Diaper Love

3.4K 80 38
                                    

<Aiax>

*Beep beep beep beep beep

Nagising ako sa lakas ng alarm clock sa kwarto ko. Well, thats how it works so good job, alarm clock!!!

Dali dali akong nag handa para sa pagpasok sa school. It's been ages since I last had bonding time with my beshie, yung asawa niya kasi laging naka buntot. Hahaha, sinong mag aakalang magkakabati din yung dalawang yun? I was there when they were wed, I saw how they looked at each other while exchanging their 'I Do'. Ewan ko pero kahit sabihin nilang pilit yung I Do nila, naramdaman ko ang sinseridad sa kanilang mga katagang binitawan.

Haaaay, buti pa ang beshie ko, magkaka anak na. I know right! Ako man din nagulat nung malaman namin na buntis si Mav. Alala ko pa, tuwang tuwa ang barkada para sa kanila... well mostly...

Flashback

"Beshie, kain na tayo!!!" pagmamaktol ko sa kaibigan ko na hanggang ngayun ay nasa may cr parin. 30 mins na siyang nanjan! Kanina pa nag ring yung lunch bell at nauna na din yung mga mokong na buntot ng buntot sa amin. Ang hirap kaya nila itaboy!

Kung hindi pa nagalit si Mav kay Brandy, siguro nandito pa siya hangganh ngayun. Ano ba kasi ang ginagawa niya sa loob?? Ni-lock pa niya yung pinto. May LBM kaya siya??

"Beshie!! May LBM ka ba!!!!???" sigaw ko sa kanya. Naghintay ako ng sagot pero wala siyang imik. Hala!! baka kung napano na siya!! Bigla akong nag panic at tumakbo sa cafeteria pagkatapos ko magpa-alam sa kaibigan ko.

Pagkarating ko sa cafeteria, agad kong hinanap si Brandy. Nakita ko silang nakaupo at nag kukwentuhan ni Luxer. Si Franz naman, MIA... Ah ayun papunta ata kina... Sonia??

Pinagsawalang bahala ko na lang ito, mas importante ang kaibigan ko sa chismis noh!!

"Brandy!! Brandy si Mav!!! CR!!" pagtawag ko sa kanilang atensiyon. Sa pagkarinig ng pangalan ni Mav ay tumakbo agad si Brandy patungo sa CR. Agad naman tumayo si Luxer at sinamahan noya ako patungo sa kinaroroonan ni Mav. Ganun din ang pag aalala ni Franz kaya tumakbo siya agad papunta kay Mav. Haba talaga ng hair ng kaibigan ko!!

Pagkadating namin sa CR, nagulat kami ng makita naming wasak ang pinto. dali dali kaming pumunta sa loob at nakita namin si Brandy na akay akay ang walang malay na si Mav. Paulit ulit niya itong tinatawag pero di parin ito nagigising.

"Franz, pakibuhat naman si Mav, please!! I have to make a call!" Pagmamaka-awa ni Brandy kay Franz. Natigilan kami nina Franz sa ginawa ni Brandy. This was the first time na willing siyang ipaubaya ang bestfriend ko kay Franz. Ultimo presensya ni Franz ayaw niyang lumalapit kay Mav, pero ngayun papabuhat niya pa ito sa kanya?

Binuhat ni Franz si Mav habang tumawag naman si Brandy.

"Hello? Doc Marconi!! Please Doc, kailangan ka namin! Pwede ho bang pumunta kayo sa clinic ng school?? St. Catherine po. Si Mav po kasi nahimatay. Ikaw lang po ang pwede naming pagkatiwalaan dito. Salamat po!" ani Brandy sa Doc Marconi... sino ba yun??

Dinala namin si Mav sa may clinic, si Brandy parang di mapakali sa kanyang upuan sa tabi ni Mav hawak hawak ang kanyang mga kamay at tiyan... tiyan??

May sinasabi si Brandy sa kanya pero di ko masyadong naririnig...

"Mahal.... baby... please... be safe..." bulong ni Brandy sa kanya. Nagulat ako ng halikan ni Brandy ang tiyan ni Mav. Anong nangyayari??

Makaraan ang ilang minuto, dumating na ang isang lalake na nagpakilala bilang Doktor Marconi. May dala siyang portable na machine na siya namang nagpatigil sa amin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pilit na &quot;I DO&quot; [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon