70: Conscience

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngayon, di niya alam kung anong sasabihin niya. Paano niya ii-explain dito ang mga nangyari.

"Dito na ba?" tanong ni Kiel.

Tumango nalang siya bago lumabas ng kotse.

Agad siyang napansin Isko, ang pinakabatang kapatid ni Ish. Agad nitong binitiwan ang walis at itinigil ang paglilinis ng bakuran nila.

"Nay! Nay! Si Ate Raven!" sigaw nito bago siya sinalubong. "Ate! Kumusta ka na!? May kasama ka?" tanong nito.

Mausisa talaga. Fifteen palang ito pero mas matangkad na sa kanya. Magandang lalaki kaso may headband na pink sa ulo.

"Boyfriend mo?" Tanong nito ng makita si Kiel papalapit.

Kumagat nalang siya ng labi. Boyfriend?

Tumango nalang siya.

Ikinawit ni Isko ang braso nito sa kanya at hinila na papasok ng bakuran. "Ate ang pogi. Pag-ayaw mo na, akin nalang." Bulong nito na kinikilig.

"Francisco!" dinig naman niyang sigaw nang nanay ni Isabelle ng salubingin sila nito. "Halika nga dito. Kung ano ano nanaman yang pinagsasabi mo!"

"Tita Ising," bati niya dito. Lumapit siya at nag mano. "Kamusta na po?"

Nagulat siya nang lumapit si Kiel at nagmano din. "Pasensya na po kung ngayon lang po kami nakapunta. Kalalabas lang po ng ospital ni Raven. Ngayon lang po siya nagising dahil sa sunog." sabi nito.

Ospital? Sunog? Kalalabas lang? "K-Kiel?"

Hunter nga pala ang kasama niya, expert sa cover up.  Ang galing gumawa ng kwento. Sabagay sa hitsura niya ngayon, mukha siyang galing sa sakit.

"Ngayon lang po niya nalaman ang nangyari kay Isabelle," tuloy pa nito. "Nagpumilit nga lang po eh, bawal pa po sa kanyang magpagod."

Tumingin lang ang nanay ni Isabelle sa kanya. Maya maya pa ngumiti na rin ito. "Naintindihan ko."

"P-Pasensya na po." Sabi niya dito. Di niya alam kung paano pa niya sasabihin ang lahat. Kasalanan niya kung bakit napahamak ang anak nito.

Kaso papaano yung ginawang kwento ni Kiel? Mas mabuti sigurong sakyan nalang niya.

Ngumiti lang uli ang babae. Malaki ang talaga ang pagkakahawig nito sa kaibigan niya. Maganda parin, hindi nahahalata ang edad. Alon-alon ang buhok nitong mabibilang na ang puting buhok. In twenty years or so, ganto rin siguro ang magiging hitsura ni Isabelle. Kaso sa lagay ng kaibigan niya ngayon, imposible yung mangyari.

"Pumasok muna kayo, pasensya na at di pa kami masyadong nakakapaglinis," aya ng Nanay ni Isabelle sa kanila. "Sina Makoy at Monching nasa sementeryo kasi. Inaayos na namin para sa undas ang puntod ni--" saglit itong natigilan. "ni Isabelle."

So totoo nga. Ang alam nila, patay na ang kaibigan niya. Lalo tuloy bumigat ang pakiramdam niya.

"Raven?" tawag ni Kiel. Naramdaman niya ang paghagod nito sa likod niya. "Pasok na daw tayo."

Sumunod nalang siya. Sumalubong agad sa kanila ang malaking picture ni Isabelle sa altar. Kinilabutan siya sa nakita. May mga sindi pa ang kandila doon at may mga bulaklak.

"Ate, kuya. Upo kayo," sabi naman ni Isko sa kanila.. "Kuha lang ako ng foods ha." sabi pa nito sabay kindat kay Kiel bago pumasok sa pinto ng kusina.

Umupo na rin si Tita Ising sa kaharap na sofa. "Parang kailan lang, dumadalaw pa dito si Isabelle, ngayon siya na ang dadalawin naming,"

Parang bumara ang lalamunan niya dahil sa mga sinabi nito. Napatitig lang siya sa altar. Grad pic ni Isabelle ang nakadisplay. Dalawang taon na rin mula ng kunan ang picture na yun.

"Dumalaw din yung boyfriend niya dito."

"Boyfriend po?" tanong niya. Walang boyfriend si Isabelle.

"Oo," ngumiti ito. "Masyadong malihim ang Sabel ko. Ngayon lang namin nakilala kung kailan wala na siya."

"Ay oo Ate Raven. Ang gwapo! Parang Italian model!" sabat naman ni Isko na may dalang tray. May laman iyong mga baso ng juice at ilang biskwit. Pakiramdam niya tuloy, nasa lamay sila.

"Nu nga ba name noon? Andres? Antonio? Basta Ate, parang pang lolo."

Si Alejandro?

"Isko! Igalang mo naman ang alala ng kapatid mo."

"Sorry naman, Nay." Nguso naman ni Isko at umupo sa bakanteng upuan. Tumingin ito kay Kiel na pinipilit lang ngumiti.

"Pero bilib din ako dun, iha. Sa totoo lang, siya na ang gumastos sa lahat noong burol, pati na libing, nagbigay pa nga tulong. Sayang nga lang at di na siya nakapunta nang mismong paghahatid namin kay Isabelle sa sementeryo."

"Pero andito naman ang poging kuya mo, Ate Raven, kaya okey lang." Sumabat na naman si Isko. Pinandilatan naman ito ng nanay nito kaya itinikom nalang ang bibig.

"Kuya?" tanong niya. "Si Pierre po?" Pumunta dito si Pierre?

"Oo. Sumaglit lang para sabihing di ka makakarating. Pasensya na iha, nagtampo talaga kami noon sayo. Ngayon alam na namin kung bakit. Sigurado bang ok ka na? Namumutla ka pa."

"I'm sorry, Tita." Di na siya nakapagsalita. Di na rin niya nagalaw ang pagkaing inihain sa kanila.

Kasalanan ko kung bakit nawala si Isabelle sa inyo.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon