23: Punishment

16K 371 35
                                    

Babala: SPG

Striktong patnubay ng magulang...errr... 

Di niya alam kung anong nangyari sa buong byahe. Kung nakatulog ba siya kung ano. Basta nakakita siya ng matinding liwanag. Nakakasilaw.

Napatili siya sa gulat.

"Isabelle!"

Naramdaman niya ang kamay sa balikat. Habol hininga siya. Kasalubong na sasakyan pala ang nakita niya. Sa kabilang linya galing. Huminga siya ng malalim para mapakalma ang sarili. Akala niya mamatay na uli siya.

"Are you alright?"  marahang tanong nito.

Natatameme nalang siya. Nag-aalala ba si Alejandro sa kabila ng ginawa niya?

Teka gabi na? Asan na sila?

Lumiko na ang sasakyan. Naramdaman niya ang pag uga nito.

Shet. Lubak. Nasa bahay na uli. Malapit na.

You'll have your punishment later. 

Umecho ang salitang yun sa utak niya.

Shet anong gagawain sakin ng mokong na to?! Kakainin ba ako ng buhay. Babalatan? Ipapagulong sa asin. Shet!

Nagpapanick na siya. Rinig niyang mababaw padin ang pag hinga ni Alejandro. Halatang iniinda parin ang ginawa niyang pag saksak.

Asan ba si Pierre? Wala daw ito sa bahay na yon hanggang bukas. Shet papaano na? Ano nang gagawin niya?!

Tumigil na ang sasakyan. Nasa harap na uli ito ng luma pero malaking bahay. Mukha pala itong haunted house pag gabi. Napapikit nalang siya. Ito na ba ang katapusan ng lahat?

Bumaba na ang mokong sa kotse. Naramdaman niya ang pag hila nito sa kanya palabas. Sa sorbang kabog ng dibdib, nagpaubaya nalang siya. Hawak hawak nito ang braso niya ng pumasok sila ng bahay. Pakiramdam niya lumilipad ang paa niya nang halos kaladkarin siya nito papasok. Sa hallway, sa hagdan, hanggang makarating na sila sa kwarto niya.

Binitiwawan na siya nito ng nakapasok na sila. Andun parin ang bakas ang dugo sa sahig. Yung dagger na ginamit niya andun parin kung saan ito bumagsak. Pero ang nakakabigla sa lahat, yung table. Yung mabigat na mahogany table. Hati na ito sa gitna. Wala na yung mga paa. Nagkalat na kung saan saan. Parang pinunit na papel itong naka balandra sa sahig.

Napalunok siya.

Shet. Yung amoy ng dugo. 

Si Alejandro ba may gawa noon?

Nagulat siya sa pagsara ng pinto. Ni-lock ito ni Alejandro. Napatingin siya dito. Napaatras.

Anong balak ng mokong na to?!

Humakbang ito papalapit. Kulay pula ang mga mata at nakatitig ng matalim sa kanya. Napaatras siya uli pero kama na pala ang nasa likod. Napaupo nalang siya ng tuluyan.

Oh no. Shet. No. Wag. No. Shet. Not that!

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. Lumalapit na ang mukha nito sa kanya.

Ang puri ko!

Pumiglas siya. Itinulak niya si Alejandro papalayo pero di ito natinag. Niyakap siya nito ng mahigpit para pigilan ang pagwawala niya hanggang sa mapahiga sila sa kama. Nakapatong na ito sa kanya. Naabot nito ang mga kamay niya at mahigpit na hinawakan sa magkabilang gilid ng ulo.

"Bitiwan mo ako! Lumayo ka sakin! Ayoko! Bitiwan mo ko!"

Nagisisigaw siya kahit alam niyang walang makakarinig. Tuloy parin ang pagpiglas niya kahit halos maputol na nito ang buto niya sa kamay sa bigat ng pagkakadagan.

Pwersahan siyang hinalikan nito. Halos madurog ang labi niya. Naramdaman niya ang lalong pagdagan ng katawan nito sa kanya. Napasinghap siya at nagasgasan ng pangil niya ang labi nito.

Dugo.

Nalasan niya iyon. Kahit kakaunting patak lang. Para siyang malalasing. Napapikit siya.

Nabitawan na nito ang kamay niya kaya malaya siyang napahawak sa batok nito. Pinadaan niya ng mga daliri sa malambot na buhok nito. Di niya alam kung bakit, kung papaano nangyari. Sumasagot na siya sa mga halik

Hindi.

Siya na mismo ang humahalik dito.

Naghiwalay ang mga labi nila para makakuha ng hangin. Nakatukod na ang siko nito sa kama para hindi siya tuluyang madaganan. Habol hininga siyang napapatitig sa mukha nito.

"That will shut you up." Nakita niya ang pag ngiti nito.

Ngumiti? Ngayon lang niya ito nakitang ngumiti!

Shet ang gwapo talaga! Nalalaglag ang-- shet Isabelle! Anong ginagawa mo?!

Bago pa man siya magkapagprotesta uli, bumalik na ang labi nito sa kanya. Marahan na ang halik. Pero unti unting lumalalim. Lalong nakakalasing.

"Perché si sta facendo questo a me, Isabelle?" marahang tanong nito habang bumababa ang labi nito sa leeg niya.

Hindi niya naintindihan. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. Bakit di siya lumalaban? Bakit ba niya nagugustuhan ang ginagawa sa kanya?

May mali talaga.

Naramdaman niya ang pangil nito. Gumagasgas na iyon leeg habang hinahalikan siya.

"Al-"

Di niya malaman kung anong klaseng init ang sumasapi sa kanya. Napasabunot siya sa buhok nito ng maramdaman niya ang pagtarak ng pangil nito sa leeg.

Masakit. Mahapdi. Masarap.

Hindi niya alam kung bakit.

Nararamdaman niya ang paghigop nito sa dugo niya. Ng buong pagkatao niya. Pakiramdam niya lumulutang ang mundo.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"A-alejandro." halos ungol nalang ang lumabas sa labi niya. Parang mababaliw na siya.

No. Mali ito. Mali itong nararamdaman ko.

Tumigil na ito. Habol hininga itong napasubsob sa dibdib niya. Parang pinakakikinggan ang sobrang bilis na tibok ng puso niya. Hindi na rin siya makakilos. Pakiramdam niya hinang hina na siya.

"Rimarrai per sempre con me?"

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon