"Sorry I'm late." Biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang boses ng asawa ko.

Oh my god he's here!

"Dude, buti nakarating ka!" Mario said.

"Oo naman. Hindi ko palalampasin ang inuman." Dinig kong sabi niya.

"Bagong look ba 'yan, dude?" Natatawang tanong ni Lucas.

Look? Bakit anong itsura niya?

Kinagat ko ang lower lip ko at dahan-dahan siyang nilingon. Nakita ko ang Damon na... gwapo. I mean matagal na pala siyang gwapo. Hindi pala siya nag ahit ng mga patubo niyang balbas. Mukha tuloy siyang badboy tignan. Gwapong badboy.

"Lagi kasi akong nag mamadaling umalis ng bahay kaya nakakalimutan ko ng mag shave." Sagot niya.

Bakit naman? Siya na nga lang sa Unit at walang ka-agawa sa bathroom nag mamadali pa din siya.

Tumingin siya sa direksyon ko nang mapansin na nakatingin ako sa kanya tsaka naman ako nag madali umiwas ng tingin.

Sakto din ang dating ng inorder namin. Nang ma-i-serve ito umupo sa tabi ko si Damon. Pero hindi kami magkatabi as in magkadikit, magkatabi lang ang upuan namin pero 8 inches ata ang layo niya sa'kin.

"Congrats nga pala. Challenging na 'yang papasukin nyo." Sabi niya sa couple.

Challenging talaga? Ano 'yung papasukin nila laro, para maging challenging?

Kumuha nalang ako ng beer at hindi na nag kumento.

Magpapakalasing ako ngayon!

Kumuha din si Damon ng beer niya at ininum niya agad ito. Nakalahati niya agad 'yung isang bote sa isang tungaan lang. Wow! Magpapakalasing din ata ang mokong samantalang mag mamaneho siya. Ako ayos lang eh, kasi sasabay naman ako kela Majah.

"Anong nangyari sa kamay mo?" Tanong ni Luisa kay Damon.

Bakit anong meron sa kamay niya?

Tumingin ako sa kanang kamay niya na tila kanina pa niya tinatago.

"Wala lang 'to." Sagot niya.

"Patingin!" Utos ko sa kanya.

Hindi siya nakinig at uminum lang.

"Sabi ko patingin!" Pagpupumilit ko.

He finally showed me his right hand na may benda.

"Anong nangyari dyan?" Tanong ko.

"Wala."

"Damon-"

"Wala nga!"

"Anong wala? Ano 'yan basta mo nalang binendahan ng wala lang?"

"Ngayon na nga lang tayo nagkita aawayin mo pa ba 'ko?!"

"Hindi kita inaaway! Tinatanong kita!"

Hindi siya nag salita at uminum nalang. Nakaka bwiset! Bakit ba ayaw niyang sabihin kung anong nangyari sa kamay niya? Mahirap bang sabihin 'yun?

Since ayaw niyang mag salita hindi nalang din ako mag sasalita. Nakinig nalang kami sa pagiiba ng topic nila Luisa. Si Damon tuloy-tuloy lang pag inum na halos walang preno, habang ako naman dinadahan-dahan ko lang itong beer ko.

Hindi ko na itutuloy ang plano kong mag pakalasing dahil kapag nalasing si Damon, plano ko siyang ihatid.

Naubos na ata ni Damon ang pang anim niyang beer nang bigla siyang tumayo kaya na patingin ako sa kanya.

Nag lakad siya papuntang dance floor kaya na pa-tayo din ako at sinundan siya.

Hinawakan ko siya sa braso niya para pigilan sa paglalakad. "Anong gagawin mo?" Tanong ko.

Plano ba niyang makipag sayaw sa iba? Kung ganun humanda siya sa'kin.

Hindi siya sumagot basta nakatingin lang siya sa'kin ng blangko. This time siya ang humawak sa kamay ko at hinila ako sa dance floor.

Niyakap niya ang braso niya mga kamay niya sa bewan ko. Tsaka niya nilagay ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko sa leeg ko ang paghinga niya at ang paghalik niya sa leeg ko.

"I want you now!" I heard him whispered making me blushed, instantly.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Nasa Club tayo!" I scolded him.

"Kapag nasa Unit ba tayo papayag ka?"

'Yan talaga pag uusapan namin? Seryoso ba siya? Lasing ba siya? For sure hindi dahil tahimik siya kapag nalalasing.

Binabitaw ko siya sa pagkakayakap niya sa'kin sa bewang. Nilagay ko ang mga kamay ko sa chest niya para palayuin siya ng kunti.

"Ano bang nangyari sa kamay mo?" Pagiiba ko ng topic.

"Sasabihin ko kapag pumayag kang mag make love tayo." Straight forward niyang sabi.

Are you kidding me?

"May kapalit na ngayon ang tanong ko?"

"Oo!"

"Kailan pa?"

"Ngayon lang."

Nag imbento na naman siya ng kapilyuhan niya.

"Umuwi ka na sa'tin." Sabi niya na punong-puno ng sinsiridad at pagkamiss sa tono ng boses niya.

"Hindi ka na galit?"

"Hindi ka na din ba galit?"

"Galit pa din." I look down. "Pero payag na 'ko sa gusto mong umuwi na."

Siguro nga tama si Maj, maayos lang 'to kung uuwi na 'ko.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya para makita ko ang reaksyon ng mukha at nakita kong bahagya siyang napa ngiti sa narinig na sinabi ko.

Iniyakap niya ulit ako sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"I love you, baby." He murmured.

"I love you too Damon, kahit ganitong magkaaway tayo laging mong tatandaan na mahal kita."

"So ibig bang sabihin niyan, payag ka ng mag make love tayo?"

I bite my lip para hindi ko matuloy ang giggle na lumabas sa bibig ko.

Bumitaw ulit ako sa pagkakayakap niya sa'kin. "No!"

"No? As in no?"

"No! As in no!"

"Pero monthsary natin bukas."

Naalala pala niya.

"So?"

"Every monthsary walang mintes ang love making natin."

I rolled my eyes. "Hindi ako makapaniwalang pinag uusapan natin 'to dito sa dance floor!"

"Edi umuwi na tayo, at dun tayo mag usap."

"Ang utak mo din e nu?"

He shrugged. "Nag su-suggest lang."

"Bukas pa 'ko uuwi."

"Edi bukas natin pag usapan."

I slapped his chest. "Shut up dude!"

Akala niya ata mabilis akong bibigay. Well basta hindi niya ako hahalikan, hindi talaga ako mabilis na bibigay.

--

Keep voting. ☆

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now