Chapter 5

936 24 7
                                        

"Thanks you're finally here!!" malapad ang ngiting sabi ni Axel sa akin. Ganoon nalang kalapad ang ngiti ko nang yakapin pa 'ko nito.

"Of course. Sabe mo, eh. Teka ano bang meron? Hindi ko magets!" may pagmamaang-maangang sabi ko. Siyempre hindi ako nagpahalatang nagkakaroon na ako ng ideya. Mas mainam pa rin kasi na si Axel mismo ang magsasabi para iba ang impact.

Pero ganoon nalang ang pagkadismaya ko nang marinig ko ang sinabi nito after naming magyakap.

"Claire, wait ah!"

Bigla ko tuloy naisip na baka nag-iilusyon lang ako. Paano ba naman kas, hindi nito inabot sa akin ang hawak nitong bugkos ng bulaklak.

Gaga! Kung para sa iyo 'yon, edi sana inabot niya 'di ba? Kausap ko sa sarili ko.

And I felt like meh. I really hate those words na sinabi ni Axel kanina. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig.

"Claire, wait lang ah!"

Sinundan ko ng tingin si Axel habang naglalakad.

Kitang kita ng dalawang mata ko na papalapit ito sa isang babae. Ang ganda ng babae, maputi, balingkinitan ang katawan. Bagay rito ang suot nitong dress. Para itong isang manikang nabigyan ng buhay. Bigla bigla pumasok ang insekyuridad sa pagkatao ko.

Inabot dito ni Axel ang hawak nitong bulaklak. May dinukot din si Axel sa suot nitong coat. Singsing ang inilabas nito. Lumuhod ito sa harap ng babae. Tinanggap iyon ng babae at nagyakapan pa sila.

Grabe! Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Alam mo yung pakiramdam na maraming tao ang nagpalakpakan dahil sa isang romantic na senaryong nasaksihan samantalang ako? Heto at di ko alam kung makakangiti ba ako sa isang live show na ito. Ang hirap. Ang sakit. Mas nakakatakot pala ito kesa sa iniiwasan kong mangyari.

Ang tanga ko kasi! Pero nakakainis si Axel. Ano pang kwenta na hihingi siya saken ng pabor kung mukha namang successful ang pinaplano nito.

Pinapasakitan lang niya ako! Para akong sinasaksak ng harapan. Ang masaklap doon, hindi naman dumadanak ang dugo pero napakasakit talaga!

Gusto ko ng lumakad palayo. Pero di ko maihakbang man lang yung mga paa ko. Para akong tutumba. Pero kailangan ko ng umalis bago pa man tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Nanlalabo na nga ang paningin ko. Hindi din naman ma-appreciate ng mata ko ang nakikita nito.

Until I heard Axel calling my name.

"Claire!"

Nilingon ko ito at pasimpleng pinunasan ang nagbabadyang patak ng luha. Ngumiti ako, nagkunwaring masaya para sakanila.

"Yup?" pilit ang ngiting kausap ko dito.

Lumapit sa akin si Axel kasama yung babae. "I'd like you to meet her. She's Cynthia," pakilala nito.

Bakit ganoon? Parang pamilyar sa akin ang pangalan nito? Parang narinig ko na somewhere.

Nakipagkamay ito sa akin. Inabot ko yung kamay nito kahit napipilitan lang ako.

"Oh, hi. I'm Claire. Axel's Bestfriend," pilit kong pinagiliw ang tono ng boses ko kahit ang totoo, gusto ko nang maglaho na parang bula.

"It's nice to finally meet you," magiliw ring turan ni Cynthia.

"Huh?" nalilitong sabi ko.

"Naikukwento ka kasi lagi sa akin ni Axel."

"Oh, really?" nilingon ko si Axel at tumango ito sa akin.

"It's nice to finally meet you," muling sabi ni Cynthia.

"Well, me too," patuloy na pakikipag-plastikan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WRONG SEND (For editing)Where stories live. Discover now