Chapter 3

224 8 0
                                    



[Kuanlin]


"Assa! A newbie." hiyaw ni Yellow pagkapasok na pagkapasok pa lang namin.


"Oh? Wait! Ikaw yung nakita ko sa labas diba?" turo ni Gold kay Violet.


Pero si Violet? Nanatili pa ring tahimik at lutang. Hindi ko alam kung anong problema niya pero sa hindi ko malamang dahilan, naiintindihan ko ang kinikilos niya. She's obviously in trauma. She's wrecked and still having a hard time to grasp everything.


"Violet, kinakamusta ka nila." bulong ni Daehwi na nakapagpabalik kay Violet sa wisyo.


"Pasensya na. H-Hello." nauutal niyang sagot.


She looks like a robot. Hindi man lang nagtutugma ang sinasabi niya sa pinapakita niyang mukha samin. Medyo nakakairita na pero kaylangan ko siyang intindihin. After all, she's my mate.


"Kung paupuin niyo muna kaya siya?" sabay-sabay naman kaming napalingon sa dalawang taong nakatayo sa pinto.


As expected from these two. Magugulat ka na lang talaga sa pagdating nila. They were like the smoothest and cleanest mate specially sa private service. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit sila ang top 1 mate sa professional level.


"Sabi na kayo talaga yung naramdaman ko eh." salubong ni Brown kay Black at Jonghyun.


Agad naman lumapit sa'kin si Jonghyun hyung at tinapik ang balikat ko. He's looking at me as if I did something mischievous.


"What?" i asked.


"Wala lang. Masama na bang tignan ka? Balita ko nameet mo na ang mate mo." sabi niya at agad namang napadpad ang tingin niya kay Violet.


Magugulat pa ba akong alam niya na? He's Jonghyun for a reason. Baka nga nauna niya pang malaman kaysa sa'kin. That's not impossible tho.


"Obvious naman siguro. Alam mo na eh." sagot ko na kinangisi niya lang.


"She's weird pero lahat may dahilan. Lahat naman ng mga bagong Aui na napupunta dito ganyan ang kalagayan diba? Intindihin mo na lang. This is not an order, this is a favor." litanya niya na nakapagpatahimik saming dalawa.


Hindi na siya nagsalita matapos nun at ganun din ako. Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko magawang matanong. Apparently, halata namang may alam siya at hindi malayong mangyari yon. The thing is wala akong karapatang magtanong kahit na marami akong gustong itanong, maswerte na nga ako dahil nasabihan niya ako ng ganito.










Natapos ang araw na puro kwentuhan at paligsahan lang sa arena ang naganap. Halos lahat sila pagod na pagod pati na rin si Violet na surprisingly napapayag nila sa mga pinaggagawa nila.


"Oh paano? Bukas na lang ulit?" paalam nila Black noona at Jonghyun hyung.


"Syempre naman! Goodnight na." paalam nila kaya umalis na rin kami ni Violet.


Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa mga kamay niya. Madilim na sa hallway na nilalakaran namin pero nagagawa ko pa ring makita ang mga ngiting hindi ko man lang nakita noong una kaming nagkita. Ang weird niya pero inaamin ko namang mas okay siyang tignan pag ganyan.


Produce Academy: Violet || COMPLETEDWhere stories live. Discover now