Chapter 4

189 4 0
                                    





[Violet]


Sobrang daming usok, napaka-ingay ng paligid, nahihirapan na rin akong huminga. Anong nangyayari? Nasaan sila Mama at Papa?


"Somi! Somi! Gising!" at nagtagumpay nga siyang gisingin ako.


"Sir. Jang?" nauutal kong tanong.


Nahihirapan akong maaninag siya dahil sa usok at init, ubo na rin ako ng ubo pero parang wala pa rin ako sa wisyo na may nangyayari na sa bahay namin. Pero bakit nandito si Mr. Jang?


"Kaylangan na nating makalabas dito Somi, nasusunog-"


"Sir, nasaan si Mom at Dad? Si ming? Si Tita Lai-"


"Wala na sila Somi! Tara na!"



"Hindi! Hindi!" hiyaw ko at bigla na lang napabalikwas sa kama.


Napanaginipan ko nanaman pala. Dalawang magkasunod na araw ko ng napapanaginipan ang 'yon. Paulit-ulit na lang. Nakakapagod syempre, pero wala na eh nangyari na.


Sobrang aga pa pala, madilim pa sa labas pero hindi ko na naman magawang makatulog uli. Gising na kaya si Kuanlin? Malamang hindi pa. Sino ba namang gigising ng 4:30 ng umaga no!


"Hala! Inakyat niya nga." bulong ko ng makita ko ang mga gamit ko sa labas ng pinto ko.


Nakakahiya naman. Ang bibigat kaya nito. Kahit nga ako madapa-dapa na kakabuhat sa mga 'to. Buti sana kung isa o dalawang bag lang kaso apat to.


"Ang lungkot naman ng kwartong 'to."


Wala kasing kagamit-gamit. Bukod sa mga upuan, lamesa, tv, at mga gamit sa kusina wala ka ng ibang makikita dito. Mukha pa ngang never pang nagamit o naupuan 'tong mga 'to eh. Idagdag mo pa yung kulay ng dingding, patay na patay! Wala pang matinong pagkain sa ref at cupboard niya.


Dapat pala pasalamatan ko pa siya dahil maaga siyang pumunta dito. Hindi ko man alam ang dahilan niya para mapadpad dito o iwan si Tita Lai, atleast hindi niya na naabutan ang mga nasaksihan ko. Hindi ko alam kung darating pa ko sa puntong kaylangan kong magpaliwanag sa kanya na magkakilala talaga kami pero sana hindi na.


I only have him. Hindi man ganun ang mindset niya pero naniniwala akong meron na lang kami ng isa't-isa ngayon. We're mate for a reason, hindi ko pinili 'yon pero 'yon ang binigay nila samin. So, I have to treasure it.


Tama rin naman si Black unnie sa sinabi niya sa'kin kahapon. Masakit talaga dahil lahat naman ng Aui dito ganun ang pinagdaanan pero dinala kami dito para magsimula ng bago. Wala naman kasing mangyayari kung magpapalamon kami sa lungkot at sakit na nangyari sa labas. Tama rin si Mr. Jang na siguro nga dito talaga ang buhay ko, nakakainis lang talaga na pwede niya naman akong hayaan na lang na mamatay kesa araw-araw ko na lang pagdudusahan ang mga nangyari. Pero nagpapasalamat din ako kahit papano na binigyan niya ko ng pagkakataong mapunta dito.


I was contemplating kung papasok ba ako o hindi. Mukhang tulog pa naman siya kaya di bale na. Napakadilim sa kwarto niya, ang linis din pero ang lungkot. Napakakomportable ng tulog niya na nakapagpangiti naman sa'kin sa hindi ko malamang dahilan.


He looks like an innocent boy na nakilala ko noon. Muntikan ko na nga siyang hindi makilala noong nakita ko siya sa opisina ni Ms. Kwon. So, sa ilang taon mong pagkawala nandito ka lang pala.


"Hi ugok! Alam mo medyo nakakainis na hindi mo na ko nakikila when in fact ikaw pa nga ang patay na patay sa'kin noon. Ang laki na ng pinagbago mo." I said smiling from ear to ear while  caressing his hair.


"Pero h'wag kang mag-alala ugok, ako naman ang maghahabol sayo ngayon. I won't leave your side pwera na lang kung bibigyan mo ko ng valid na dahilan para iwasan ka. Sana aware ka ring parehas na tayong ulila. Ang unfair lang kasi na ikaw pwede mong makalimutan ang lahat while I can't. Joke! Pero totoo, hindi kita iiwan kahit na isa ka sa nagbibigay sa'kin ng dahilan para masaktan ng paulit-ulit." kagat-labi kong litanya.


As much as possible, pinipigilan ko ang luha ko but I failed. Buti na lang talaga mahimbing ang tulog niya. Agad na kong tumayo at inayos ang kumot niya. Sana dumating yung panahon na kaya ko na ring matulog ng ganyan kahimbing.


"Balita ko gustong-gusto mo na daw maka-advance sa professional level ah? H'wag kang mag-alala, ako din. Kasi may naghihintay na agad na kaso satin, ang kaso ng pagkamatay ng mga magulang natin." huling sabi ko bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.


Ano na? Inuna ko pa kasi ang drama kesa mag-asikaso eh. Di bale na, magluluto na lang muna ako bago mag-asikaso ng gamit. Gising na kaya si Daehwi?












[Kuanlin]


"Kuanlin naman pagpahingahin mo muna si Violet! Wala ka talagang puso eh." reklamo ni Gold na inignore ko lang.


Bakit ba ako ang nagmumukhang masama dito ngayon? Si Violet naman ang may gusto niyan ah. She asked me a favor kung pwede ko ba siyang i-train agad kaya sinunod ko lang ang gusto niya.


"Kaya nga! Ang sama mo talaga Kuanlin." dugtong ni Yellow na hinayaan ko na lang uli.


"Tama na girls. It was Violet's idea at sinusunod lang ni Kuanlin ang gusto niya. May puso pa rin naman 'yang si Kuanlin kahit papano, yun nga lang mukhang para kay Violet lang." pangangasar ni Haknyeon.


Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o ibaliktad siya sa mga pinagsasabi niya eh. Muntikan ko na nga siyang palakpakan sa una niyang sinabi kaso dinugtungan niya pa ng katarandaduhan. Wala rin.


"Kahit na no! Kakarating niya lang kahapon. Dapat man lang hinayaan na lang-"


"Manahimik nga kayo! Ano bang hindi niyo maintindihan sa yun ang gusto ni Violet?" iritadong pagputol ni Aqua kay Yellow.


"Okay ka pa ba?" tanong ko kay Violet na hingal na hingal na nagja-jogging sa harap ko.


Kahit din naman ako gusto ko na siyang patigilin pero ayaw niya. Sa tuwing magagawi siya sa harap ko tinatanong ko siya. Isa't kalahating oras na kasi siyang nagte-training at literal na sinusunod niya lang ang sinasabi ko kaya nangangamba rin ako.


"Okay pa. What's next?" tanong niya pero tinitigan ko lang siya simula ulo hanggang paa.


Then I saw another wound on her legs. Kitang-kita 'yon dahil sa puti niya at halatang hindi pa nagagamot ang sugat na 'yon. Bakit ngayon ko pang nakita 'yon?


"'Yan muna ngayong araw. Don't overwork yourself, baka mabigla ang katawan mo. Napano nga pala yang-"


"Eh ano namang gagawin ko ngayon?" pagputol niya sa'kin.


Mukhang iniiwasan niya talaga ang ganung tanong. I can feel it.


"It's lunch. Kumain muna tayo bago kita turaan ng basic history ng Produce Academy." sagot ko na lang at nauna ng maglakad.


Why am I so curious about everything that was connected to her? Hindi dapat ako ganun mag-isip pero hindi ko maiwasang gustuhing malaman ang lahat sa kanya. It was forbidden for Christ' sake!

Produce Academy: Violet || COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant