Lumaki si Paloma na sanay na tawagin sa iba't ibang pangalan. Kilala siya sa pangalang "Duleleng" dahil sa malaki niyang mga mata na duling, "ilong ranger" dahil singlaki ng character ng advertisment ng neozep ang ilong niya, at minsan ay tinatawag din siyang "Salotlot" dahil sa buhok niyang kulot na kulot. Isang araw sa isang dugyot na wishing well, hiniling ni Paloma na sana ay may mahumaling sa kanya na isang gwapo at mayaman na lalaki na iibigin siya ng buong-buo. Pagkalipas ng maraming taon natupad ang kahilingan niyang ito. May isang lalaki na sukdulan ang pagkahumaling sa kanya at handang-handa ito para ibigin siya ng buong buo--- yun nga lng, hindi ito kagwapuhan at lalong hindi ito mayaman.
Kanya ba itong tatanggapin at bibigyan ng pagkakataon na mapatunayan ang pagmamahal sa kanya o sadyang magpapaka-choosy siya?All Rights Reserved