Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Hindi ba't kaibigan niya ang may pakana ng kung anu- anong nangyayari saakin na sinasabi niya. "Okay lang naman, magsasawa din 'yung mga 'yun."
"Okay? Okay pa rin Andrea, seriously?! Paano kung mag- agaw buhay ka na? Okay pa rin sa'yo ha?" Sunod- sunod na saad nito.
"Ayun naman ang hindi ko hahayaang mangyari." Sagot ko na lang.
Umiling- iling ito. "You're unbelievable. Really."
Tinitigan ko ito. "Kayo ang hindi ko maintindihan. Ikaw. Diba't kaibigan mo naman ang may pakana ng lahat ng nangyayari saakin?" Hindi ko naman planong ibuntong sakanya pero kasi paulit- ulit. Nakakarindi minsan kahit wala naman talaga akong pake. Natigilan siya sa sinabi ko. "Pasensya ka na. Okay lang naman kasi talaga at wala rin naman akong pake."
"Uhhhh... hmmm... g-girls? Calm down okay?" Sabat nung nurse. Nakalimutan kong may kasama pa pala kaming dalawa. "Lalabas muna ako para makapag- usap kayo privately at hopefully ng maayos."
Tumango- tango ako habang si Veronica ay nanatiling nakatitig saakin. Lumabas na lang uli 'yung nurse. Buti ay hindi siya nawe- weirdohan. Kung sinu- sinong may saltik na babae ang kumakausap saakin!
"Sige na, alam kong busy ka." Nakatitig pa rin ito saakin na parang nagtatanong. "Uhhh ano pa ba... salamat sa pagdalaw?"
Bumuntong- hininga ito. "Rest well. Magpagaling ka Andrea." Sabi nito. "And please... j-just take care of yourself. I know you're right. You're right about the fact that Katarina is at fault here. But, it's not always like that." Lalabas na sana ito nang huminto siya at muli akong nilingon. "Can you do something for me?"
"Ano 'yon?"
"Fight. Next time, fight for yourself." Ngumiti pa ito.
At lumabas na ito ng clinic.
Bigla- bigla ring nangiti! Tsk tsk tsk!
Mabilis na lumipas ang ilang araw at hindi naman ako umabsent kahit ba sumakit ang katawan ko sa pantitrip ng babaeng maton na 'yon. Kung siya kaya ang bigyan ko ng isa, tignan natin kung makalabas pa ng ospital ang isang 'yon! Tsk! Hindi napansin ng nanay ko ang itsura ko dahil hindi ako sumasabay sakanya kapag kakain, lagi kong dinadahilan na masyadong maraming gawain sa school. Kapag nakakasalubong ko naman siya eh kunwari humihikab ako o kaya ay inuubo para natatakpan ko ng kamay ko ang itsura ko.
Pumapasok pa rin naman ako. Binato lang ako ng bola sa mukha, ang dami- dami ng ginagawang pantitrip saakin ng mga estudyante sa eskwelahan na 'yon eh, sa pagbato pa ba ni babaeng maton ng bola ang magiging dahilan ng pag- absent ko? Hindi na huy! Baka tumaas pa lalo ang pride ng amazonang 'yon!
Ang ipinagtataka ko lang eh 'yung sinabi nung nurse bago ako umuwi matapos ang magdamag na pahinga sa clinic. Pangatlo raw si Veronica na bumisita saakin. 'Yung isa eh si bruha, sino pa 'yung isa? Hindi naman dinescribe saakin nung nurse dahil hindi na raw niya maalala ang itsura. Joke ba 'yon?!
"Aba Andeng anong oras na ha? Ang tagal mo namang magmuni- muni dyan! Hala sige tapusin mo na 'yang pagkain mo at pumasok ka na!"
Tumango- tango ako at binuksan ni nanay yang t.v namin sa sala. Biglang bungad agad eh ang balita tungkol sa insidente at sitwasyon sa Marawi. Pati na rin ang pag- deklara ng presidente ng Martial Law sa Mindanao.
Kita mo nga naman. Martial Law pa rin. Naalala ko tuloy 'yung nabasa ko dati. Those who don't know history are bound to repeat it. Nilipat ko 'yung channel, pero walang magandang palabas, puro cartoons o kaya eh balita nanaman ulit.
"Ano ba Andeng, wala ka bang balak pumasok bata ka?!"
Ibinaling ko ang atensyon sa nanay ko. "Nay, payag ka ba sa martial law o hindi?"
YOU ARE READING
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...
