Birthday Gift

13.2K 335 38
                                    

///// Hey! Ang saya ko! Bakit kamo? Heto lang naman, 1st update ko palang eh naka earn na ako ng 30+ reads! Confetti!

I know for others it's not much. Heck I can't even compare to the butts of other authors but, the thing is: THE HELL I CARE!!!! To know that many people have been reading my works is a joy and it makes my heart swell! Gwah! Corny ko.

Anyways, dahil nga nasiyahan ako sa dami ng nagbasa, heto and bagong part ng kwento. Enjoy! 

Basahin niyo din ang 143 SMILE! ok? Salamaaaaaaaaaaaaat!!!!!!! /////

<Mavey>

Nandito ako ngayon sa infirmiary, ulit. OO. ULIT.

Kakalabas ko lang kanina sa infirmiary dahil sa pambubugbog sakin sa bodega kanina. Salamat kay Manong Tony, ang custodian, at nakalabas ako doon. Ini-lock pala nila ang pinto para di ako makalabas. Sobrang kaba ko kanina. Akala ko dito na ako mamamatay! NO WAY! If I die young, bury me in satin, lay me down on a bed of roses, yan ang ideal death bed ko!

Tunkol sa balik ko ulit sa clinic, sa tingin ko alam niyo na ang dahilan. Na corner ulit ako. Kung noong una ay ang Soccer League, ngayon naman ay ang Basketball Team. Ano to? Lokohan? Bola ba ako at pinag sisisipa at dinidribol? Ayoko na!

"Lolo, kaya ko pa ba?" pabulong kong tanong sa mga yumao kong lolo. Naiiyak ako sa di malamang dahilan. Hindi kami ganon ka close ni lolo para maiyak ako. Di naman ako mahina para maiyak sa mga pasang natamo ko. Di ko alam. Basta sunod sunod na ang patak ng luha ko. Naaawa ba ako sa sarili ko? Yun nga siguro. Kung tutuosin, ako na yata ang pinakamalas na baklang nabubuhay sa balat ng lupa.

"Lo, kung naririnig niyo ho ako, sana ibalik niyo na ho ang lahat sa dati. Ayoko na po eh. Masakit na. Mahirap. Lo. Nahihirapan na ako. Ayoko na." bulong ko ulit sa hangin. Maga na ang mga mata ko kaiiyak. sinasamantala ko na ang pagkakataong walang nakakakita sa akin. I let my heart out and poured out all the sadness I have kept all these years, mga taon na lagi akong pinapahirapan, mga taon na pulos sakit at hirap ang dinanas ko. Inipon ko lahat ng galit at lungkot sa mga taong iyon at ngayon ko lang sila napapakawalan.

Humahagulgol akong dumapa sa kama. Idiniin ko ang aking mukha sa unan para pigilan ang mga hikbi at sumbat na nangangambang kumawala. Galit ako sa lahat! Sa lahat ng mga taong ang tingin sa akin ay isang laruan! Tao pa ba sila? Hindi ba nila alam ang salitang awa?! Alam kong mahirap lamang ang pamilya ko pero sapat bang dahilan yoon para ganituhin ako? Dahil ba sa bakla ako? Anong masama doon? Nagpapakatotoo lang naman ako ah! Kung tutuusin mas matapang pa ako sa kanila dahil naaamin ko sa sarili ko kung ano talaga ako! Di naman ako nagdadamit babae. Hanggang hairband lang naman ako ah!

At isa pa yang Brandy na yan! Kung makaasta akala mo kung sino? Oo nga't mayaman pero ano? Tinatapak-tapakan na lang ako! Ako pa talaga ang sinisi niya? Ako? Eh siya nga itong unang sumagot ng "I do" eh! Sana di na lang niya sinabi yon kung gaganituhin lang naman niya ako! Ayoko na! Hindi ko na kaya! Kung pwede lang. Kung pwede lang talaga hiniwalayan ko na siya! Pero yun ang problema.

Pilit na &quot;I DO&quot; [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon