Tinignan ko siya ng masama. That's a warning. "Are you going to shut up or I'll make you, Primrose San Juan?"
Don't she dare mention my past! Kahit ako'y nakapagmove- on na don.
Really Katarina? Nakamove- on ka na nga bang talaga sa first ever childhood crush mo?
Well, that was just a plain, stupid crush of mine! Not such a big deal.
Will you ever move on from someone you never knew even their name?
Shut up! Shut up mind will you! Will you just shut up!
"Hey there lovely bitches!" Paglingon ko ay andon sa likod, si Gen. Ready na talaga ito sa pag- swim. May dala pa itong apat na Smirnoff Mule. "Bakit ganyan mga mukha niyo? Daig niyo pa mga natalo sa karera?"
Lumapit na ito at ipinatong sa table na malapit sa pool ang dala niya. "Smirnoff bitches! Pampasakit ng ulo! Hahahaha!" Dinaluhan agad siya ni Gen at binuksan agad nila ang tig- isang bote nila.
I honestly don't feel like drinking tonight.
I honestly don't feel like doing anything at all.
What's happening to you Katarina! This is not you!
"Hey K! Here's one for you." Lumingon ako at umiling. "What? Why? Kailan ka pa tumanggi sa alak? Iba 'to ha! May nanakit ba sa kaibigan ko?"
"Confused kamo..." Sabat ni Prim.
Binaling ko ang tingin ko sakanya. What the hell is she talking about right now?
Nagtawanan lang silang dalawa ni Gen. Goddamnit! Bakit ba naisipan ko pang iinvite silang dalawa in the first place? Puro pantitrip at pang- aasar lang naman saakin ang alam ng dalawang 'to. Mamaya niyan eh ako pa ang taga- alaga nila pag tuluyan silang nalasing. Hindi ko alam sa dalawang 'to kahit na madalas uminom eh low- tolerance pa rin sa alcohol.
"Sayang naman 'to may kj kasi sa tabi- tabi. Kuha na rin kaya akong cuervo sa ref?" Naririnig ko ang usapan nila ni Prim. Naka- upo lang ako near the pool at hinayaang nakasayad ang mga binti ko sa tubig, nilalaro ito.
I sighed at tumayo na rin para makalapit sakanilang dalawa. Kinuha ko ang bukas nang bote ng Smirnoff at tinungga agad ito. "That's what I'm talking about!" Tugon ni Gen.
Masarap ang Smirnoff at hindi nakakasuka pag ininom. Hindi rin naman kami mahilig uminom ng beer dahil nakakalaki ito ng tiyan at baka maka-apekto pa sa pagsi- swim ko pag nagkataon.
"So tell me K, what's bothering you?" I looked at Gen doubtful. "Don't dare tell me nothing. It's pretty obvious that something is bothering you."
"Sabihin mo na kasi cous hangga't hindi pa kami nalalasing ni Gen." Diretso pa ang salita, hindi pa nga lasing o tipsy itong si Prim.
I shook my head in response. "Kapag sinabi kong wala, wala. Sumakit lang tiyan ko kanina dahil hindi pa pala ako kumakain buong araw."
"Ay bakit, naghihirap na ba kayo girl?" Ani Gen.
I sent her my famous death glare. "Eh kung ikaw kaya pahirapan ko ang buhay?"
Umiling- uling ito habang natatawa. "Oops, I'm not a transferee, dear. Unless, you wanna start a new tradition." Itinaas ko ang isa kong kilay. "Bullying is now open to friends and close friends of Katarina Rachelle San Juan. That'd be horrendous."
Naghigh- five silang dalawa ni Prim. "Nakuha mo, Gen! Galing mo talaga!"
"K, kuha pala akong cuervo ha. Kulang itong Smirnoff, hindi man lang kami tinatamaan ni Prim huhuhu." Naka- pout pa nitong saad. "Pretty please, K?"
YOU ARE READING
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...
