Ikatlong Kabanata

Start from the beginning
                                    

“Pwede bang umayos ka muna?”

Ikinuwento ni Angelo ang lahat-lahat ng nangyari sa buhay niya magmula noong nakawala siya sa bisig ng kanyang tiyuhin. Ipinagtapat niya ang lahat ng bagay na kanyang tinahak bago pa man marating ang lugar kung nasaan siya ngayon.

“Pero may isang pangako akong dapat tuparin sa sarili ko…” Ang mga huling salitang binitawan ni Angelo.

“At ano naman iyon?” Pagtatakang tanong ni Camille.

“Sa part na ‘yun, wala ka ng pakialam.Na-i-kwento ko na ang lahat. Wala ka na bang ibang tanong? I am excited for the thing that I would ask you to do.”

“Hindi pa.”

“Ano pa?!”

“Kung adopted ka lang, sino si Shirley? ‘Yung babaeng tumulong sa akin.”

“Well, kapatid ko siya sa papel pero hindi sa dugo. Itinuring niya na rin akong parang isang tunay na kapatid.” Sagot naman ni Angelo.

“’Yung tungkol doon sa nangyari sa tulay, the time when you saw me committing suicide and entered the scene, is it a coincidence o ginusto mo lang talaga akong sagipin?”

“Ano sa tingin mo? Kung ano ang nandyan sa utak mo ngayon, ‘yun ang sagot ko.”

“Matino ka rin talagang kausap, ano? Kaya hindi ako naniniwalang ikaw ‘yung Angelo ten years ago na nakilala ko eh.” Sarkastikong sabi ni Camille.

“Oo nga eh. Actually, nagulat nga ako noong nakita kitang magpapakamatay, I truly doubt kung ikaw ‘yung Camille na matagal ko ng hinahanap.” Sabi ni Angelo habang nilalaro ang duyan sa tabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?” Pagtataka ni Camille.

“’Yun kasing kilala kong Camille, matapang at hindi umuurong sa laban. ‘Yung tipong hindi magpapakamatay ng dahil sa isang lalaki. Wala ka ng ibang tanong?” Bigkas ng lalaki na biglang nagpatahimik kay Camille. Pumasok mabuti sa dalaga ang tinuran ni Angelo sa kanya.

“Well…” Napalunok na lang si Camille, “Uhm. Wala na.”

Medyo kinakabahan din kasi siya sa maaaring hilingin sa kanya ni Angelo. Iniisip niya kasing ibang tao na ang nasa harapan niya ngayon. Unti-unting lumapit sa kanya si Angelo hanggang halos magkadikit na ang dibdib nilang dalawa.

“So, it’s my turn.” Hinawakan ni Angelo ang kamay ng dalaga na lubhang ikinagulat ni Camille.

“May isang bagay lang naman akong ipapakiusap sa iyo, Camille.”

“Ano ‘yun?”

“Pakituruan mo ulit ang puso mong magmahal…”

Napako ang tingin ng dalawa sa isa’t isa. Iniwas naman kaagad ni Camille ang tingin habang si Angelo naman, binitawan ang mga kamay ng dalaga. Hindi alam ni Camille kung tama ba ang mga narinig niya dahil tila milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan niya at halos hindi na siya makagalaw sa pagkakatayo. Nakatingin na lamang siya kay Angelo na biglang tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad papalayo.

“Babalik na ako sa site, sumunod ka na rin, marami ka pang gagawin sa kusina.” At tuluyan ng nilisan ni Angelo ang parke at iniwan si Camille na nag-iisa doon.

PARANG nabunutan ng tinik ang dibdib ni Angelo noong nasabi niya ang mga katagang iyon kay Camille. Tila nakahinga siya ng maluwag mula sa matagal na pagkakahimlay.

“Oh, Angelo. Ikaw na ang sunod. After the casual wear, we’ll try the summer attires for the next round.”

“Ok, Direk Mandy. Salamat nga po pala kasi pumayag kayong kunin ang restaurant na sinabi ko para maging food supplier natin.” Turan ng binata sa direktor ng fashion show.

A Twisted Fate [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now