IV (Editing)

2.2K 147 3
                                    

Chalter IV - Maid Cafe

Nathalie's POV

Ang weird naman nun. Haaay! Grabe! Mga manyak talaga oh pati ba naman ako papatulan nila? Waaah! Mga Pervert! Kala ko pa naman maliligtas ako sa mga ganyang karumaldumal na krimen!!

(A/n: Karumaldumal talaga neh? Haha. Corny mo.)

Ay! Panget ka! Wag kang mang gulat diyan!

(A/n: Wow makapanget? Eh ano naman kaya tawag sayo nun? Pangetest? Haha. Corny. Pano pakaya kung tumingin ka sa salamin? Mas nakakagulat yun.)

Heh! Ewan ko sayo! Wag ka ngang sumabat! Nag Eemote ako dito tapos papampams ka diyan! Pwede ako muna?

(A/n: Gusto mo patayin ko na character mo ngayon? KEKEKE! Pag iispan ko. Sige the floor is yours now. Continue.)

Ay wag naman ganun. *pout*

(A/n: Yuck! Hoy! Wag ka ngang mag pout diyan! Ay! nakaka istorbo na ata ako . XD Hehe Sorry po readers! Hoy Nath! Sige na tuloy mo na.)

Saan na nga ba ako? Ito kasi epal sumasabat! Ah! Dun sa karumaldumal! Dati iniisip ko siguro hindi ako mabibiktima sa mga ganun kasi nga panget ako walang mag kaka interest sakin, pero bakit ganun? Nakakainis talaga! Mga bastos sila! Walang magawa sa buhay!

Pero sino kaya yung "KuTe" ( Kuya/Ate ) na tumulong sakin? Ang weird. Ang gwapong lalake tapos naka 6 inches high heels! Waah! Iba na talaga ngayon!

---

Pang 5 linggo ko na ito dito sa Maid Cafe. Ayos naman yung trabaho ko wala namang problema. Medyo unti-unting nababayaran yung mga gastusin sa bahay. Sa school ok naman nakaka sabay parin naman ako sa mga pinapagawa tulad ng mga assignment, pag katapos ng trabaho dun ko ginagawa. Kaya nga hagard palagi ako eh. Pero okay lang para samin naman tong ginagwa ko eh.

Nandito ako ngayon sa harap ng pintuan ng boss ko. Grabe bakit kaya ako pinatawag? Haaaalaa! Baka sisisantihin na ko! Waaaah!!! Wag naman sana! Lord sana po hindi. Hala ito na kakatatok na ko. Kaya ko to! Fighting!!

Kumatok na ako baka himatayin pa ko dito sa harap ng pintuan. *Tok-tok-tok*

"Pasok." Hala mas lalo akong kinabahan. Pumasok na ko.

"GoodEvening po Sir." sabi ko at umupo dun sa may mini sofa sa office.

"Pinatawag kita dahil nag ka problema tungkol dun sa isang Waitress. Umalis siya ng hindi nagpapaalam, ngayon na sa may Mindanao na pala kasa mga Magulang niya." sabi niya.

Bigla namang napakunot yung noo ko.

"Ano po? Bakit niyo po ito sinasabi sa akin?" tanong ko.

"Gusto ko sa ng ikaw muna ang pumalit sa kanya. Nakikita ko naman na ok ka masipag, palangiti, masayahin na bata." sabi niya na naka ngiti.

Ano ako magiging isang Maid? Waaah! Parang nakakaloka naman yun.

"Sir? Seryoso po ba kayo?" tanong ko.

"Mukha ba kong nag jojoke?" natatawang sabi niya.

"Iiih sir parang di ko naman po bagay mag suot ng ganung pang cosplay na damit. Ihh alam niyo na po.... Ahh na pangit ako. Baka di po babagay." naka yukong sabi ko.

"Okay lang yan Nathalie. Wala naman yan sa itsura eh lahat tayo pantay-pantay walang maganda, gwapo o panget. Mas deserve mo yun kesa maging dishwasher. Nakikita ko kasi yung determanation mo sa trabaho, nag sisikap ka. Ang besides nakita ko yung background mo nabasa ko rin na Working student ka pala nag aaral ka sa isang napaka gandang iskuwelahan with scholarship at honor student ka pa." pag papaliwanag niya.

Bigla naman akong namula dun. Ang bait talaga ni Sir.

"Bukas ka mag sisimula. Ito yung uniform mo." inabot niya sakin yung uniform.

"Waah! Salamat po talaga! Ang bait niyo po! Super as in!" sabi ko at sabay yakap sa kanya.

"O-ou s-sige. Di ako maka hinga." kaagad naman akong bumitaw.

"Ay! ay! Sorry po sir! Hehehe. Natuwa lang po! Pasinsya na! Than you po ult!"

"Sige sige, pwede ka ng umalis." sabi niya.

"Thank you po ulit!" Hahaha. Paulit ulit ako eh noh? Syempre ang saya ko kaya.

Lumabas na ko sa office ni Sir. Waaaah!! Ang cute cute naman nitong damit! Ma itry nga mamaya. Hahaha. Ang cute! Bukas na ko mag sisimula! Yehey!

---

A/n: Hehehehe. Ang ikli po noh? Haha. Pasensya na po lutang eh daming ginagawa sa skul. XD Hintay na lang po ng next UD!

Nasa right po yung picture nung mga maids. Nasa may gitna po si Nathalie. :D

Vote-Comment-Share Kamsahamnida! :D

Mr. Cold Guy meets Ms. Imperfect (ON-HOLD and IN REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon