73: Misery

11.4K 259 21
                                    

AN: SPG parts uli

Iniunat ni Isabelle ang mga kamay paggising. Wala na si Alejandro sa tabi pero nararamdaman parin niya ang init ng katawan nito sa kama. Mukhang kakabangon lang din.

Dahan-dahan siyang umupo. Nakaramdam siya ng kaunting hapdi sa pagitan ng mga hita niya. Sinilip niya ang ilalim ng kumot at nakita niya ang ilang patak ng dugo.

Shet. Di na ko virgin! Binigay ko na kay Alejandro!

May napansin siyang puting polo na nakapatong sa kama. Mabilis niya itong kinuha ito at sinuot.

Kalma Isabelle! Kalma!

Ganto pala ang pakiramdam. Naalala pa ng katawan ang mga nangyari. Hanggang ngayon parang lumulutang parin ang pakiramdam niya.

Shet, ilang beses ba nilang ginawa? Basta alam niya inulit pa nila yon bago mag-umaga.

Nakakahiya! Hindi man lang ako nagpakipot!

Nakadinig siya ng lagaslas ng tubig galing sa labas. Sinubukan niyang bumangon kahit nanginginig ang mga binti niya. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto. Sa may sala. Sumilip siya sa malaking glass door doon at nakita nga niya si Alejandro. Nagdidilig ng halaman sa garden. Topless na naman.

Ang hot na hardinero naman nito. Ang swerte ko naman.

Suot nga pala niya ang polo nito. Naamoy parin niya ang mabangong amoy galing doon.

Lumingon si Alejandro sa kanya at ngumiti. Pinatay nito ang hose ng tubig at tinabi. May pinitas ito saglit sa isang halaman at pumasok na sa loob ng bahay.

Napahawak siya sa dibdib. Naramdaman na naman niya ang puso niya. Tumatalon na naman.

"G-good Morning." Bati niya dito. Kinagat nalang niya ang labi at yumuko. Hindi niya alam kung papano ito haharapin matapos ang nangyari.

"Good Afternoon." Sagot naman nito. Lumapit na si Alejandro at marahan nitong inangat ang baba niya at hinalikan sa labi. Inabot sa kanya ang puting rosas na pinitas.

"Thanks."

"Did it hurt?" nag-aalalang tanong nito habang marahang hinahaplos ang pisngi niya.

Tumango siya. Masakit pero masarap. Hihi.

"I'm sorry Isabelle, I tried to hold it back," pumulupot na ang braso nito sa bewang niya at yumakap. "Sorry." bulong nito.

“Ok lang ako.”

“Masyado akong malakas, nasaktan kita.”

Napangiti siya. Inaalala pala ni Alejandro ang mga ganoong bagay,

"Kaya ba lagi kang nagwawalk out dati?" tanong niya. Naramdaman niya marahang paghaplos ng kamay nito sa likod. "Ayaw mong masaktan ako ng tulad ni--" Di na niya tinuloy.

Panira ng moment lang. Pero kahit na, nag-alala parin siya. Pano nga kapag nalaman ni Raven ito?

Nadinig niya ang pagbugtong-hininga ni Alejandro. "Alam mo bang natakot ako noon nang umiyak ka. Noong hindi ko napigilan ang sarili ko. Takot na takot,"

Napapikit nalang siya. Ito ba yung gabing muntik ng may mangyari sa kanila? Yung muntik na siya nitong ma-rape dahil sa sobrang galit nito?

Kinalimutan na niya yon, naiintindihan naman niya. Malayo yon sa nangyari sa kanila kagabi. Ingat na ingat ang bawat kilos nito sa kanya.

"You don't know how much I hate myself from hurting you that night. Ayoko lang maulit yon. Ayokong may mangyari satin na labag sa loob mo," lalong humigpit ang yakap nito. "Nangako ako sa sarili ko na di na kita sasaktan uli. If I need to stay away from you, gagawin ko."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon