Huli ka, bruha! Bwahahahahaha!
"Are you really blackmailing me right now, Ruiz?" Nakataas ang isang kilay nito at naka- cross arms pa. Napaka- authoritative talaga ng bruha!
Pero hindi ako magpapatalo. Tignan natin kung hanggang saan ka ngayon bruha. "Maliwanag at malinaw naman ang pagkakasabi ko. Sa tingin ko ay narinig mo naman ng mabuti. Hindi ko na kailangang ulitin pa."
"Don't you dare-," Dinuro niya muli ako at tinaasan ko lang siya ng noo kaya't napahinto siya sa pagsasalita. Pero ang totoo eh gusto ko lang talagang matawa na sa itsura niya. Pikon na pikon kasi ang itsura niya ngayon. "You don't have the right! Who the hell are you for me to obey you just like that?"
"Sino ka rin ba ha?" Pabalang kong sagot.
Kaunti na lang. Kaunti na lang, Andrea. Mapapatiklop mo na si bruha! Na sa'yo ang brilyante ngayon! Bwahahahaha!
Pumikit muli ito saglit at bumuntong- hininga. Ang sunod na ginawa nito ay ang siyang kinagulat ko. Ngumiti ito. Kahit sobrang peke non dahil halata naman ay ngumiti ito, parang ewan! Bigla- biglang nangiti! "Alright."
What? Ganun na lang?!
"Totoo ka ba? Katarina? Hindi nga?! Ganun kadali?!?!?!" Medyo excited ata ang naging tono ng boses ko.
Ngumiti muli ito. Tumigil ka, bruha! Mukha kang tanga nangiti- ngiti dyan! "Oo naman. Bakit ayaw mo ba?" Nalilito ako kung totoo na ba talaga ang sinasabi ng bruhang 'to. Hindi mo mawari eh! Bigla'y inilapit nito ang mukha saakin na siyang kina- atras ko. Huy! Bigla- bigla naman! Isang gang din ba 'to sa eskwelahang 'to? "You won't say anything to Vero and I will not do what you said." Ano?! Ano raw?! "Because if you say something to Vero..." Pahina ang boses nito. "I'll make sure you'll regret it even more." Magsasalita na sana ako nang takpan niya ng kamay niya ang bibig ko. "Stop talking to Vero. You're not on the same level."
Matapos non ay inilayo na nito ang mukha saakin at nangiti pa ulit. Pakshet na malagket! Naglakad na rin siya palabas ng clinic bago pa tuluyang bumalik ang nurse. Ano ba 'yan! Akala ko mapapatiklop mo na, Andrea! Napakasama talaga ng ugali ng babaeng 'yon!
Saan ba pinaglihi iyon?
Masama nga ang ugali pero ubod ng ganda naman no Andrea.
Aanhin mo naman ang ganda kung masama ang ugali diba? Dapat ako na lang ang pinagpala sa ganda hindi ang babaeng 'yon? At least kung saakin, busilak na ang puso at maganda pa! Aba, iba na 'yon! Hindi na normal na tao 'yun! Ako lang ang ganoon!
Pero maganda pa rin. Kahit anong sabihin mo, maganda si Katarina, Andrea.
Wala akong pake kung maganda siya lalo na 'yung mga mata niya na nagbabago ang kulay. Ang lupet lang! Tapos 'yung mga labi niya akala mo hugis puso at sobrang lambot.
Binabalikan ang nabitin na sandali, Andrea?
Huy kadiri 'yon ha! Straight ako, hindi lang halata! Straight na straight!
"Oh gising na pala siya!" Hindi ko man lang namalayan na pumasok na pala ang nurse at may kasama ito. Kaibigan ni bruha. Tama nga siya, si Veronica ito. "Miss Ruiz, Miss Veronica Sy wanted to see you."
Tumango- tango na lang ako at isinandal ang likod ko sa mga unan na nagkapatong sa kama. Lumapit naman si Veronica sa pwesto ko.
Tinignan pa nito ang buong itsura ko akala mo eh nabugbog ako mula ulo hanggang paa. Binato lang ako ng bola sa mukha. Kahit aminado naman akong ang sakit non!
"This really has to stop." Hindi ko siya pinansin at pinagpag na lang ang putting kumot ko. "Andrea look at me." Doon ako tumingin sakanya. Ano nanaman kaya ang problema ng isang 'to? Hindi nauubusan ng mga babaeng may saltik ang buhay ko. Haaay susmaryosep! "I mean it. This really has to stop... itong kung anu- anong nangyayari sa'yo."
ESTÁS LEYENDO
K A T A R I N A (•GXG•)
Novela JuvenilKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...
