"No doubt. Maganda ka nga talaga."
Oh yes ! Thanks for the compliment. Maaappreciate ko sana kaso inagaw mo siya! Pang-aaway ko sa kay Cynthia sa isip ko.
"Hindi naman," aniko na sa huli ay pinili ang magpaka-humble kuno pero gusto ko na talagang sampalin ang babaeng ito ng katotohanan. Pero bago ko pa magawa iyon, napigilan na ako. Bigla kasing umakbay sa akin si Axel at ganoon nalang ang tibok ng puso ko dahil sa lapit namin sa isa't-isa.
"See? I told you ! She's humble," proud na kausap ni Axel kay Cynthia. Hinampas ko naman ito at pilit tinanggal ang kamay nito na nakaakbay sa akin. Natawa naman si Cynthia sa aming dalawa.
"Kayo ha! Kung hindi lang ako nakakasiguro kay Axel kasi nga nag-propose na siya sa akin. At kung hindi ko lang alam na mag-bestfriend kayo, for sure magseselos na ako!"
Natigilan naman ako sa sinabi ni Cynthia. Teka, ano bang mali sa ginawa ni Axel? Sa ginawa ko? Sa ginawa namin?
Hays! Naguguluhan na ako! I should go. I can't take it anymore.
"Well, Excuse me if you don't mind. May dadaanan pa kasi ako eh," paalam ko sa kanila.
Nagtuloy-tuloy na ako sa paglakad. Natuluyan na rin ang pagpatak ng luha ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nakita at nasaksihan ko kanina. Higit lalo ang nararamdaman kong ito. Sobrang bigat!
Naupo ako sa isang bench malapit sa mall. Hindi ko napigilan ang sarili kong yumukyok at humagulgol. Wala na sa isip ko iyong mga taong nakakakita sa akin. Wala akong pakialam, basta iiyak ako. Iiyak ako ng iiyak kasi pakiramdam ko ito nalang ang tanging paraan para gumaan ang bigat ng nararamdaman ko.
Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sinong tumatawag.
Basta sinagot ko nalang.
> Hello?
- Claire, pwede ka bang mag-overtime bukas?
> Ah, pwede naman po. Sino po ito?
- Si Ate Mila mo ito.
> Ay ikaw pala A-ate!
Aw! Pumiyok pa ako!
- Yup. Teka, may problema ka ba?
> HO?
- Umiiyak ka ba?
> Ay hindi ho. Sige, lowbat na po ako eh. Bye.
Pinindot ko na ang end botton. Naiyak na naman ako. Wah! Bakit? Bakit ganoon? Ganoon na ba talaga ka-obvious at kahit sa tawag lang ay napansin pang umiiyak ako?
Hay. Ending na ba 'to? Ang bilis naman! At ang sakit.
Again my cellphone beep.
At this point, text message naman.
Quotes yun. Unregistered number.
From: 09*********
"God never wrote a sad ending. He only writes happy ending. If at this point you're not happy, it only means that it's not yet the end.. "
Huh? Sino ang sender. Galing naman! Mas lalo pa ata akong naiyak! Wah! Husay talaga.
Tumunog ulit cellphone ko. Tawag from the unknown sender of that quotes.
> Sino ka?
- hindi ka man lang ba maghe-hello muna?
*PAKIALAM KO SAYO!
Ibababa ko na sana ang cellphone ko, pero bigla siyang nagsalita.
- Uy. Wag ka highblood. Wag mo naman ibaba.
Huh! Pano niya nalamang ibababa ko?
Anyway, lalaki pala ang kausap ko.
Pinunasan ko muna mata ko at tumingin-tingin sa paligid.
Ay shunga lang!? Imposible naman atang makita ko dito 'yong tumatawag.
Narinig kong tumatawa ang kausap ko.
> Bakit ka tumatawa?!
"Wala, bulag mo naman. Di mo ba ko makita?"
ANAK NG PATING! 'Yong boses narinig ko kahit malayo sa tenga ko ang cellphone ko. Naramdaman ko naman na may kumalabit sa braso ko. Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.
"Hoy. Wag ka ngang sumigaw!" anito at tinakpan ang bibig ko. Nagpatuloy naman ako sa pagsigaw at pilit na nagpupumiglas dito. Tumigil lang ako nang mapagtanto ko kung sino ang taong kasama ko.
"Bwisit! Ikaw pala! Tinakot mo 'ko!" singhal ko kay Nico nang pakawalan na nito ang bibig ko.
"Akala mo stalker 'no?" anito at kumindat pa.
"Hayop!"
"Taray ah! Ngayon lang ako nakakita ng babaing umiiyak pero mataray pa rin," pang-aasar nito sa akin.
"As if naman!" sabi ko at inirapan ito. "Kelan ka pa nauwi?" tanong ko kalaunan.
"Kanina lang. Napadaan ako dito. Akala ko kung sino 'yong umiiyak. Ikaw lang pala," sagot nito at naupo sa katabing espasyo ng upuan ko.
"Eh pano mo nalaman number ko?"
"Kay Jade."
"Ah."
"Bakit ka ba umiiyak? Parang katapusan na kung umatungal ka," may pag-aalalang tanong nito.
"Tss. Ganon ba?" sabi ko sa mahinang boses at bahaw na ngumiti.
"Yep."
"Hays. Sige uwi na ko. May aasikasuhin pa ko eh," pag-iiba ko ng usapan at huminga ng malalim bago tuluyang tumayo.
"Ah. Eh . Sige ingat. Gusto mo hatid na kita?" alok nito sa akin.
"Hindi wag na. I can handle myself."
Tuluyan na nga akong umalis at lihim na nagpapasalamat kasi kahit paano, may isang nag-abala na tanungin ako kung kamusta ako? O kung okay ba ako? Kasi 'yong tao na ini-expect kong magtatanong nang mga iyon sa akin? Mukhang magiging mailap na at isipin ko palang ay nasasaktan na ako.
ČTEŠ
WRONG SEND (For editing)
Teenfikce" KAPAG NAWRONGSEND AKO SAYO , MAAARiNG NAMiSS KITA O SA MAS MADALiNG SABi MAHAL NA PALA TALAGA KiTA :) " Kapag nawrong send ako sayo , ibig sabihin MAHAL KiTA :) that was exactly the text message that I received, reason for me to get inspired and w...
Chapter 5
Začít od začátku
