Chapter 1: Ang Nakaraan

48 0 0
                                    

15 YEARS AGO

--------------------------------------

Tumatakbong pauwi ng bahay si Paloma. Pagkapasok niya sa loob ng bahay hinanap nya ang kanyang nanay na noon ay abalang-abala naman sa pagluluto ng kanilang hapunan. Mahigpit siyang yumakap dito kasabay ng malakas niyang paghagulgol.

"Ano na namang nangyari sa'yo?" tanong ng kanyang nanay habang hinahagod ang kanyang likod.

"..E..e.. kasi po 'Nay... (sigok..sigok..) kasi 'Nay sila eh... (singhot.. singhot).." pautal-utal na sagot niya.

"Tinukso ka na naman ba ng mga kalaro mo?"

"O-po.. 'Nay... (hagulgol... sigok.. sigok...) sabi nila, ang laki na nga daw ng mata ko, duling pa... eeee.....(hagulgol...singhot..singhot.)...taposh.. tapos.. si ilong ranger daw ako.... waahuhuhu... (hagulgol ulit)..."

"Hay naku anak! hayaan mo na sila... wag mo na lang intindihin mga pinagsasabi nila. Basta ang tatandaan mo, mahal na mahal ka ng nanay, ha?" pag-aalo ni Aling Tentay sa kanyang anak na hindi pa din tumitigil sa kakahagulgol.

"Opo 'Nay... (singhot..singhot..)" maikling tugon ni Paloma habang pinipilit niyang kumalma.

"Tama na yang kaiiyak mo't maghahapunan na tayo. Kunin mo yung kumot sa kwarto para mapunasan mo yang mga mata mo, basang basa ka na ng luha mo, oh! Sige na, bilis na!"utos ng kanyang nanay habang hinahanda na ang kanilang hapunan.                                                 

******************************************  \(^________^)/  ******************************************

10 YEARS AGO

------------------------------------------

"Aray! Aray ko po..! Dahan-dahan lang po 'Nay." nagmamakaawang saad ni Paloma habang ginagamot ni Aling Tentay ang mga sugat niya.

"Ikaw naman kasi anak, ba't ba nakipag-away ka pa sa kanila, yan tuloy puro ka na sugat at gasgas, gusot na gusot pa yang buhok mo."

"E, kasi po 'Nay nakakainis na sila eh. Tinawag na naman nila akong 'Salotlot'. Salot daw po ako sa palinunan..."

"Palinunan?? 'Lipunan' anak... LI - PU - NAN.. lipunan... SALOT SA LIPUNAN." pagtatama ni Aling Tentay sa bulol niyang anak. Duling na bulol pa?? Di niya hahayaang mangyari yun.

"Nay, totoo po bang salot ang may kulot na buhok?"

"Hindi yun totoo anak. Pero depende rin pagkaminsan. May mga kulot kasi na sa sobrang kulot ng buhok nila pati utak nila nakulot na din, kaya yun nagiging salot sila. Kaya anak, wag mong pansinin yang mga tao sa paligid mo na kung anu-ano ang mga pinagsasabi. Di yan makakabuti sayo. Kapag nagpaapekto ka sa kanila, di lang buhok mo ang kulot, pati utak mo makukulot din." mahabang pangaral ni Aling Tentay.

"Promise 'Nay, mula po ngayon di ko po hahayaang makulot ang utak ko at maging salot."

"Mabuti. O siya, kunin mo na yung kalaykay para masuklayan na kita't di ka na magmukhang bruha."

******************************************  \(^________^)/  ******************************************

4 YEARS AGO

-----------------------------------------

Bakasyon. Isinama si Paloma ng kanyang Nanay pauwi ng probinsya nila sa Bicol.

Abalang nakikipagchismisan si Paloma sa mga pinsan niya:

"Oy hindi ah! Hindi ako naniniwala na totoong mag M.U talaga yan sina Jorald at Kim Chi." saad ng isa niyang pinsan.

"Ay naku! Maniwala ka, walong buwan na daw yun magka M.U, sabi sa DaBazz." giit naman ng isa niya pang pinsan.

"Sows! Mga patweetums naman kasi sila. Di sila gumaya kay Dodeng, Karolle at Mariana. Lab trayanggol ang drama! Tinanong si Karolle kung naniniwala daw na kung totoong nabuntis ni Dodeng si Mariana, ngiti lang ang naisagot ni atengh. Hays!! grabe! ampogi talaga ni Dodeng, pinag-aagawan!" mahabang chika naman ng isa niya pang pinsan.

"Hay... basta ako, nanghihinayang pa rin ako sa pagkamatay ni Marko Shelo. Sayang ng kagwapuhan nya, lupa at uod lang ang nakinabang." napabuntong-hiningang saad ni Paloma.

"Siya nga pala Palomz, wala ka pa bang balak magkaboyfriend? Dise-otso ka na ah." biglang tanong ng isa nyang pinsan.

"Ay ano ba yan! anong klaseng tanong naman yan! (*kilig) Syempre gusto kong magkaboyfriend. ihihihihihi~ kaya lang wala pa akong napupusuan na magkakagusto sakin. ahihihihihii~" Kilig na sagot ni Paloma.

"E bakit, meron na bang nagkamali na manligaw sayo?" natatawang tanong ulit ng kanyang pinsan.

"Ha?? ah... eh... oo naman, syempre! Madami... di ko nga lang sila pinapansin.. di ko type eh.." pagsisinungaling niyang sagot.

"Natural madami yun. kahit isa lng na tao, dalawa na sa paningin mo eh." pabulong na biro ng isa niya pang pinsan.

"Ano bang katangian ang hinahanap mo sa isang lalaki, Palomz?"

"Ahhmm... ang gustoko ay yung gwapo syempre, mabait, matalino, malambing, at higit sa lahat ay yung mayaman, ihihihihihi." kinikilig na namang sagot ni Paloma.

"HAHAHAHAHAHAHA!!! Goodluck sa paghahanap!" magkasabay na biro ng dalawa nyang pinsan.

"Sobra naman kayong dalawa, wag niyo ngang pagtawanan si Palomz. May alam akong mahiwagang 'wishing well' dun sa may likod ng lumang simbahan. Sabi nila, kapag naghulog ka daw dun ng 500 pesos matutupad daw ang kahilingan mo. Subukan mo kayang humiling dun, Palomz." saad naman ng isa nya pang pinsan.

KINAUMAGAHAN:

Pinuntahan ni Paloma ang mahiwagang 'wishing well' na tinutukoy ng kanyang pinsan.

Pikit-mata at buong puso syang humiling:

"O, mahiwagang balon.

Dugyot ka man sa aking paningin.

Iyong pagbigyan ang aking hiling.

Lalaking mabait, matalino, handa akong angkinin

malambing, mayaman, sana sa'kin ay mahumaling."

Hinalikan niya ang limang daan na kinupit niya sa pitaka ng kanyang nanay at itinapon ito sa loob ng dugyot na 'wishing well'.

******************************************  \(^________^)/  ******************************************

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Duling na Pag-ibigWhere stories live. Discover now