“Tignan mo nga yang itsura mo!”

“Anong problema sa itsura ko? Pinapakiaalaman ko ba ang itsura mo ha?” Galit siya, bakit ba nang eepal ang taong ito ngayon? Feeling sila? Okay lang siya?

“di ka ba nahihiyang ibilad yang katawan mo? Kitang –kita ko yang tattoo mo. At may bago ka pang tattoo sa likod. Sira ba ang ulo mo at nagpadagdag ka pa ng sticker sa katawan?”

“Sticker? Oi, Aron Miguel, art yan. Palibhasa wala kang alam sa tattoo art! At ano bang pakialam mo ha, maraming bang tao dito sa lugar ko? Kita mo oh, ako lang! So anong problema mo?” Kahit siguro mahaba ang pasensiya niya ay mauubos kung ito ang kaharap mo! Nakapamaywang pa siya! Aba, high blood na siya no. Idagdag pa na naaalala niya ang THE PAST nila.

Naningkit na ang mga singkit na nitong mga mata. Lumapit sa kanya. Napaatras siya,paano ba naman, ang lapit-lapit kaya! Few inches away! Shocks!

“Bakit ka iniwan ng nobyo mo na mag-isa? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Ayun, nakikipaglampungan sa kaibigan mo, samantalang hinayaan niya ang girlfriend niya na ibilad ang katawan rito.”

Aba’t may sira na yata to ah!

“Wag mo nga kaming pakialaman ha!”Itinulak niya ito dahil lumapit pa sa kanya. Napalunok tuloy siya ng laway nung makita ang kanyang oh so yummy body! Ang mga muscles teh!

Pero yun yata ang pagkakamali niya dahil nung lumapat ang mga kamay niya sa dibdib nito ay biglang dumaloy ang ilang volts din yata ng koryente.

“Let’s talk Candice, please.” Biglang nagbago ang tono nito. “Nakikiusap ako sayo, kailangan nating mag-usap. Kahit ngayon lang, pakinggan mo ako.”

Nagsusumamo ang mga mata nito. “Please.”

Putek naman! Bakit ganito ang hitsura at ang tono ng pananalita nito. Ang lakas at ang bilis tuloy ng tibok ng puso niya.

“si-sige.” Bakit ba ang hirap nitong tanggihan. Hindi ba sinabi na niya sa sarili niya na hinding-hindi na niya ito kakausapin ulit?

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon