Chap. 15

6.3K 182 3
                                    

AUTHOR’S NOTE : This time let’s focus sa mga eksena nina Milo at Ara. Para maintindihan natin ang mga pangyayari.


After two years....

AURORA’S POV

“Ara, gumising ka na...kailangan mo nang maghanda para mamaya. Nakakahiya sa pamilya ni Milo.” Bulong ni Nanay sa akin. Gumising ako na may ngiti sa labi. Hindi naman ako kinakabahan sa araw na ‘to. Excited nga eh. ^_^

Ilang sandali lang, pagkatapos kong kumain inayusan na ako ng make-up artist.

Nang matapos akong ayusan nasa likuran ko tumayo ang aking ina.

“Anak, ang ganda-ganda mo. Kahit napakabata mo pang mag-asawa alam kong ginusto mo rin na mangyari ito. Ganun mo ba kamahal si Milo?” Tanong ni Nanay.

“Opo. Magpapakasal po ba ako sa kanya kung hindi ko s’ya mahal. Nanay naman anong klaseng tanong ‘yan?” Parang may alam si Nanay na hindi n’ya masabi sa akin.

“Alam kong niligawan mo si Onyx noon. Sinabi sa akin nina Sabrina at Michael. Ara, kababae mong tao nagawa mo ‘yon? Ikaw talaga, kahit anu-ano nalang pumapasok sa utak mo.” - si Nanay.

“Ang torpe at pakipot si Onyx. Halata naman na may gusto s’ya sa akin. Nanay, h’wag n’yo nang ipapaalala sa akin. Tapos na ho ‘yon.” Kunot noo kong sinabi sa aking ina. Ngumiti lamang s’ya at tinapik ang aking balikat.

Isinuot ko ang aking Vera Wang mini-white lacy dress. Ngayon ko lang nasabi na ang ganda ganda ko pala. Pero bakit hindi ako napansin ni Onyx noon? Pwes, malas n’ya.

Biglang pumasok sa aming silid ang ina ni Milo. Nakangiti itong lumapit sa akin.

“Ara, alam kong hindi Church Wedding ang kasal n’yo ni Milo. Pero h’wag kang mag-alala magkakaroon kayo ng Church Wedding ulit pagkatapos n’yong mag-aral. Ilang taon lang din naman ‘yon. Ara, ang saya-saya ng buong pamilya namin na ikaw ang mapapangasawa ni Milo. Alam mo ba, mula nang umuwi kami noon sa Amerika, ikaw ang lagi n’yang hinahanap. Nakukulitan na nga ang mga pinsan n’ya tuwing nakakausap nila s’ya.

Ara, mahal na mahal ka ng anak namin. At wala kaming mahihiling pa sa Dios kundi ang kaligayahan n’ya. Mahalin mo s’ya...kasi Mahal ka din namin.“ Napayakap ako sa ina ni Milo. Pakiramdam ko napakaswerte ko dahil maraming nagmamahal sa akin.

==========================================

Pumunta kami sa isang Beach Resort. Doon gaganapin ang aming Beach Wedding ni Milo. Iilan lamang ang aming inimbitahan. Halos mga kamag-anak nina Milo at kamag-anak namin ang naruruon. Syempre mga iilang kaibigan ko nandoon din. Hindi mawawala sa araw na ito sina Rachael at Julianne.

“Kabog! Ang ganda mo Ara..pwede pagkatapos ng kasal mo pahiram naman ng Vera Wang mini-White dress mo. Kasi irarampa ko rin sa wedding day ko. Problema lang, wala parin akong PAPA. Sa madaling salita..VIRGIN parin ako.” Walang hiyang bakla ito wala paring pinagbago. Napailing nalang ako sa sinabi ni Julianne.

“Ara, speaking with V-CARD.. matitikman mo narin!” Dios ko po! ba’t hindi ko ba naisip ‘yon. Oo, nga pala..mamayang gabi na kami magsasama ni Milo as couple. OMG!

“Ah..eh..hindi pa namin gagawin ‘yon mamaya. Kasi alam n’yo na..HINDI PA PWEDE. STRICT ANG PARENTS KO!” Natawa ako sa sinabi ko. Jus ko po!

“Well, magro-ROSARY kayo? O magmo-movie marathon? Loka-loka. Kung ako sa ‘yo lagyan mo nalang ng PADLOCK ang panty mo. O kaya bumili ka ng MOUSE TRAP, sigurado hindi magkakamali si Milo na lapitan ka.” Sabay halakhak nina Julianne at Rachael.

Sumenyas na ang magulang ko na magsisimula na ang kasalan.

Nagsimula na kaming magmartsa. Abot tenga na ang ngiti ng mga tao habang nakatingin sa akin. At nakita ko si Milo nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero habang lumalapit ako sa kanya napapaluha ako. ‘Yong feeling na parang hindi mababayaran ng ano pa man na karangyaan sa mundo...Ngayon ko lang naramdaman na I’M SO SPECIAL...

Inihatid ako kay Milo ni Tatay. Napaluha din si Milo. Pinunasan ko ang luha n’ya. Ganun din s’ya sa akin. Napangiti kaming pareho. Ngayon ko lang narealize PAREHO KAMING IYAKIN AT SENTIMENTAL.

Habang nagkakaroon ng seremonya ng kasal; hindi namin binibitawan ang aming mga kamay. Pakiramdam ko nakadepende na rin ang buhay ko sa kanya. Ngayon ko nauunawaan NA ANG PAGMAMAHAL NI MILO SA AKIN AY DI NASUSUKAT NG PANAHON..NAGKALAYO MAN KAMI— NGUNIT AKO AT AKO PARIN ANG HINAHANAP N’YA.

===========================================

Natapos din ang kasal namin..dumating na ang oras na kung saan kailangan na naming magsama bilang mag-asawa.

Tumuloy kami sa isang Luxurious Hotel. Kinakabahan man ako pero nilalabanan ko. May mangyari man sa amin sa gabing ito ‘YON AY NORMAL SA MAG-ASAWA. Pero dinadasal ko parin :

TUKSO LAYUAN MO KAMI NI MILO!

==========================================

THIRD PERSON’S POV

Pumasok na sina Aurora sa kanilang Suite sa hotel. Naunang pumasok si Aurora at iginala ang kanyang mga mata sa buong paligid. Mula sa kanyang likuran ay niyakap s’ya ni Milo.

Pakiramdam ni Aurora ay tumayo ang kanyang mga balahibo sa buong katawan. Nararamdaman n’ya ang milyong –milyong boltahe. Nagwawala na ang kanyang mga daga sa dibdib.

“Babe, kinakabahan ka ba?” Bulong ni Milo sa kanyang tenga.

“Ah, hindi naman. Milo, kailangan ba nating matulog na magkatabi?” Biglang tanong ni Aurora.

“Natural, bakit ayaw mo? Kasi ako, gustong gusto ko.” Muling bulong ni Milo.

“Milo, alalahanin mo estudyante pa tayo. We need to finish our school first. Tsaka, natatakot pa ako.” Inamin ni Aurora kay Milo. Biglang humalakhak si Milo.

“Ikaw talaga, kung anu-ano ang iniisip mo. Oo, naman alam ko ‘yon. Hindi naman tayo mag-...Alam mo na ’yon! Hihintayin ko kung kelan ‘yong READY KA NA. Pero, gusto kong magkatabi tayo. Kahit yakap lang pangbigyan mo ako.” Kindat ni Milo sa kanya.

“Oo, na. Meron pa ba akong magagawa. Please behave.” Sabi ni Aurora. Tumango naman si Milo.

Nang matulog na sila pinakiramdaman ni Aurora ang mga kilos ng asawa. Humiga ito at tumagilid. Nakaharap sa kanya. Hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan ito.

“I want to hold your hands. I want to kiss you from time to time. You bring lights to me . Indeed, you’re the goddess of DAWN, Aurora. You’re the goddess of my World.” Napangiti si Ara sa sinabi ng asawa.

Agad hinalikan ni Aurora ang pisngi ng asawa ngunit bigla s’yang niyakap ni Milo at nauwi sa isang malalim na halikan. Nadama ni Ara na gumagapang ang mga kamay ni Milo sa kanyang katawan. Nadadala s’ya sa bawat haplos ng mga palad nito. Hindi malaman ng utak ni Aurora kung anong gagawin n’ya.. nakakapaso ang init ng halik ni Milo. Ngunit..

“Good night, Babe. We need to stop this. Bago ko malimutan ang lahat.” Sabay ngiti ni Milo.

“Walang hiya ka! Binitin mo lang ako.” Nakanguso agad si Aurora.

“Bakit gusto mo na ngayon? Gawin na natin.” Paghahamon ni Milo.

Napaisip si Aurora. Mukhang seryoso si Milo sa sinabi nito.

“Ahh..Eh..tulog na lang tayo.” Sabay siksik ni Aurora sa bisig ni Milo. Natawa naman si Milo sa reaksyon ng asawa. Kaya hinagkan nalang ni Milo ang noo nito.

“BITIN! Pero feel na feel ko talaga ang sensation. Kaloka! Anak ng tipaklong..NASA LOOB ANG KULO KO..Waaaaaaa! Nahawa na yata ako nina Julianne at Rachael sa kalandian.” Ang nasabi ni Aurora sa sarili.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon