Dinuro naman ako ni bruha. "And you!" Bigla ay hinatak nito ang braso ko. "You come with me!"


Sinasabi ko na nga ba. Ang isang 'to rin ang leader ng 'hawak braso' gang! Sinasabi ko na nga ba Katarina! Ikaw ang tunay na hokage! Biglang bumaba ang hawak niya at kamay ko na ang hawak- hawak niya habang patuloy pa rin ang paghatak saakin sa kung saan.

Gusto lang talaga nito mahawakan ang kamay ko! Eh paano ba naman pati kamay ko ay ang lambot lambot! Akala mo hindi nakahawak ng pinggan o nakapagkuskos ng damit.

Syempre, biro lang! Bwahahahaha!

Ang kamay talaga ni Katarina 'yung malambot. Hindi ko pinipisil ha, nararamdaman ko lang. Siya naman kasi! Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya saakin.

Huminto kami sa may parang likod ata ng campus. Walang tao, pero maraming puno sa paligid. Ang ganda! Hindi ko pa napupuntahan 'to! Mas masarap ata tumambay dito. Walang bigla- biglang patak ng tubig na gigising saakin!

Binitawan niya rin bigla ang kamay ko, muntik pa ako ma- off balance! "Ew! Get off me!" Get off you? Wow bruha! Baka ako dapat nagsasabi niyan. Get off me! Ikaw 'tong makahawak sa kamay ko akala mo naka- depende saakin buhay mo eh! "Don't smirk. You look like a creep from somewhere!"

Ang ingay!!! "Oo na! Oo na! Hindi na ako ngingiti. Wala na akong gagawin na hindi mo gusto pero pwede ba magsalita ka ng hindi sumisigaw."

"You don't have the right to command me to do such things!" Napatakip ako sa dalawang tenga ko. Aray! Ang ingay talaga! Ang lakas ng boses ng babaeng 'to! "And what did I tell you?! I told you na tigilan mo na si Vero! Stop talking to her or just being with her!"

Hindi ko siya tinignan habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay ko sa tenga ko. Naririnig ko pa rin siya! Woah! Grabe lang sa lakas ang boses ni bruha!

"Are you not listening to me you loser?!" Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at pilit tinatanggal sa pagkakatakip sa dalawang tenga ko. "Listen to me! Ugh! You listen to me! Be grateful that I still even talk to you! You're worth nothing, you loser!"

Pinipilit pa rin niyang tanggalin ang dalawang kamay ko sa pagkakatakip sa tenga ko pero madiin ang pagkakatakip ko kaya nahihirapan siya. Kitang- kita ko sa mukha niya na naiinis na siya, medyo namumula na ito sa inis at galit na rin siguro. Bwahahaha! It's payback time, bruha!

"You shit! Kahit kelan talaga ay wala kang kwentang kausap, Ruiz!"


Dahil sa pagpupumilit niya ay na- off balance ako at parehas kaming natumba sa damuhan. Pumaibabaw siya saakin, kumalas na rin ako sa pagkakatakip ng dalawang kamay ko sa tenga ko. Nanatili lang 'tong nakatingin saakin at ganun din naman ako.

Paano ko ba naman titigilan ang pagtingin sa babaeng 'to kung ganoon kaganda ang mga mata niya? Nakaka- hipnotismo ang mga mata nito kumbaga ito ang drugs at ako ay isang adik. Nagbabago ang kulay nito, ang galing, ang ganda sobra.

Bigla'y bumibigat ang pagkapatong niya saakin at nararamdaman kong lumalapit ang mukha niya saakin. Walang nagsasalita saamin. Nanatili lang na naglalaban ang tingin namin sa bawat isa. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Alam kong nakabuka ang mga labi ko ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin. Katulad dati, ang bigat niya pa rin kasi!

Napansin kong nakauwang din ang labi niya. Ang labi niya na pinaka- iingatan niya raw ngunit ninakawan ko lang ng halik! Aba! Dapat nga ako ang magalit dahil first kiss ko 'yon no! Para na rin nawala ang virginity ko sa lagay na 'yon!

Lumapit pa ng lumapit ang tingin niya at bago pa magdikit ang ilong namin dalawa ay nanlaki ang mata ko nang may maalala. May dalawa pala akong tigyawat ngayon! Isa sa noo at isa sa gitna mismo ng ilong! Napatakip agad ako sa ilong ko at noo gamit ang dalawang kamay.

Nagulat ako dahil hindi siya natinag doon. Mabilis niyang tinanggal ang dalawa kong kamay sa pagkakaharang sa mukha ko.

Inilapit niya ang mukha niya saakin at doon, doon nangyari ang hinding- hindi ko kailanman inaasahan.





Biglang umulan. Mahina- hina pa lang naman pero pucha! Wala akong dalang payong ngayon dahil maaraw naman kanina! Bigla ay gumilid ang mukha ni Katarina at nagulat ako nang kagatin niya ako sa balikat.

Aray! Napa- angat ata ang katawan ko sa sakit non! Aray!

Tumayo rin siya ng mabilis nang hindi man lang ako tinutulungan. Umupo muna ako saglit bago tumayo. Pinagpag ko pa ang likod ko dahil damuhan ang binagsakan ko at ang bigat pa ni bruha na umibabaw saakin.

Nasa harapan ko pa si bruha at nakatingin saakin. "Ang... ang p-pangit mo! Ang pangit mo! Titigyawatin ka na lang sa gitnang- gitna ng ilong pa!" Matapos nito sabihin iyon ay mabilis din itong naglakad paalis, tumakbo dahil lumalakas na ang ulan.

Oo! Alam kong nakakapangit lalo ang tigyawat pero hindi nga kasi ako panget! In- between nga ako! In- between! Napahawak muli ako sa balikat ko. Mapanakit masyado! Sigurado akong mag- mamarka ang kagat ng babaeng 'yon! Ano bang problema niya! Pakshet na malagket! Nagsimula na rin akong tumakbo para maghanap ng sisilungan. 

K A T A R I N A (•GXG•)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora