Vanessa na nandon na pala sila sa sakahan. Kinawayan ni Arturo ang magulang ni Vanessa.

Nang makalapit silay nagmano ito sa kanyang ama't ina.

"Tay Pedring, Aling Martha, isasama ko lang po si Vanessa sa bahay. May konting salo-salo po kasi. Ok lang po ba?"

"Oo naman, sinabi na iyan sa akin ng Nanay Paula mo. Mabuti pa pumunta na kayo" wika naman ng tatay ni Vanessa.

Ngumiti naman ang kanyang ina at sinabing "Mabuti pa nga, alam mo naman Vanessa na ayaw kitang pumupunta dito sa bukid at baka mainitan ka. Hala, sige pumunta na kayo para hindi kayo gabihin. Pwede bang ihatid mo siya pauwi sa bahay Arturo pagkatapos?"

"Opo naman Aling Martha." sagot ni Arturo.

"Mauna na po Kami Tay, Nay." Sabi ko naman.

At umalis na nga kami ni Arturo papunta sa kanila.

SA BAHAY naman nila Arturo, marami ng tao pagdating namin. Mga pinsan at kaibigan ng kanyang mga magulang. Simple lang din ang buhay nila Arturo pero kung ikukumpara sa amin ay masasabing mas maalwan ang kanilang kabuhayan.

"Oh andito na pala kayo!" bati ni aling Astrud, nanay ni Arturo.

"Bless po, Nay." magaan ang loob ko sa nanay ni Arturo at ito na rin mismo ang nagsabing nanay ang itawag ko sa kaniya.

"Kumain ka na ba ineng?" Sagot naman ni Aling Paula. Pero bago pa ako makasagot at hinila na niya ako palayo kay Arturo. "Anak doon ka muna sa mga pinsan mo ako na mag-aasikaso kay VAnessa."

"Pero nay, bisita ko siya. Kaya naman nun yung mga sarili nila eh!"

"Tse! Sumunod ka na nga lang sa utos noh! Ikaw nawiwili ka ng sinusuway ako ha!" At iginiya na ako ni Nanay Paula sa kanilang hapag kung nasan ang mga handa nila.

"Vanessa, anak, may itatanong sana ako sayo." panimula niya pagkaabot niya ng plato sa akin.

"Ano po iyon?" sabi ko naman.

 "May gusto ka ba sa anak ko? Yung totoo lang anak, wag ka mag-alala hindi naman kita kagagalitan." wika niya sa akin.

"Nay, bata pa po ako. Hindi ko po iniisip ang mga ganyang bagay pa." sagot ko na lang. Nakakahiya kayang amini sa nanay ng taong gusto mo no.

"Anak, normal naman na mag-kagusto ka, lalo't mga dalagita at binatilyo na kayo," sabay hawak ni Aling Paula sa plato sa kamay ko at ibinaba niya iyon sa lamesa. Hinawakan niya ng mariin ang mga kamay sapat para maramdaman ang init nito at ang simpleng katotohan na totoo ang sinasabi niya sa akin.

"Ang gusto ko lang naman sabihin ay alagaan mo sana ang anak ko sa Manila. Sa totoo lang anak, ikaw ang gusto ko para sa kanya. Buti nga at nag-katuluyan na si Canor at Monique. Alam mo bang itinakda silang ipakasal pagkatapos ng graduation niyo kasi nahuli sila ng tatay ni Monique na may ginagawang milagro. Wag mo sana itong ipag-sasabi kahit kanino dahil kami lang ng mga magulang nila Monique at Canor ang nakakaalam nito." dire-diretsong sabi ni Aling Paula sa akin.

"Anak, pagdating ng takdang panahon kung mahal mo si Arturo sa tamang edad ninyo, gusto kong mangako kang pakakasalan mo siya. Ang pagkagusto niya kay Monique at simpleng pagsintang parurot lamang. Maniwala ka sa akin Vanessa." hindi ko maintindihan ang gustong sabihin ng nanay ni Arturo pero wala akong nagawa kundi mangako.

"Opo nay, ipinapangako ko po." yun na lamang ang simpleng sagot ko kay Aling Paula. Sabay iwas ng tingin sa kanya at dumapo ang aking paningin kay Arturo na papalapit sa amin na nakangiti. Doon ko napagtanto na hindi simpleng pangako ang aking binitiwan kundi ang pangarap ko na habang buhay sa piling ng lalaking para sa akin ay ka-isaisang tinatangi ng puso ko, ngayon at habang buhay.

"Nay akala ko ba pakakainin mo si Vanessa, tanong ka lang ata ng tanong diya eh" hinila ako ni Arturo papunta sa isang upuan. Nilingon ko na lang si Aling Paula, nakangiti lamang ito habang nakatinggin sa kanila at ng mapansin nito na lumingon ako, tumango lamang ito.

Habang hawak ni Arturo ang kanan kong kamay at hinihila ako paupo. Gusto kong umiyak, alam ko kasi na wala namang pag-asa na magustuhan ako ni Arturo. Pero hindi ko naman kayang balewalain ang pangako na aalagaan ko si Arturo. Sana dumating yung araw na bigla na lang mawala ang damdamin ko para kay Aryuro. Sana dumating yung time na may mahanap ako na taong pwedeng alayan ng pag-ibig na makakaasa akong susuklian yon at pagyayamanin.

Si Arturo (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now