Sinimulan nitong hugasan ang mga gulay at baboy na binili sa palengke. "Para saan naman 'yang tanong mo?"

"Para sa assignment lang. Gagawa raw kami essay." 'Yon lusot ka, Andrea!

"Basta kung ano ang ikagaganda at ikatatahimik ng bansa." Tsk. Napaka- play safe naman ng sagot na 'yon! "Magde- deklara rin ako ng martial law sa bahay na 'to kung kailangan 'yon para gumanda at tumahimik ang buhay mo." Doon ay tumingin ito saakin na nakapamewang pa. "Akala mo hindi ko alam? Ikaw bata ka, patuloy ang pakikipag- away mo ha!"

Dinuro nito ang noo ko. Aray naman! "Hindi ho ako nakikipag- away. Sadyang insecure ang mga estudyante roon saakin. Masyado kasing maganda ang anak ninyo."

"Maganda... maganda! Kung maganda ka eh maraming nanliligaw sa'yo, eh asan? Wala nga ni- isang lalaking naghatid sa'yo rito." Hayop sa realtalk ha! "At tsaka tignan mo 'yang mukha mo, tinitigyawat ka na! Sa tingin mo may magkakagusto talaga sa'yo sa ganyang itsura mo ha?"

Napahawak agad ako sa mukha ko. Nako! Kung ang ibang mga babae ay takot sa flying ipis. Pwes ibahin ninyo ako! Ang tanging kinkatakutan ko ay ang pagsulpot ng mga pimples! Mga pesteng tigyawat! Traydor!

Tumayo na ako agad at kinuha ang bag ko. Lumabas na rin ako ng bahay at ng gate para pumara na ng jeep papasok. Sobrang init nanaman ng araw na 'to. Buti na lang eh maluwag- luwag ang jeep kamo.

Mabilis naman ang naging byahe, hindi gaanong traffic dahil maaga- aga pa naman ako ng kaunti. Pagkababa na pagkababa ko ng jeep ay nakita ko si babaeng maton na papasok. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa ibang direksyon. Isang- isa na lang talaga saakin 'tong babaeng 'to eh! Mabuti na 'yung ako na ang umiwas. Hehehe!


Pero kita mo naman ang pagkakataon, may babaeng tumatawid na tila wala sa kalsada ang atensyon. Medyo nakatulala pa ito habang may dala- dalang libro. Nasa may bandang gate pa rin si babaeng maton.

Pakshet na malagket! Bahala na!

Tumakbo ako ng pabilis para pigilan 'tong isang babaeng 'to sa pagtawid dahil may sasakyan na paparating. Muntik kaming matumba, nahulog lang 'yung dala- dala niyang libro.

Binitawan ko na 'to. "Ate sa susunod eh tumingin ka sa kalsada pag tatawid ka ha? Delikado na eh baka masagasaan ka pa." Nakatulala lang ito saakin. "Ayos ka lang ba?" Hindi naman siguro naalog ang utak ng babaeng 'to diba? Hindi naman siya nasagasaan eh!

"The great great Andrea Michelle Ruiz!" Napalingon kami parehas sa kung sino 'yung nagsalita sa likod. Sabi ko na nga ba eh, si amazona. "Kita mo nga naman, isa ka pa lang good sam-... good san-..." Nalilito pa ang itsura nito. "Nevermind." Good Samaritan kasi. Ang tanga pala nitong babaeng maton na 'to. Parang good Samaritan lang eh hindi pa alam.

Nilingon ko na lang muli 'yung babae. "Sige, mag- iingat ka na lang sa susunod."

"Ohhh who's this with you?" Lumapit si babaeng maton sa katabi kong babae. Para namang nandidiri 'tong katabi kong babae. "Looks attractive and well, cute. What's your name, miss?"

Pinapanuod ko lang sila dahil natatawa ako sa reaksyon nung babaeng pilit na kinakausap ni babaeng maton. Halata namang walang interes sakanya.

Umiling lang 'yung babae at tumingin saakin. "C'mon girl, you won't regret your time with me. I'm famous here in Bridgett. Do you study in Bridgett? Why is it I haven't seen you before?"

English ng english. Nasan ba tayo? Nasa Pilipinas diba? Kaltukan kita diyan eh!

Yumuko 'yung babae at bahagyang lumayo. "I'm sorry but I'm not interested." Tinakpan ko ang bibig ko dahil natawa ako ng bahagya sa mahinang sagot nito.

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now