"Kai.. Wait for me." Nasabi ko na lang sa sarili ko.





Dumating na ako sa Watty Paradise. At nagulat ako sa naabutan ko. Hindi ko napigilan ang umiyak.

Sa pader ng bawat madadaanan ko ay may drawing ng mukha ko. Sa unang pader ay ang mukha ko nung hindi pa kami magkakilala.

Hindi pa ako pansinin at malaki ang eyebags.

May nakadikit na papel doon kaya kinuha ko. At binasa ito.

| Eto ang itsura mo noon. Puno ng eyebags. Hahaha. Pero hindi ko akalain na sa ganitong babae pala ako titino at mahuhulog. Sa babaeng PANGET. |

Natawa naman ako sa nabasa ko. Kahit pagkasweet hindi niya magawa. >.<

Tumuloy pa ako sa hagdan hanggang sa mapahinto nanaman ako sa isang pader na may nakadrawing na mukha ko na nakasimagot at nagsusungit. Ito ang itsura ko nung time na sinabihan niya ako na bayaran ko daw yung damit niya na worth 1.5 million. >.<

May sulat nanaman nakadikit kaya kinuha ko ulit ito at binasa.

| Pwedeng humingi ng sorry? Sa totoo lang, hindi 1.5 million yung damit ko. 1500 lang. XD Ang sarap mo kasing pagtripan noon. Pero ayos lang naman di ba? Kung hindi dahil dyan, hindi tayo magkakakilala. Kaya mag thank you ka na lang! XD |

Natawa naman ako. Tama. Kung hindi dahil doon sa napakaOA na presyo ng damit niya, hindi kami aabot sa ganito.

Nangingilid ang luha ko. Ang sweet ni Kai. >//< Napakaeffort na 'to.

Tumuloy ako at umakyat ulit sa hagdan at tumigil ulit sa pader.

Ngayon naman, ito ang itsura ko nung pinaayusan niya ako kay Sooyoung para ipakilala sa mama niya.

| I admit it. You're beautiful. That's why I love you. ;) |

Napaluha naman ako. Nakakatouch. ><

Napatigil ako nang maisip kong dapat magmadali na ako.

Kaya tumakbo na ako papanik at napatigil nang biglang Makita ko ang napakagandang drawing. Drawing sya nung araw na birthday niya at nakahiga kami sa ibabaw ng kotse niya na magkayakap.

Pagkatapos nun ay may table na puno ng roses.

Meron ding parang dance floor at puno ng bulaklak. Nakaopen pa rin yung mga lights.

Iba't ibang kulay.

Itong nilalakaran ko ngayon ay red carpet. White roses naman ang nakapalibot dito.

Yung kandila sa ibabaw ng table ay wala na. Halatang nakabukas yun ng matagal.

Inilibot ko ang tingin ko. Ang ganda. Ang ganda. Sobra sobra.

Inilibot ko pa ang tingin ko. Hinahanap ang lalaking may gawa na to. Pero wala. Wala sya. Hindi niya ko nahintay.

Wala si Kai..

Hindi niya ako nahintay.

Nasaan sya?

Bakit hindi niya ko hinintay?

May sasabihin pa ako sa kanya di ba?

Bakit wala sya ngayon dito?

Napaupo ako sa upuan doon. Napaiyak ako. Bakit wala sya dito? Kung wala sya dito.. Hinanap niya ba ako?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hindi pwede. Dapat hanapin ko na sya. Hindi ko na kayang ipagpabukas pa tong sasabihin ko sa kanya.

Ayokong mawala sya sakin.

SHUT UP OR I'LL KISS YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon