CHAPTER 41

1.7K 31 2
                                    

KYLIE]

"Alam ba to ni Kai?"

"Hindi nga eh.."

"Nasaan na ba si Kai kasi?"

"Hindi ko din alam eh. Bigla na lang nawala."

"Wala na ba doon?"

"Wala na eh."

"Saan kaya pumunta yun?"

"Teka.. Nagigising na si Kylie."

Naalimpungatan ako sa mga taong nag-uusap. Unti unti kong binukas ang mga mata ko. At ang mga lalaking nakasama ko na tinuring ko ng mga kapatid ang bumungad sa akin.

"Noona~ Ayos na pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Baekhyun na nakakapit pa sa kamay ko.

"Noona.. Gusto mo tubig? Juice? Cake? Tinapay? Spaghetti? Ano?" tanong naman sa akin ni Kyungsoo.

"Noona.. Sa'yo na lang tong food ko." Alok naman sakin ni Xiumin.

Ngumiti lang ako sa kanila.

"I'm okay." Sabi ko. Nakahinga naman sila ng maluwag. Inikot ko ang tingin ko.

May hinahanap ako. Nasaan siya?

Mukhang nahalata naman nila na may hinahanap ako. Bigla namang nagsalita si Luhan.

"Ah! Magpapasalamat ka sa savior mo noh? Wag kang mag-alala, nasa kusina lang. Oh, nandyan na pala."

Tinignan ko kung sino yung padating.. At hindi ko inaasahang..

"Kris hyung! Magpapasalamat daw si Kylie sayo." Sabi ni Luhan. Nasaan si Kai?

Bakit wala sya dito?

Nakita ko namang ngumiti sa akin si Kris at biglang nagsalita.

"You're welcome. Pero mukhang hindi ako ang inaasahan mo." Sabi niya na ikinabigla ko. Mukhang kilala niya na talaga ako.

Nabasa niya nanaman ako.

Napatingin silang lahat sa akin. Walang nagbabalak na magsalita. Napatahimik silang lahat kaya ako na ang nagsalita.

"Nasaan si Kai?" sabi ko na nagtataka. Pero nagtinginan lang sila sa isa't isa. Walang nagtatangkang sumagot sa akin.

"Huy! Nasaan kako si Kai?" sabi ko ulit sa kanila. Pero nagkamutan lang ng mga batok at ulo ang iba sa kanila. Yung iba naman ay nagsitinginan sa taas. Yung iba pumito pa.

Biglang nagflash sa utak ko ang araw na inaya niya ako para lumabas.

'Kylie... Meet me later. Watty Paradise. 7pm. Don't be late. Or else, you're dead. Get it?'

Oh shiz. Kailangan kong puntahan si Kai. Kailangan. Naghihintay sya sakin. Naghihintay sya.

Tumayo ako at lumabas palabas. Tinatawag ako ng iba pero hindi ko sila pinapakinggan. Kailangan kong puntahan si Kai.

Naghihintay sya.

Hinihintay niya ako.

Hindi ko na namalayan na nakakabangga na ako. Kailangan kong makapunta doon. Kailangan kong bilisan.

Kailangan.

Kung hindi.. Baka..

Baka..

Baka mawala pa sya..

Baka iwan niya ako..

Hindi. Hinihintay niya ako. Alam kong naghihintay sya sa akin.

SHUT UP OR I'LL KISS YOUWhere stories live. Discover now